Nakasimangot ako habang nakahalukipkip sa passenger seat, katabi si Peter na tahimik na nagmamaneho. Kailan ko siya ginawang driver?! Ngayong gabi lang naman niya ‘ko ihahatid. Tumanggi pa nga ‘ko pero mapilit silang magkapatid. “‘Yung time ba na pabalik tayo ng office?” tanong ko. “Hindi kita ginawang driver noon. Ikaw ang nag-volunteer. Ang sabi mo, may importante tayong kailangang pag-usapan tungkol sa trabaho.” Baka nakalimutan niyang gusto ko sanang sumabay noon kay Kelsey pero pinigilan niya ‘ko. At sino ba naman ako para tumanggi sa boss ko? “Tsaka ‘di ba si George ang driver noon?” Lumingon ako kay Peter. Pero tahimik pa rin siya, parang walang naririnig. Unti-unti na ‘kong napipikon. Pinaypay ko ang kamay sa mukha—ewan ko ba, parang biglang uminit sa loob ng kotse. “Puro Sw

