Chapter 11

1549 Words
Halos bumagsak ang mundo ko habang binabasa ang CT angiography ni Samantha. She has coronary heart disease. Bata pa siya pero malala na ang kondisyon ng mga bara sa puso niya. Napapikit ako, pilit inaalis sa isip ang pinakamalulupit na posibilidad. Ayokong pangunahan ng takot, pero bilang doktor, alam ko kung gaano kaseryoso ito. Kailangan niya ng agaran at masinsinang gamutan. Kailangan niyang manatili sa ilalim ng aming pangangalaga para matiyak na parehong ligtas siya at ang batang nasa sinapupunan niya. Isang maling hakbang lang… maaaring hindi na kami umabot sa tamang oras. Bitbit ang tablet, nagtungo ako sa kuwarto ni Samantha. Naabutan ko siyang tahimik na nakaupo at nakasandal sa hospital bed. Nagku-crochet. Pagkakita sa akin ay nagliwanag agad ang kanyang mukha. Sumilip ang matamis na ngiti habang ang pisngi ay tinatamaan ng banayad na sinag ng araw na nagmumula sa bintana. "Good morning doktora!" "Good morning," sagot ko nang may malapad na ngiti. Kinukubli ang bigat ng dibdib. "What are you doing?" tingin ko sa ginagantsilyo niya. "Ginagawan ko po kayo ng cardigan," masaya niyang sagot. "Token of appreciation ko po sa lahat ng kabutihang ginawa niyo para sa akin." Mas lalong bumigat ang aking dibdib. Pansamantala akong tumalikod upang ikubli ang pangingilid ng aking luha. Lihim akong suminghot. Nang kumalma ang dibdib ay saka ako muling humarap nang may kasamang ngiti. "Thank you. I didn't know you are that talented. By the way, I talked to Dr. Sanchez. I'm glad to know that your baby is very healthy. And it’s a good thing na from now on, magiging regular na ang prenatal check-ups mo." "Oo nga po," masiglang tugon niya. "Kaya masayang-masaya ako lalo ngayon." Nilapag niya sa kama ang ginagantsilyo at buong kislap na tumingin sa akin. "Doktora, meron na akong pangalan para sa magiging baby ko… Audrey Devika. Ang ibig pong sabihin nun ay ‘little goddess with noble strength. Sa tingin niyo po, maganda ba?" Napalunok ako. "Yes. It's very beautiful." She is really happy right now. Hindi ko alam kung papaano ko sasabihin ang tungkol sa kondisyon niya. I don't want to ruin her day but she needs to know it as soon as possible para masimulan agad ang treatment habang may oras pa. Alinlangang naupo ako sa tabi niya. "S-Samantha... may ipapakita at ipapaliwanag lang sana ako sayo." I showed him the ct-scan image of her heart in my tablet. Humugot muna ako ng malalim na buntong-hininga. Unti-unting nawawala ang ningning sa kanyang mga mata. Ang masiglang mukha niya ay napalitan ng tahimik na kaba. Tumingin siya sa akin at parang alam na niya nang hindi maganda ang balitang sasabihin ko. Tahimik ang pagitan namin habang tinititigan niya ang screen, saka dahan-dahang bumalik ang tingin sa akin. "May problema po ba, doktora?" mahinang tanong niya, halos bulong. Tumango ako nang bahagya. "Samantha, sa CT scan mo... nakita namin na meron kang coronary heart disease. Isa itong kondisyon sa puso kung saan may pagbabara o paghina sa daloy ng dugo. Medyo delikado ito, lalo na para sa isang buntis." Nanlaki ang mga mata niya. Napahawak siya sa tiyan, instinctively trying to protect her baby. "Delikado po ba ito kay Audrey?" Mabigat ang dibdib na tumango ako. "It's dangerous for both of you," mahinang sagot ko. Tumulo ang kanyang luha. "Doktora, malaki po ang tiwala ko sa inyo. Gawin niyo po ang lahat para mailigtas ang baby ko." Mamasa-masa ang mga matang tumango ulit ako. Hindi ko magawang sabihin na may malaking chance na magkaroon ito ng kumplikasyon sa oras ng kanyang panganganak. But I'm ready to perform open heart surgery kung sakali mang mangyari yun. "Kung sakaling dumating sa puntong may kailangan kayong iligtas sa aming dalawa, please save my baby," mariing bilin niya. Mapait akong ngumiti at umiling. Hinawakan ko ang kamay niya. "That's not gonna happen. Hindi ko hahayaang mangyari yan. That's why you need to be treated carefully and be monitored closely. Gagawin namin ang lahat para mapanatiling ligtas ka, pati si Audrey. We’ll build the safest plan possible for you both. And I’ll be with you all throughout the process." Umiyak siya nang tahimik. Hindi ko siya pinigilan. Hinayaan kong ilabas niya ang bigat. Nang tumahan siya ay saka ako muling nagsalita. "Samantha, I'm afraid that you need to stay in this hospital even after you give birth. Pagkatapos mong manganak at pag ready na ang katawan mo, ooperahan kita sa puso." Napatingin siya sa akin nang may nanlalaking mga mata. "Alam kong napakahirap. It's more or less four months. At hindi biro ang magiging gastos pero yun lang ang pinakamagandang paraan para maging ligtas kayo. Sa labas, anumang oras ay pwedeng may mangyari sayong komplikasyon at wala kami doon para umagapay agad." Ang pansamantalang pag-aalala sa mga mata niya ay unti-unting nawala. Napalitan ito ng lakas ng loob at pag-asa. "Susundin ko po kung ano ang payo niyo. Yung sa gastos kung sakaling magkulang man ang pera ko, gagawan ko na lang po ulit ng paraan pagkalabas ko." Ngumiti ako nang maluwag. "Don't worry. I will not charge you any professional fee. Ilalapit din kita sa social worker dito sa hospital na pwedeng tumulong para sa mga options mo." Bahagya siyang ngumiti sa gitna ng kalungkutan. “Thank you, Doktora. Kahit ang bigat-bigat ng balita niyo… somehow, gumaan pa rin dahil sa inyo.” Pinisil ko ang kamay niya. "We're going to fight this together, okay? Para kay Audrey. Para sa 'yo." Tumayo ako mula sa pagkakaupo, ngunit hindi agad binitiwan ang kanyang kamay. "I admire your strength, Samantha. At sana lagi mong tandaan, hindi mo kailangang harapin 'to mag-isa." "Yes doktora," may pilit na ngiting sagot niya. Binitiwan ko na ang kamay niya at muli siyang tinapunan ng ngiting puno ng pag-asa. "Magpahinga ka muna. I'll see you again later." Pagkapihit ko ng pinto ay sumulyap pa ako sa kanya. Nakatingin pa rin siya sa akin ngunit hawak-hawak na ulit ang sinimulang cardigan. May kumirot na naman sa aking dibdib kaya sinarado ko na ang pintuan. Tahimik akong naglakad sa hallway habang naririnig ang iba't ibang uri ng yabag ng mga sapatos, mga daing ng pasyente, ang maya't mayang announcement at ang palitan ng salita ng mga nurses. Naisip kong umakyat sa rooftop para magnakaw ng ilang sandali. Magpapahangin para ilabas ang bigat ng pakiramdam. Pagdating sa rooftop ay sinalubong agad ako ng malamig na ihip ng hangin. Saglit akong napapikit at humugot ng malalim na hininga. Lumapit ako sa railing at tumingin sa malayo. Natanaw ko na naman ang mga billboards ni Franco. Napako ang mga paningin ko sa mukha niyang nakangiti. Parang walang kahit anong bakas ng lungkot o sakit sa kanyang mga mata. Parang siya pa rin 'yung lalaking minahal ko noon... pero mas malaya na. Mas masaya na. At ako? Heto, nakatingin mula sa malayo, parang isang estrangherang hindi makalapit. Minsan ay naging parte ng mundo niya. Minsan, sa pagitan ng mga araw at gabi, sa pagitan ng mga tahimik na sandali at ng mga tawa, ako ang laman ng mga mata niyang 'yan. Ako ang laman ng puso niya. Pero pinili kong lumayo. Pinili kong talikuran siya. Dahil naniwala akong tama 'yon. Dahil naniwala akong mas mahalaga ang pangarap ko, ang propesyong pinangarap ko bago pa man siya dumating. I chose this life. The endless rotations, the sterile white walls, the lives that depend on every decision I make. At ngayon, habang nakatingin ako sa billboard niya, hindi ko maiwasang tanungin ang sarili ko... Totoo nga bang hindi ako nagsisisi? For some inexplicable reason, a wave of emotion slowly crept over me. I found myself speaking to the billboard as if it could hear me. "This is what I sacrificed you for. I hope you don’t hate me anymore… because in my own way, I’m being punished too." I paused, my voice barely a whisper. "In this world I chose… there’s always heartbreak after heartbreak." Naglaro sa isip ko ang sinabi ni Samantha na siyang dahilan kung bakit tila nagbibreakdown ako ngayon. "Samantha, you don’t deserve this," bulong ko. "Walang ina na dapat mamili kung mabubuhay siya o ang anak niya." Tahimik na pumatak ang luha ko. Isang luha ng pagod, ng pagkalito, ng isang pusong matagal nang nanahimik pero ngayo’y tila muling kinakatok. Mabilis kong pinahid ng likod ng kamay ang aking mga mata. I admit I'm being too soft lately. Hindi na ako ganito. Matagal na akong binago ng panahon. Matagal nang pinatigas ang puso ko ng mga pagsubok. Subalit bakit tila may nangyayaring bago sa buhay ko ngayon? Si Franco… ilang taon na ang lumipas pero habang tinitingnan ko siya ngayon, bakit parang kahapon lang kami huling nagkita? Napapadalas din ang pag-iisip ko sa kanya. Matagal na siyang wala sa sistema ko pero ngayon tila unti-unti siyang bumabalik. At si Samantha naman... bakit tila sa kanya ngayon halos umiikot ang buhay ko. Is it out of pity or may gusto lang akong patunayan na kaya kong isalba ang kaawa-awang kagaya niya? Am I willing to compete with God now just to save her and her baby? Na kaya kong maglaro sa pagitan ng buhay at kamatayan at laging manalo? Hindi ko na yata kilala ang sarili ko. Sa dinami-dami ng desisyong ginagawa ko araw-araw para sa ibang tao… Sigurado pa ba ako sa direksyon ng sarili kong buhay?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD