0

1768 Words
Maaga pa lang ay abala na at maingay na ang buong mansyon ng mga Pueblo. Lahat ay nagkakagulo sa paghahanda para sa kasal ng kaisa-isang prinsesa ng pamilya. May nag-aayos ng mga sasakyan, ang iba naman ay tumutulong sa entourage, at may abala rin sa pag-aayos ng reception. Ngunit sa gitna ng lahat ng ito, tahimik ang bagyong bumabalot sa dibdib ni Keyna. Mula sa kanyang silid sa ikalawang palapag, paulit-ulit siyang lumalapit sa bintana. Hindi niya mabilang kung ilang beses na. Hinahanap niya ang kaayusan, ang kumpirmasyon, ang kontrol. Paulit-ulit siyang nagte-text sa organizers: “Sure na ba ang arrival ng flowers?” “Lining ng aisle, okay na ba?” “Walang palya, please.” Ngunit ang tunay niyang tanong, hindi kayang sagutin ng sinuman: “Ready ba talaga siya? Si Anton?” “Nervous?” Tipid ang ngiti ni Keyna nang masilayan ang kanyang mga kaibigan sa pinto ng silid. “Who wouldn’t be?” sagot niya sa matalik na kaibigan, sabay irap. “This is normal. Lahat ng ginagawa mo ay normal. Ikakasal ka na! After lahat ng pagtutol noon, ngayon may basbas na kayo. Kaya dapat maging masaya ka at huwag na mag-overthink.” “Tama. This is your day. Mahal na mahal ka ni Anton, so ano pa bang ikinakatakot mo?” Napangiti si Keyna. Kahit papaano ay nabawasan ang kaba at takot na nararamdaman niya. “I know, but Amanda, stop rummaging through my stuff. Shiela, ilabas mo na ‘to. Kanina ka pa—hindi pa rin tapos ang makeup ko,” sabi niya sa kaibigan na ngayon ay nakikialam na sa kanyang mga accessories. Nang makaalis ang kanyang mga kaibigan, muling hinarap ni Keyna ang salamin upang tapusin ang makeup niya. May pictorial pa silang entourage bago tumuloy sa simbahan. Medyo atrasado siya sa oras, lalo pa’t kararating lang nila mula Canada dahil sa kanyang trabaho. Simple lang ang gusto niyang kasal—sa simbahan ang seremonya, at sa hacienda ang reception. Ngunit hindi niya akalaing aabot pa rin sa mahigit isang daang bisita. Pagkatapos ayusan si Keyna, agad nang sinimulan ang photoshoot kasama ang entourage. “Aren’t you so pretty?” Napangiti si Keyna nang marinig ang boses ng kanyang ama. “Dad…” bulong niya habang sinalubong ito at niyakap. “I’m so happy for you, anak. I know Anton will take care of you,” bulong ng kanyang ama bago siya halikan sa noo. “Thank you, Dad, for all the love and support. I wouldn’t be here today if not for you.” “Tama na ‘yan. Bawal umiyak. Basta tandaan mong andito lang si Daddy. Masaya akong ihahatid ka sa lalaking mahal mo. At kapag nagkita kami ng Mommy mo, masasabi kong iniwan kitang masaya.” “Dad…” Naiyak lalo si Keyna. Siya’y nag-iisang anak at pinalaki ng ama sa kabila ng lahat ng pagsubok. Habang lumilipas ang bawat minuto, lalong nananabik si Keyna. Kinuha na nina Amanda ang kanyang cellphone kaya hindi na niya makontak si Anton, na panay din ang tawag. Pagbaba niya sa mansyon ng mga Pueblo, bumungad ang mala-hardin na dekorasyon ng puting rosas sa hacienda. Namangha siya sa tanawin—noon ay nasa imahinasyon lang ito, ngayon ay nasa harapan na niya. “Magkano kaya ang ginastos dito ng mga Pueblo?” “Deserve ni Señorita ang ganito kagandang kasal. Suwerte ni Anton at pumayag ang mga Pueblo na maging parte siya ng pamilya.” “Alam niyo bang kaya pumayag ang Don dahil bankrupt na raw ito?” Ilan lang ‘yon sa mga bulung-bulungan tungkol sa kanya at sa kanilang pamilya. Maraming espekulasyon, pero ayaw na ni Keyna itong palakihin. Wala siyang dapat ipaliwanag—ang gusto lang niya ay maging masaya. “Keyna is here…” Noong una, excitement lang ang nararamdaman niya. Pero ngayong nasa simbahan na sila, bumalik muli ang kaba. This is her dream: to be wed to the man she loves most. Ang pangarap na hinintay niya ng maraming taon, ilang hakbang na lang ang layo. Muling sinilip ni Keyna ang sarili sa salamin. Ayaw niyang may smudged makeup. Gusto niyang maganda siya para kay Anton. Gusto sana niyang tawagan ito, pero hindi ibinibigay ang phone niya—sabi ng mga kaibigan, “para mas exciting.” Pagbaba pa lang ng sasakyan ay umaapaw na ang kaba’t excitement ni Keyna. Sa likod ng pintuang iyon, naghihintay ang kanyang forever. Agad niyang inayos ang sarili. Sa pagbukas ng pinto, nagsimula nang maglakad ang kanyang mga bridesmaids. Siya ang huling papasok. Nagsimulang tumugtog ang wedding march. Wala na siyang marinig kundi ang kabog ng dibdib niya. Isang malalim na hininga ang pinakawalan niya nang tapikin siya ni Amanda. “So happy for you, Keyn.” Kasabay ng pagkawala ni Amanda sa paningin ni Keyna, tumugtog ang kantang pinili mismo ni Anton para sa kanya. Sa unang sulyap pa lang sa binata na naghihintay sa dulo ng altar, hindi na nawala ang ngiti sa mga labi ni Keyna. Sa bawat hakbang, salitan ding bumagsak ang kanyang mga luha. The love of her life is waiting at the end of this aisle. The man who showed her what it means to be truly loved. The one who stood by her and spoiled her with care. “Princess, I know how happy you are right now. And I’m just as happy to witness your joy. I’m glad I’m still here now that you’ve found your Prince.” Lalong bumuhos ang luha ni Keyna sa mga salitang binitawan ng kanyang ama habang magkasabay silang naglalakad. Wala man ang kanyang ina, alam niyang masaya ito para sa kanya. The word happiness could no longer contain what she feels. “Mahal, sobrang ganda mo,” bulong ni Anton habang inaabot ang kamay ni Keyna mula sa kanyang ama. “And so are you,” sagot niya, habang pinupunasan ang sariling luha. Inalalayan siya ni Anton papunta sa altar kung saan naghihintay ang pari. Hindi matawaran ang bulungan at papuri sa loob ng simbahan—lahat ay humahanga sa ganda ng bride at sa chemistry ng magkasintahan. Lalong lumigaya si Keyna. All you could see in Keyna was pure happiness and overflowing love. In a few minutes, she would become Mrs. Keyna Delos Santos—not just the usual Keyna Pueblo everyone used to know. “Nandito tayo ngayon upang pag-isahin ang dalawang pusong nagmamahalan——” Buong seremonyo, hindi nawala ang ngiti sa labi ni Keyna. Ganoon siya kasaya. “Anton Delos Santos, tinatanggap mo ba si Keana Elisse Pueblo bilang iyong asawa?” Tanging si Anton lang ang nakikita niya. “Anton, tinatanong ka ng pari,” sabay yugyog ni Keyna sa kasintahan na tila wala sa sarili. “Father…” May kaunting pag-asa si Keyna sa kanyang boses, ngunit muli itong tumahimik. Nagsimula nang mag-alala ang lahat. Tahimik ang lahat. Hindi agad sumagot si Anton. “Anton Delos Santos… uulitin ko—tinatanggap mo ba si Keana Elisse Pueblo bilang iyong asawa?” Muli, katahimikan. “Anton, tinatanong ka ng Pari!” boses ni Keyna ay mas matalim, mas prangka. Pinipigilan ang panginginig, pero unti-unti nang bumibitaw ang kanyang kontrol. Nanginginig ang mga labi, hindi dahil sa kaba, kundi sa poot. This wasn’t nerves. This was cowardice. “Father…” Isang salita. Pero wala nang kasunod. Tumayo ang ama ni Keyna sa likod, ngunit pinigilan ito ng mga pinsan niya. Sa gitna ng gulo, nilingon ni Keyna ang altar. Hindi na ito ang altar ng pangarap niya. Isa na itong entablado ng kahihiyan. Lumapit siya kay Anton, mas malapit, hanggang magkatapat sila. Boses niya’y malamig na parang yelo: “Kung hindi mo kayang sagutin, ako na lang. HINDI. HINDI kita tatanggapin kung hanggang ngayon hindi mo pa rin alam ang gusto mo.” Uminit ang pandinig niya sa mga bulong sa paligid—“Groom walkout?” “Anak ng Don iniwan sa altar?” Pero hindi siya papayag na siya ang lalabas na kawawa. “Mahal…” bulong ni Keyna, ngunit mabilis na iniwas ni Anton ang kamay niya. “Mahal… I really tried. I really did try to commit and continue this wedding—but I just can’t.” Tumigil ang mundo. Pero si Keyna, hindi. “Tried? You tried?!” Nag-angat siya ng kilay, isang mapanirang ngiti sa labi. “You didn’t try hard enough.” Parang gumuho ang mundo ni Keyna sa narinig. Alam niyang may pagbabago kay Anton nitong mga nakaraang linggo, pero inakala niyang normal lang ito na pre-wedding jitters. Hindi niya inakalang aabot sa ganito. “Seriously, Anton?” tanong niya habang umiiyak. “We planned this. You proposed to me. How can you say you don’t want this anymore?” Uminit ang pisngi niya. Tumingin siya sa mga bisita, sa Pari, sa ama, sa buong simbahan—na ngayon ay saksi sa pagkawasak ng isang pangarap. Pero kung may isang bagay siyang matututunan ngayon, ito iyon: Walang lalaking makakaagaw sa dangal ng isang babaeng lumalaban. “Hindi mo ako kayang sirain. Mas maganda ako sa drama mong ‘to. And guess what? Hindi mo na kailangang magpaliwanag, dahil wala ka nang lugar sa buhay ko.” Nagkagulo ang dalawang pamilya sa loob ng simbahan. “What happened to your son?” “WTF, Anton!” “Anong kalokohan ‘yan?” “Naririnig mo ba ang sarili mo? Naririnig mo ba ang mga tao? Nakikita mo ba ang gulo na ginawa mo?” Sinubukan pa siyang pigilan ni Keyna, pero marahas na inalis ni Anton ang kamay niya. “I’m sorry, Keyna. It’s not you, it’s me.” Naihagis ni Keyna ang hawak niyang bulaklak at kinuyom ang kanyang mga kamao. Sa isang mabilis na hakbang, pinakawalan niya ang suntok sa mukha ng dating kasintahan. Napuno ng sigawan ang simbahan. “f**k you! Hindi ka si John Lloyd Cruz, so quit the drama!” At sa harap ng altar, isang malutong na sampal ang tumama sa pisngi ng groom. Malinaw, malakas, walang bahid ng pagsisisi. Hinubad ni Keyna ang wedding heels, tinanggal ang veil, at tinapakan ang bouquet. Isang huling tingin sa lahat. “You don’t deserve every ounce of my care!” Keyna snapped as she brushed past Anton, who reached out in a desperate attempt to explain himself. Stopping in the center of the bustling crowd, she took a deep breath, a fiery sparkle in her eyes. “Thank you all for being here! The wedding may be off, but we’re still throwing a celebration—for my fabulous return to singledom!” The excitement in the air was electric as everyone erupted into cheers.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD