Nagising ako sa sunud-sunod na pindot ng doorbell. Pagkasilip ko sa oras, alas otso y media na ng gabi. Nakasiyam na oras na tulog, kahit papaano ay nakabawi-bawi din ng pahinga. Eksakto lamang dahil may 10pm akong duty.
Bumangon ako para pagbuksan ang makulit na nasa pinto.
It's Rajah.
May bitbit siyang libro at naka-backpack pa. Halatang mabigat dahil parang bumabaon na sa balikat niya. Walang kaayos-ayos. Maong na pantalon at maluwang na t-shirt lang. Ang sneaker na suot parang ilang buwan nang hindi nalalabhan.
"Hi Ate! I miss you! Mabuti naman at nandito ka!"
Tuluy-tuloy siyang pumasok. Nilapag lamang ang mga bitbit sa aking dining table at excited na nagbukas ng ref. "I'm so hungry." Nawala ang sigla nang makitang puro tubig lang ang laman ng ref. "Ang boring talaga ng ref mo."
"I don't have time to go to grocery," tipid na paliwanag ko. Nagtungo ako sa kusina at kalmadong binuhay ang coffee maker.
Rajah just graduated in college. Sa ngayon ay nagrereview siya para sa CPA board exam. Malapit lang sa condo ko ang review center niya kaya madalas siyang dumaan dito. She has her own key pero nagdodoor bell muna siya bago pumasok.
Nakakatawa ang katwiran niya, baka daw maabutan niya akong may kasamang lalaki. What if daw may ginagawa kaming milagro tapos basta na lang siyang papasok. She said she usually opened it on her own kapag mga fifteen minutes na daw na wala talagang nagbubukas.
She's twenty-four but still very childish. Palibhasa bunso. Wala pa ring nagiging matinong relasyon. May binanggit naman siyang mga tatlong naging 'boyfriend daw' pero lahat halos isa o dalawang buwan lang tumagal. Masyado ring mapili sa mga manliligaw. Ang taas kasi ng standard palibhasa lahat kinukumpara sa mga iniidolo niyang koreano.
"Hindi ka pa rin nagdinner ate di ba?"
"Not yet. Can't you see I just woke up. Ginising ako ng door bell mo," I remarked as I pour coffee in my cup.
“Ate, mag-oorder ako sa GrabFood ha. I want chicken and pizza. Bayaran mo,” lambing niya sabay ngiting pa-cute.
Humarap ako sa kanya, sumandal sa lababo habang umiinom ng kape. “Stop eating junk. Ang unhealthy na ng kinakain mo,” komento ko.
"Ate pati ba naman sayo bawal. Sa bahay nga lagi na akong kinokontrata ni mommy."
Napatawa ako nang bahagya. Bigla kong naimagine si Mommy habang nagsesermon, nakaka-pressure at nakaka-drain. Agad akong nakarelate kay Rajah.
“O sige na, bahala ka na kung anong gusto mong kainin,” sabi ko, sumuko na rin.
“Eh ikaw, Ate? Anong gusto mo?”
"Yan na rin. Sayang din, at alam ko namang ‘di mo kayang ubusin lahat yan.”
Mabilis siyang nag-order. Pagkatapos, lumapit sa akin at yumakap-yakap pa.
"I miss you talaga ate. I still can't believe na ganito na lang kadali na makita at mayakap ka. I'm still in disbelief dahil ilang taon din na sa videocall lang kita nakikita."
Kunway naasiwang ngumiwi ako. "Stop acting like a child. Mas matangkad ka na nga sa akin pero di ka pa rin nagma-mature."
Mas lalo pa itong yumakap. "Ah basta ate. I love you so much saka ang ganda-ganda mo talaga parang di ka tumatanda."
Tumaas ang isa kong kilay. Bigla akong kinutuban. "What do you want? May kailangan ka no?" diretsong tanong ko.
Tumigil siya sa pagyakap at nahihiyang ngumiti. "Kasi ate ano.... may reunion concert yung favorite boy band ko. Ibili mo naman ako ng vip ticket."
I took a deep breath. " My goodness Rajah. Hanggang kailan ka ba titigil diyan sa pagpapakabaliw mo sa mga artista at singers na yan! Baka yan pa ang dahilan ng ikabagsak mo sa board exam ha."
"No Ate kasi ang concert ay after na ng board exam. I just want to buy it as early as possible kasi tiyak na magkakaubusan agad ng ticket."
"Magkano ba?" walang magawang tanong ko.
"Mga one hundred twenty thousand."
Naibuga ko ang kape. "Ano? Yung pinagpuyatan ko ng ilang araw at inopera ko ng pagkahaba-habang oras, wawaldasin mo lang ng isang gabi sa concert na yan!"
"Kasi ate sa abroad kasi ang concert. Kasama na diyan ang ticket at hotel. Last na to ate, promise!"
"Yan din ang sinabi mo sa akin last time," irap ko.
"Ate kapag pumasa ako sa board, promise hindi na ako manghihingi ng gift. Eto na yun," sumpa niyang may pahawak pa sa puso.
I rolled my eyes and let out a sigh. Eto na naman ako, kunwari palag sa simula pero sa huli, hindi rin naman siya kayang tiisin. “Fine. Pero make sure na pagbubutihan mo ‘yang pagrereview mo, ha.”
Muli na naman siyang yumakap sa akin. " Oo naman ate. Since birth wala pa naman akong binagsak na exam. Thank you Ate! I love you na talaga!"
Hindi ko na talaga mahintay na magkaroon siya ng trabaho para maranasan niya kung gaano kahirap kumita ng pera. She’s a very sweet sister, yes, but low-key, sobrang spoiled din. Kapag hindi ko siya pinagbigyan, tatakbo ‘yan kay William, kay Daddy, o sa mga grandparents namin. Si Mommy lang talaga ang hindi niya malusutan.
Nang dumating ang pagkain ay tahimik namin iyong pinagsaluhan. Nagulat na lang ako nang bigla siyang napabulalas.
"Holy s**t!" Nanlaki ang mga mata niya at pilit nilunok ng laman ng bibig.
Nataranta ako bigla. “What’s wrong? May masamang nangyari ba?” tanong ko, agad na kinabahan, iniisip kona baka may nangyari sa pamilya namin.
"Franco is dating for real now!" malakas na sabi niya. Halatang hindi makapaniwala.
“My gosh, Rajah! Akala ko naman kung ano na!” inis kong sagot habang ramdam pa rin ang kaba sa dibdib.
She approached me. Pinakita ang nilalaman ng cellphone na sanhi nang kanyang matinding pagkagulat. It was a picture of Franco… with a stunning woman.
"Ate do you remember Franco?"
"F-Franco?" pagmamang-maangang wika ko.
"Ano ka ba ate. Mga six or seven years ago yata eh na-meet mo to ng personal. Hiningian mo pa nga ako ng video greetings di ba?" tuloy-tuloy niyang sabi, parang batang excited.
Saglit akong nagkunwaring nag-isip. “Ah yes… I remember him. Franco the actor,” sabay tango. “May nangyari ba sa kanya?” tanong ko, this time, genuinely curious.
"He's dating Shannon."
“Shannon? Who’s she?” tanong ko nang casual habang tuloy lang sa pagkain.
"She's a model and a very famous fashion influencer now."
"Okay then good for him," I nodded. "Why are you so shock? Normal lang yan kung parehas naman silang single." I shrugged.
"Ate, Franco never dated anyone-"
Nasamid ako at mabilis na uminom ng tubig.
"Maraming mga nai-issue sa kanya pero for the first time... ngayon lang siya umamin. Siguradong maraming umiiyak na mga babae ngayon."
Napamaang ako. "Don't tell me kasama ka doon?" kinakabahang tanong ko. Gosh, the thought that we both admired same man at one point is giving me major cringe.
"Hindi naman ate. Siyempre loyal ako sa mga boyfriends kong Koreano," mabilis niyang tanggi na agad na iniluwag nang dibdib ko. “Na-e-excite lang ako sa ganitong mga balita. Alam mo na, fangirl life.”
"Well... I'm happy for him. He's a good man, I'm glad that he found a good woman too," maluwag sa loob na ngiti ko. Bilang maliit na kabayaran sa sakit na naidulot ko noon, all I can really do is wish Franco happiness and hope he ends up with someone he truly deserves.
“I don’t think I’m happy about it,” mahina niyang bulong, sabay kunot ng noo.
“Why?” tanong ko, naguguluhan.
Tumulis ang kanyang nguso at tumalim ang mga mata. "Alam mo ba ate merong sabi-sabi na yang si Shannon ay saksakan sa arte at masama daw ugali. Sobrang plastik daw niyan. Kunwari ang bait sa harap ng marami pero sa mga staff niya at sa mga totong nakakakilala diyan, napakamaldita daw niyan. Madami lang talaga napepeke sa kagandahan niyan baka isa na doon si Franco."
Napatawa na lang ako sa sinabi niya. “Franco has good judgment when it comes to people. Hindi siya basta-basta nahuhulog sa itsura. He values character and personality more.”
“Wow naman, Ate,” natatawa siyang umiling. “Kung makapagsalita ka, parang kilalang-kilala mo si Franco Alonzo. Eh ni kaunti, wala ka namang hilig sa showbiz!”
Saglit akong natameme. Kailangan kong makaisip ng matinong palusot para suportahan ‘yung sinabi ko.“Naalala ko lang nung na-meet ko siya sa Amerika. ‘Yung presence at aura niya ay hindi siya ‘yung tipo ng lalaki na madaling mahulog lang sa itsura ng babae. So kung umamin man siya sa publiko tungkol sa relasyon nila ni Ms. Shannon, maybe he saw something genuinely special in her.”
By saying this, muling bumalik sa aking alaala ang sagot niya noong tinanong ko siya kung bakit niya ako nagustuhan.
"Maybe you're right ate pero posible ding mali ang impression mo sa kanya. Alam mo naman walang apoy kung walang usok," kibit balikat na wika niya. Kumagat siya sa pizza at muli akong tiningnan nang tila may iniisip na malalim. "Napapansin ko lang ate, we have very few conversation about showbiz and those very rare moments we only talked about Franco. Siguro deep inside fan ka niya ano?" sabay ngiting nang-aasar.
Nginiwian ko siya para itago ang bahagyang pagkakabuking. “No! Wala pa nga akong napapanood ni isa sa mga pelikula niya. I’m just slightly interested… kasi nakita ko siya in person.” Tumayo na ako at tinapos ang pagkain. “I’ll take a shower na. May duty pa ako mamaya. Pakiligpit na lang ‘tong pinagkainan natin, ha? Yung sobra, ilagay mo sa ref para may mameryenda ka kung sakaling dumaan ka ulit bukas.”
Mahinahon akong tumalikod.
“Ate, sasabay na ako sa’yo,” aniya bigla.
Nilingon ko siya. "Don't you have a car?"
"Hindi ko dinala ate, coding eh. Maga-grab na lang ako doon sa hospital niyo."
Napakunot ang noo ko. “Bakit pa sasabay ka sa akin sa hospital kung puwede ka namang mag-Grab from here?”
She pouted like a child and swayed her body. "I want to spend more time with you. Baka after five days bago na naman kita matiyempuhan dito sa condo mo."
“Ang clingy mo,” irap ko, pero deep inside, na-touch din naman talaga ako.