Hindi ko maalis ang tingin sa paper cup sa ibabaw ng lamesa. Bakit ba kasi binitbit pa ni Peter ang kapeng ginawa ko kaninang umaga? Kasalanan ko rin naman – nagpadala ako sa pagpaparinig niya. He knew the coffee was for him. And I was not able to deny it—at least not completely. Napairap na lang ako sa ere bago ko iyon inabot sa kanya. At maganda sana kung doon na natapos ang kwento—pero hindi. Napapikit ako at napailing nang maalala ang sunod na nangyari— “May problema ba, Ms. Ortega?” tanong ni Peter. Napunta tuloy sa ‘kin ang atensyon ng lahat. Para akong nabigyan ng spotlight. “Ah wala po, sir,” sabi ko kaagad sabay bagsak ng tingin sa malinis kong notebook. Hindi ko narinig kung ano man ang sinabi niya. Nasa bi-weekly meeting kami ng Project Lumora. Pinag sit-in lang ako ni Pe

