one year later HIRO: "CONGRATULATIONS!!" NAPAPANGITI AKONG isa-isang nakikipagkamayan sa mga sponsors ko sa pagbubukas ng aming bagong bukas na hotel and resort dito sa probinsya namin sa Sorsogon. "Congratulations iho, a job well done. Successful ang pagbubukas ng resort mo" ani ninong Henry na governor lang naman ng aming probinsya. "Salamat po ninong, isa kayo sa dahilan kaya naging successful po ang opening" maluha-luhang saad kong ikinatawa nitong tinapik-tapik ako sa balikat. "No iho, you did it yourself. And I'm proud of you" "Salamat po ninong" "Sa akin ba wala?" nagkatawanan kami ni ninong Henry sa pagsabat ni ninong Wilson na vice governor namin. "Salamat din po ninong" aniko na nag-mano ditong napangiti na bahagyang ginulo ang buhok ko. "Congratulations Hiro, ang g

