Chapter 34 (Part 1)

2065 Words
Mahigit isang buwan na ‘ko sa Cole’s Cove pero pakiramdam ko, marami pa akong hindi alam tungkol sa islang ito lalo na sa mga taong nakatira rito. Magsisinungaling ako kung sasabihin kong ‘ni minsan ay hindi ko naisip mag-search online. Pero sa dami ng beses na naisip ko ito, ngayon lang ako bumigay sa curiosity ko. Searching about Cole’s Cove, umasa akong makakahanap ng kahit anong impormasyon tungkol dito. Ngunit paglabas ng search results, awtomatiko akong nabigo. Lahat kasi ng mga lumabas ay walang kinalaman sa isla. Imbes na private island, mas dapat yata itong tawaging secret island dahil parang walang nakakaalam ng tungkol sa existence nito bukod sa mga residente. Kaya kung interesado talaga ‘kong mas makilala ang isla at mga nakatira rito, kailangan kong mag-effort – which means it's more than just looking things up online. Bumukas ang pinto ng kwarto kaya agad kong binaba ang phone ko. Nakaupo ako sa kama at nakasandal sa headboard nang pumasok si Peter. Kakaligo lang niya, halata sa basang buhok at nakapatong na bimpo sa leeg. Sandali kaming nagkatinginan kaya tipid akong ngumiti bago yumuko. Tumango lang siya ng isa bago naupo sa kabilang edge ng kama. Nakatalikod siya sa ‘kin nang maupo kaya rito ako pumikit nang mariin. Bakit ang awkward ng ngiti mo, Briar? Muntik ko nang batukan ang sarili. Kahit araw-araw na kaming magkasama ni Peter, mabilis pa ring uminit ang pisngi ko pagdating sa kanya. Hindi ko tuloy alam kung normal pa ba ito o may sira na ‘ko. Huminga ako nang malalim at pinilit maging normal. Lumapit ako kay Peter at mabilis hinawakan ang kanyang bimpo. Ayon lang ay mabilis din niyang nahuli ang kamay ko. “Patuyuin natin ‘yung buhok mo,” sabi ko at bago pa siya kumontra, inagaw ko na ‘yung bimpo at tumayo sa harapan niya. Hindi ko na naiwasan pa ang mga mata niya ngayong magkaharap kami. Nangungusap ang kanya habang diretso ang tingin sa ‘kin. Sinubukan ko naman itong ‘di pansinin at nagsimulang patuyuin ang kanyang buhok bago ko pa malimutan. “Matutuyo rin ‘yan,” protesta ni Peter pero nagpatuloy pa rin ako. Nakakatuwang hawakan ang kulot niyang buhok. Parang mas malambot pa kasi ang kanyang curls kaysa sa tuwid kong buhok. “Pero mas mabilis kapag ganito,” balik ko at nangiti nang mapansin ko ang pagpikit niya. Mukhang tinanggap na lang niya ang kapalaran niya. At palagay ko nagustuhan din naman niya ang ginagawa ko. Kaya nangako ako sa sariling simula ngayon, araw-araw ko na itong gagawin para sa kanya. “Pagkatapos ng trabaho natin sa umaga, may iba ka pa bang lakad o balak gawin?” pagbasag ko ng katahimikan. “May gusto ka bang puntahan o gawin?” tanong din ang ibinalik ni Peter. Para bang makahanda siyang isantabi kung ano man ang nakaplano niya. “Ah wala naman,” sagot ko. Napaisip kasi ako kung ayos lang bang sabihin ko sa kanya ang gusto ko dahil baka makaabala pa ako sa kanya. Nang matahimik ako, dumilat si Peter kaya muling nagtagpo ang mga mata namin. “Libre naman na tayo pagkatapos,” sagot niya sa tanong ko. Halatang gustong malaman ang totoong iniisip ko. “Okay. Gusto ko lang sana maglibot-libot dito sa isla para mas maging pamilyar ako. Kung libre ka, baka gusto mo ‘kong samahan?” pagbabakasakali ko. At akala ko kakailanganin pa niya ng oras para mag-isip nang marinig ko agad ang sagot niya, “Mas maganda kung sa umaga tayo. Para hindi ka masyadong mainitan. Sabihan ko si Mang Ambo na ‘di tayo papasok bukas.” Awtomatikong nalaglag ang panga ko. Nahinto rin ako sa pagpapatuyo ng buhok niya. “Okay lang sa ‘kin kahit pagkatapos. Nakakahiya naman–” “Kailangan din natin ng break,” pagputol niya sa ‘kin pero nag-aalangan pa rin ako, “‘Wag kang mag-aalala. Kahit ‘di tayo pumasok ng isang araw, kaya pa rin kitang suportahan,” dagdag pa niya kaya tuloy tinapik ko siya sa braso at natawa. “Wow provider mindset agad?” biro ko na nagpangiti rin sa kanya. Aalis na sana ako sa kanyang harapan nang madali akong nasakop ng mga braso at binti niya. Nakapulupot sa beywang ko ang mga braso niya habang pinipigilan naman akong makagalaw ng mga binti niya. Umakyat na naman tuloy lahat ng dugo sa mukha ko dahil sa intimate na posisyon namin. “Plano mo na ba talagang tumira rito?” Ilang beses na yata itong natanong ni Peter sa ‘kin pero parang ‘di pa rin siya sigurado sa kabila ng sagot ko. Naningkit ang mga mata ko. “Depende kung nandito na lahat ng kailangan ko,” sagot ko na medyo nanunukso. Tuloy ay humigpit ang yakap niya sa ‘kin. Umawang pa ang labi ko para sana dugtungan ang sinabi nang sunggaban niya ako ng halik. Nanlaki ang mga mata ko kahit mabilis lang ito. Iniharang ko tuloy ang bimpong hawak sa harap ng labi ko pagkatapos. “Sabihin mo lang ako kung may kulang pa sa isla,” puno ng kumpyansang saad ni Peter. Napahagikgik naman ako, “Sus. Parang ang lakas mo sa may-ari ah.” Akala ko ay may balik pa siya pero nanatili lang ang malalim niyang tingin sa mga mata ko; marahan niyang hinawi ang ilang hibla ng buhok kong nakaharang sa mukha. Tuloy ay madaling nagkagulo ang mga paruparo sa tyan ko. “I promise to make this island your home,” parang musika sa tainga ang sinabi ni Peter. Hindi alintana ang bimpo sa pagitan ng mga labi namin, muli niya ‘kong hinalikan. Ramdam ko ang diin ng kanyang labi na nagpabilis at lakas ng t***k ng puso ko. Tumindi pa ito nang isabay niya ang maingat na paghaplos sa katawan ko. Nagmistula akong makahiyang unti-unting tumitiklop sa kanyang mga kamay. Peter has been so gentle with me ever since I came back. He has never demanded anything from me. Even now, I can feel his careful touch, making sure I'm comfortable. Kaya wala akong pagsisisi sa naging desisyon ko. Kahit na may kakambal itong komplikasyon na ayaw ko munang harapin. Napahawak ako sa magkabilang balikat ni Peter, I gave him a little tap kaya huminto siya. Nalaglag ang bimpo at dito ako naghabol ng hininga. Sinapo niya ang mukha ko gamit ang dalawang kamay at dito ako tiningnan nang maigi, “Sorry, okay ka lang?” nakakunot-noong tanong niya; ramdam ko ang bigat ng kanyang paghinga. “Hangin. Kailangan ko lang ng hangin,” pag-amin ko dahil nakalimutan ko palang huminga. Nagpahirap pa ‘yung bimpo na kasalanan ko rin naman. Nang magkatinginan kami ni Peter, imbes na mainis sa pagkakamali ko ay nakita ko ang pag-angat ng dulo ng kanyang labi. Bahagya siyang yumuko para maitago ito. Imbes tuloy na humingi ng tawad, natawa ako at dito siya niyakap. Naramdaman ko ang paghalik niya sa ulo ko nang yakapin ako pabalik. “Kailangan mo yata ng breathing exercises. Hayaan mo simula bukas kapag nag swimming–” Nahinto si Peter sa pang-aasar nang kilitiin ko siya sa tagiliran. Nang hindi siya natawa, sunod kong siniksik ang mukha ko sa kanyang leeg. Nakarinig lang ako ng mahinang halakhak. Hinanap ko pa nang hinanap ang kanyang kiliti hanggang sa aksidente kong naitukod ang siko ko sa kanyang hita at dito siya tumawa nang malakas at umiwas. Tawang-tawa tuloy ako nang yakapin niya ulit ako nang mahigpit para pigilan. Napahiga siya sa kama at dito ako napaibabaw sa kanya. Kapwa kami naghahabol ng hininga nang mapatingin sa isa’t isa; pareho ring malawak ang ngiti sa labi. “You are my home, Peter.” Masaya ako kasama siya. At isa lang ito sa napakaraming gabing nakahanda akong pagsaluhan namin simula ngayon. *** “Grabe! Nag-abala ka pang igawa ako ng ganito?” Ito ang naging reaksyon ko nang makita ang nakasulat sa papel na inabot ni Peter. Kasalukuyan akong nakaupo sa duyan. Pagkatapos kasing mag umagahan ay una niya akong pinag-ayos at dito ko siya sa labas hinintay. Ginawan ako ni Peter ng mapa ng Cole’s Cove. Una kong nakita ang kubo namin na talaga palang nakahiwalay sa iba. Nakita ko rin ang Chapel at daungan ng mga bangka malapit sa ibang kubo. Detalyado ang pagkakagawa ng mapa kaya hindi ka talaga maliligaw. “Kailan mo ‘to ginawa?” tanong ko pa. Kagabi ko lang naman sinabi sa kanya ang intensyon kong mas makilala pa ang isla at sabay kaming natulog. “Kanina, paggising,” sagot ni Peter na para bang hindi ito big deal. E maaga rin naman akong nagising kanina pero naabutan kong naghahanda na siya ng agahan. Ibig sabihin ay mas maaga pa siyang nagising para gawin ito. A gentle warmth filled my chest. Tumayo ako at dito siya niyakap. “Salamat! Magaling ka rin palang mag drawing! Sobrang talented mo naman. Mayroon ka pa bang ‘di alam gawin?” pagpuri ko pa sa kanya. Tumikhim naman siya sabay yakap sa ‘kin pabalik. Napangiti ako dahil dito. Nang maghiwalay ay inilahad niya sa harapan ko ang kanyang kamay. Pinagdikit ko sandali ang labi dahil baka mapunit na ito kakangiti, sabay kuha rito. “Tara na!” sabi ko pa nang hilahin siya. Ayon lang ay hindi siya gumalaw kaya napalingon ako sa kanya. “‘Yung mapa?” blankong tanong ni Peter. Umakyat ang dugo sa mukha ko dahil hinihingi lang pala niya ‘yung papel na hawak ko, hindi ang kamay ko! Wala akong sinabi pero nakasibangot ako nang iabot sa kanya basta ‘yung papel. Nakakahiya! Binitawan ko na siya at akmang mauuna, nang mabilis niyang nabawi ang kamay ko. “Baka mawala ka,” depensa niya; para bang natatawa pa. Hindi ko alam kung nanunukso lang ba siya pero pinuno ko lang ng hangin ang bibig ko imbes na sumagot. Nang magsimula kaming maglibot-libot sa isla, kinwento ko kay Peter na minsan nang nabanggit ng kanyang mga kaibigan kung anu-ano ang mayroon dito sa Cole’s Cove. Pero hanggang tanaw lang ako sa malayo noon dahil ayaw ko rin naman silang abalahin pa kapag nagpasama ako. At noong humiwalay ako sa poder niya, sa loob lang ako ng kubo maghapon para makaiwas sa kanya. Kaya kahit wala naman daw masyadong makikita, hindi pa talaga ako nabibigyan ng pagkakataong malibot ang islang ito. “Isa-isahin natin,” sabi naman ni Peter at dito niya tuluyang pinagsalikop ang mga kamay namin. Tuloy ay napayuko ako at hindi na naman napigilan ang pagngiti. Una naming pinuntahan ang daungan para magpaalam kay Mang Ambo. Si Peter na ang kumausap dito habang nakatayo ako ‘di kalayuan, nakamasid sa mga cabanas at gazebo. Sobrang payapa lang talaga rito kumpara sa kabilang isla. Kaya medyo nauunawaan ko na kung bakit ayaw ng may-ari magpapasok ng turista. Mabuti at naging mabilis lang ang pag-uusap nina Peter at Mang Ambo. “Hindi ba siya nagalit?” tanong ko nang maglakad kami palayo. Naniniguro lang ako dahil baka sarap ngayon, jobless later ang mangyari sa ‘ming dalawa. Hindi kasi palangiti si Mang Ambo kaya kahit kumaway ako sa kanya kanina, tumango lang ito ng isa. Umiling si Peter, “Hindi. Wala namang problema,” sagot niya na nagpakalma sa ‘kin. “Saan ba tayo unang pupunta?” tanong ko lalo na’t maganda pa ang panahon, hindi pa masakit sa balat ang sikat ng araw. Tamang-tama nga ang oras na ito para maglibot sa isla. “Pamilyar ka na sa daungan, mga bahay kubo, at chapel. Nakita mo na rin ‘yung clinic…” pahina niyang saad habang nag-iisip. Naalala ko ang nangyari kahapon dahil sa pagbanggit niya sa chapel pero nagkibit-balikat na lang ako. Ayaw kong masira ang araw namin. “Saan pala nakatira sina Lorenz?” tanong ko nang maalalang ‘di ko pa nakikita ang bahay ng mga kaibigan niya sa tagal ko rito. Parang nabigyan naman siya ng ideya sa sinabi ko. “Daanan natin. Mayroon ding ilang kubo rito na nabakante dahil umalis na ‘yung mga nakatira,” sabi niya at sa wakas ay nagkaroon na kami ng destinasyon. “Bakit sila umalis?” natanong ko nang ‘di pinag-iisipang mabuti. Sumagi sa isip ko si Elle. Gusto ko sanang bawiin ang tanong nang marinig na ang sagot ni Peter, "Para sa mas malawak na mundo.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD