Sa labas ng kubo ko piniling magpababa ng kinain pagkatapos maghapunan. Nakaupo sa ginawang duyan ni Peter, tinawagan ko ulit sina mama’t papa. Ayon nga lang ay pareho silang hindi sumagot kaya napatingin ako sa oras. Hindi ako sigurado kung tulog na ba sila pero parang masyado pa kasing maaga. Gusto ko sanang makausap ang mga magulang ko dahil medyo matagal na rin mula noong huling tawag nila. Si mama nga lang ang nakausap ko noon dahil busy raw si papa. Exam season kasi kaya nga sandali ko lang din siya nakausap. Naisip kong makisuyo kay Elle pero nag-aalangan akong humingi na naman ng pabor sa kanya… “Okay ka lang?” tanong ni Peter na hindi ko napansing lumabas na pala ng kubo. May dala siyang watermelon na pa-triangle ang hiwa. Tumango naman ako sa tanong niya. “Kinukulit ka pa

