Naalimpungatan ako sa ingay ng sahig na para bang may mga naglalakad. Ano ba iyan, ganda na nga ng tulog ko e. Bumangon ako at kinusot kusot ang mata ko. Tinignan ko ang kama ni Papa pero wala siya. Nakakapagtaka.
Saan naman iyon nagpunta?
Napabuntong hininga ako at napadako ang tingin ko sa ilalim ng pintuan. Makikita mo ang mga shadow at ilaw na nagmumula sa labas. Teka wala namang mga tao dito a? Paano nangyari iyon?
Tumayo ako at pumunta sa pintuan. Pipihitin ko na sana ang doorknob ng maalala ko ang sabi ni papa.
'huwag na huwag kang lalabas hanggat hindi ko sinabi na lalabas ka.'
Nilagay ko na lang ang tenga ko sa pintuan.
"Alam niyo ba na may tao dito?"
"Talaga? Saan siya? Sigurado mabango siya."
"Naamoy ko siya, naamoy ko ang isang dalaga nasa isang kwarto lang siya dito."
"Hanapin natin siya, hindi ko akalain na may tao dito na maliligaw."
"Masarap siguro siya kainin."
"Hoy! Kayo diyan, mamaya na kayo mag chismisan. Nandito na ang boss kaya mag trabaho kayo."
Napatayo na naman mga balahibo. Kakainin nila ako. Ano ba nangyayari ngayon.
"Tignan natin ang kwartong ito."
"Dala ko iyong susi dito."
Rinig kong sabi nila sa labas kaya natataranta ako kung saan ako magtatago. Dali dali ako pumasok sa ilalim ng kama at tinakpan ang baba ko para hindi ako makagawa ng ingay.
Narinig ko na lang na nabuksan na nila ang kwarto at kita ko ang mga paa nila na naglilibot sa kwartong ito. Naku po! Ang mga gamit namin ni papa. Paano na ito?
Pinikit ko na lang ang mga mata ko at pinigilan huwag mag panic.
"Ano ginagawa niyo diyan? Bababa na si boss, pag nakita kayong hindi nagtratrabaho magiging isa kayong daga!" sigaw ng tao sa labas.
"Ano ba iyan. Balik na lang tayo dito."
"Oo nga, mahirap na maging daga, papakain ka sa halimaw."
Kasabay nun ang pagsira ng pinto. Nakahinga ako ng maluwag at lumabas na sa ilalim ng kwarto. Tinignan ko ang kama ulit ni papa.
Nasaan kana pa, natatakot na ako dito. Bumalik kana dito.
Pumunta ako sa may bintana at nanlaki ang mga mata ko sa mga nakita ko.
May mga itim na anino pumapasok dito sa malaking bahay, tapos iyong iba naman hindi sila makikita pero pag nasinagan sila ng ilaw nakikita sila. Mga anong klaseng nilalang sila?
Naagaw pansin ko din ang iba sa kanila ay may mga kumikinang na mga bituin sa balat nila.
Hinanap ko ang sasakyan namin ni papa at hindi ko akalain sa nangyari sa sasakyan namin.
Unti unti natutunaw ang sasakyan namin dahil sa isang malagkit na itim na tubig. Unti unti din nagkakaroon ng tulay sa labas.
Ahh!! Anong nangyayari?
"Nababaliw na ako!" bigla ko naman tinakpan baba ko dahil sa sigaw ko.
"Narinig niyo iyon? May sumigaw dito!"
"Saan?"
"Dito sa kwartong ito. Baka nandito siya, iyong susi kunin niyo."
Nanlaki ang mata ko at naghanap agad ako ng malalabasan. Hindi na ako ligtas dito. Hindi ko na rin alam kung nasaan na si papa. Binuksan ko ang bintana at tumingin sa baba.
Sa wakas, may isang hagdan na gawa sa bakal mula dito papunta sa ibababa.
Tinignan ko ang pintuan na ngayon ay unti unti na nabubuksan. Kaya lumabas ako sa bintana.
"Ayun siya!!"
"Isa siyang tao! Naamoy ko!"
Hindi ko narinig ang mga salita nila dahil binilisan ko ang pagbaba para hindi nila ako maabutan. Lord, tulungan niyo po akong makaligtas dito.
Pagkababa ko ay agad ako tumakbo sa tulay kahit alam kong nakikita nila ako. Dumaan ako sa mga pasikot sikot na daan pero hindi ko na alam kung saan na ako.
Nagpaliko liko lang ako hanggang sa wala na ako malikuan, Dead End.
Pagalala at takot ang naramdaman ko ng wala na akong mapuntahan. Ayaw ko pa mamatay. Gusto ko pa makita si papa.
Pumunta ako sa sulok at umupo. Tinignan ko ang mga palad ko at unti unti na itong naglalaho. AHHHH!!!!
"Ahhhhh!! Anong nangyayari sakin!!!?? Ayoko pa mamatay please..." naiiyak kong sabi.
Hindi ko na mapigilan ang iyak ko at napasubsob na lang ako sa mga palad ko. Ganito din ba ang nangyari sa papa ko? Naglaho din ba siya? O Nakain na siya ng mga nilalang na iyon?
Sobrang dilim dito. Natatakot ako. Paano na ang future ko? Ano talaga ang nangyari kay papa.
"Papa......*sniff*...natatakot ako...*sobs*...nasaan kana..." iyak ng iyak ang gawa ko.
"Bawat dilim na iyong mararaanan ay nandoon ako at si mama mo. Bawat dilim na kakain sayo ay palagi mo kami kasama. Bawat dilim na pupuntahan mo ay may laging liwanag sa dulo."
Minulat ko ang mga mata ko at tinaas ito.
"Huwag ka magalala, Nandito na ako." sabi ng isang binata na nasa harap ko nakatayo. Lumuhod siya para magkapantay kami.
"Sino ka!? Isa ka din ba sa mga nilalang na gusto kumain sakin? Hindi ako maniniwala sayo!!" sigaw ko at pinagtutulak ko siya.
Nanlaki ang mga mata ko ng lumusot ang mga kamay ko sa katawan niya. Hindi maaari. M-multo na ako?
Anong nangyayari sakin!!??
"Ito kainin mo." sabi ng binata sabay lahad sakin ng isang maliit na bilog.
"Ano iyan? Baka mapano pa ako niyan pag kinain ko iyan!" sabi ko at tinignan siya. Isa lang masasabi ko ang gwapo niya.
"Mag tiwala ka sakin. Kilala ko ang papa mo Clesyaela." sabi niya na ikinagulat ko. Tao din ba siya?
"A-alam mo kung nasaan ang papa ko?" tanong ko pero hindi niya ako sinagot at kinain ang bilog na candy.
"Kala ko ba sakin iyan!?" sigaw ko sa kanya.
"Wala ng oras, kailangan makain mo na ito." sagot niya.
"Paano ko kakainin niyan e kinain mo n-"
Naputol ang sasabihin ko ng nilapat niya ang labi niya sa labi ko. Nanlaki ang mata ko ng pinipilit niyang ipasok sa loob ang dila niya at ang bilog na candy.
"Baka nandito siya, Ito na iyong huling daan."
Tinignan ko ang mga nilalang na nakakita samin gamit ang mga mata ko. Pero hinawakan lang ng manyak na ito ang pisngi ko at lalong nilaliman ang halik.
A-a-ang...lambot..
AHHHHH!! Ano ba iyan! Pati pag iisip ko hindi na tama.
Pilit ko siyang tinutulak pero walang epek.
"Oh? Master Hoshi, ano ginagawa mo diyan?" tanong ng nilalang. Lalaki kasi medyo matipuno ang boses nito.
Nailagay niya sa loob ko ang maliit na candy na bilog kaya nalunok ko na lang ito. Masakit sa lalamunan. Ikaw ba naman bigla mo malunok ang isang candy. Diba masakit din?
Tinignan ko siya sa kanyang mata habang lumalayo na sakin. Ang first kiss ko.
Hinawakan ko ang labi ko habang titig na titig ako sa kanya.
"Just flirting. Pwede na kayo umalis." sagot niya at tumayo habang tinatago ako sa likod niya.
"Tutal nakikipag flirt ka na din, Makishare ka naman samin o." sabi naman ng isang matangkad na nilalang. Sumilip ako ng konti at nanlaki naman mga mata ko.
MGA PALAKA SILA!!!!
"Sorry, I don't share what's mine." madiin namang sagot ni Hoshi. Tama ba? Hoshi ba pangalan niya?
"Damot mo naman, tara na nga balik na tayo baka mapagalitan pa tayo ni boss." sabi ng isang matabang palaka at nagsialisan na sila.
Napabuntong hininga ako. Safe na ako. Thankyou sa gwapong nilalang na ito.
"Ituloy na natin ang naputol." sabi niya naikinagulat ko. Gago ba siya?
"Manyakk!!!" sigaw ko at agad tinakpan ang baba ko.
"Huwag ka maingay baka makita ka ni boss." sabi niya sabay turo sa itaas.
Tumingin ako sa itaas at hindi na nga ako nagulat. Boss nila lumilipad. Isang ibon. Magugulat pa ba ako?
Ang mga ibon, na lumilipad....
"Hindi ka makakaalis sa lugar na ito hanggat hindi mo nakikita ang iyong ama." sabi niya na pinagtataka ko.
"Alam mo kung nasaan ang ama ko? Ituro mo na lang ako sa kanya para makaalis na kami dito." sagot ko naman.
"Hindi pwede. Dahil ang Ama mo mismo ang gusto na ikaw ang makakahanap sa kanya." sabi niya at tinignan ako ng matalim. Napanguso na lang ako.
"Don't pout, I might not forgive myself of kissing you again." seryosong saad niya. Tinakpan ko naman agad ang bibig ko at sinamaan siya ng tingin.
"Follow me, kailangan mo makausap si boss sa loob." sabi niya pa ulit.
"Ako? Papasok ulit sa loob? No way! Hindi ko iyon gagawin. Kakalabas ko na nga diyan, papasukin mo pa ako." sagot ko sa kanya.
"Ang binigay ko na candy sayo ay may limitasyon. Pag hindi ka magkaroon ng trabaho dito, maglalaho ka na talaga at habang buhay ka ng hindi makabalik." sabi niya. Sinunod ko na lang siya. Ayaw ko pa mawala, hahanapin ko pa si Papa.
"Ano ba gagawin ko?" tanong ko sa kanya habang nakasunod sa likod niya.
"Kailangan mo pumunta sa pinakataas ng bahay na ito at kausapin mo si boss na gusto mo magtrabaho dito." sabi niya.
Nagtago kami sa gilid ng isang malaking pintuan. Ito ata ang daan patungo sa loob. Tinignan ko naman ang lalaki nasa harap ko na naghahanap ng timing para makapasok ng hindi ako makita. Ang lapit niya sakin kaya inamoy ko na lang siya.
Ang bango...
"Gusto mo talagang mahalikan?" nanlaki ang mata ko at agad na lumayo sa kanya. Feeling pinamulahan ako.
"Manyak!"
"Halika kana." sabi niya sabay hawak sa kamay ko.
"Sanda-" naputol ang sasabihin ko ng tumakbo siya ng napakabilis kasabay ng hangin. Ito ako hawak ang kamay niyang mahigpit. Sobrang bilis!!!
Huminto kami sa isang backyard. Habol hininga ang ginawa ko at sinamaan siya ng tingin.
"Ano ba! Pwede ka naman magdahan dahan sa pagtakbo." sabi ko agad.
"Makinig ka sakin..." sabi niya at nilagay ang kamay niya sa noo ko.
"...pumunta ka sa pinakalalim ng bahay na ito at hanapin mo si Lolo Ginga. Sabihan mo na bigyan ka niya trabaho. Pilitin mo siya." sabi niya sabay linga linga.
"Hindi kita masamahan sa itaas, sa boss. Baka makita ka nila. Matalas ang mga senses nila dito. Kaya mas mabuting si Lolo Ginga ang hanapin mo nasa ibaba siya ng bahay na ito. Pagkalabas mo diyan.." turo niya sa isang maliit na pinto.
"May makikita kang isang mahabang hagdan patungo sa kinaroroonan ni Lolo Ginga." dagdag niya pa.
"Pero, Ikaw? Ano Gagawin mo?" pagalalang tanong ko.
"Don't worry about me ok? I'll distract them." sagot niya agad at hinalikan ang likod ng mga kamay ko.
Tumayo na siya at ngumiti sakin. Pumasok na siya sa loob.
"Master Hoshi, kanina ka pa hinahanap ni boss. Saan ka ba nagpunta?"
"May kinausap lang ako client sa labas. Sige, pupuntahan ko na si boss." rinig ko pang sagot niya sa nagtanong sa kanya.
Tumalikod na din ako at lumabas sa isang maliit na pintuan. Pagkalabas ng pagkalabas ko ay napahawak agad ako sa dibdib ko. Parang lalabas ang puso ko.
Sobrang taas dito. Parang 21-story building. Jusqo wala pa naman railings dito. Kumapit ako sa pader habang naglalakad ng dahan dahan. Lakas pa naman ng hangin dito.
Naabot ko na din ang hagdan. Hindi ko kaya bumaba. Walang railings tas slanting ang hagdan na kahoy. Umupo ako at unti unti bumaba. Upo baba ang ginawa ko para hindi ako mahulog.
*c***k*
"AHHHHHH!!!!!!!" sigaw ko.
*BOOGSH*
"A-ang sakit...." sabay tayo. Nahulog ako sa hagdan. Buti na lang medyo hindi mataas ang pinagkahulugan ko.
Tinignan ko ang mga galos sa siko at tuhod ko. Mahapdi. Lumakad na ako kahit masakit ang buo kung katawan sa pagkahulog. Hindi na ako ulit bababa diyan. Curse that stair!
Sinunod ko ang sabi ni Hoshi na pumasok sa isang bakal na pintuan. Pagkapasok ko pa lang mga usok na ang sumalubong sakin. Naglakad pa ako patungo sa loob ng marinig ko ang mga makina at mga ingay ng daga.
Daga?
Sumilip ako at tinignan ang sobrang dami ng daga na nag bubuhat ng mga uling. Teka. Ang mga daga ba ito ay dating mga nilalang din? Hayst.
Nakita ko naman ang isang matandang lalaki na mahaba ang buhok sa kanya panga. Wow a.
"A-ano...Nandito po ako para magtrabaho." sabi ko. Tinignan niya lang ako at....
Dineadma. Sana all dinedeadma.
"Bigyan niyo po ako ng trabaho." sabay lapit sa matanda. Pati mga daga sunod ng sunod sakin.
Tinignan niya lang ako bumalik sa pagtrabaho niya. Aba! Loko ito a. Tumikhim ako.
"PLEASE! BIGYAN NIYO AKO NG TRABAHO." sigaw ko.
*PAK*
Biglang may nagbato sa aking noo. Masakit iyon a!
"Nandito po ako para magtrabaho. Huwag niyo naman po ako deadmahin." sabi ko pa habang hinihimas ang noo.
"Wala ng bakanteng trabaho dito. Umalis ka na lang." sagot nito at iniwan ako.
Kung ayaw niya ako bigyan ng trabaho. Pwes! Pipilitin ko siya. Hindi ako susuko. Hahanapin ko pa si Papa.