HIRO: HINDI KO maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko sa mga sandaling ito habang nakatitig sa kanya. Kahit hindi niya ako matandaan ay okay lang. Ang mahalaga nagtagpo ulit ang landas naming dalawa. Hindi na ako mangangapa sa dilim na hanapin siya. Ang babaeng unang kita ko pa lang, ay napatibok na niya ang puso ko. "So, magpu-pull-out ka pa ba ma'am?" nangingiting tanong ko habang nakaharap kami sa karagatan na nakatukod ang mga kamay sa railing nitong balcony. Napangiti itong napataas ng kilay na napapatango-tangong pinagsasawang pagmasdan ang kapaligiran. "Uhmm... I'll think about it. Anyway" napalunok ako nang nilingon ako nito na pinasadaan ako ng tingin mula sa sandals ko, pajama at sando na suot kong bakas ang disappointment sa maganda niyang mukha. "Are you the owner of this

