Nandito kami ngayon sa kwarto ng mga nag tatrabaho. Lahat sila pinagtitinginan ako. Nalaman na din nila na tao ako. Medyo hindi na ako natakot sa kanila kasi hindi na nila ako pwede kainin kasi binigyan na ako ni Boss ng trabaho. Bleeh!
"Master Hoshi, sigurado ba na binigyan ni Boss ng trabaho ang taong ito?" tanong ng palaka na si Krok, na humarang samin ni Amanda sa elevator.
"Oo, sa ayaw at sa gusto niyong lahat, siya ay magtatrabaho dito. At ang pangalan niya ay si Aclesia." pagkabanggit ni Hoshi ng bago kong pangalan ay lahat sila nagulat at natigilan.
"Pero hindi basta basta pinapangalan ni Boss ang pangalan ng prinsesang matagal ng wala dito." sagot naman ng isang babae na may kulay brown na buhok. Isa din siyang palaka. Siya ay si Pokak.
Pinakilala sila ni Hoshi saakin. Grabe kahit magkamukha silang lahat meron talaga silang symbol na iba iba sila sa isa't isa. Tulad ni Krock at Pokak. Si Krock ay laging may sumbrero sa ulo. Favorite kasi niya, pero hindi kami vibes. Halatang ayaw saakin. Si Pokak naman, chubby siya. Palaging nakatali ang kanyang buhok. Ang kanyang tali ay may glitters para malaman agad na siya si Pokak. Well, hindi naman silang lahat magkamukha, magkahawig lang.
"Desisyon na ni Boss ang ibigay ang pangalan sa kanya. Kaya ang gusto ko, bilang Master niyo, bigyan niyo siya ng trabaho. Amanda, tutal ikaw naman ang naghatid kay Aclesia kay Boss, ikaw na ang magturo sa unang trabaho niya." sabi ni Hoshi. Hanggang ngayon masungit pa din siya sakin.
"Psh." napabuga na lang ako ng hangin kasi naiirita ako kay Hoshi. Ewan ko ba. Ang sungit niya kasi.
"May reklamo ka?" tanong ni Hoshi na ngayon ay nakatingin na sakin ng matalim. Napalunok na lang ako at umiwas ng tingin.
"Kung wala ka ng reklamo, sumama ka na kay Amanda." sabi niya ulit. Tumango na lang ako.
"Bumalik na kayo sa inyong trabaho. Madami pa tayong customer." dugtong niya pa at umalis na siya.
Nagsialisan na din ang iba kong mga kasama at ako naman sinusundan ng tingin si Hoshi papalayo sa kwarto. Ano ba problema nun? Hayts.
"Halika na, Aclesia. Dadalhin kita sa una mong trabaho." sabi niya. Nagkibit-balikat na lang ako at sumama na lang sa kanya.
-
"Ito ang susuotin mo habang nagtatrabaho ka." sabay bigay sakin ni Amanda ng medyo maliit na damit na kakasya sakin.
"Saan ba dito ang cr niyo?" tanong ko habang kinukuha ang mga damit na bigay niya. Susuotin ko na kasi ito.
"Sa kabilang kwarto pa ang cr, dito ka na lang magbihis, wala naman tao dito." sagot niya at binigyan ako ng robe.
"Para saan ito?" sabay turo sa robe.
"Gamitin mo iyan habang nagbibihis ka. Pangtakip." sagot niya.
Sinunod ko na lang ang sinabi niya at nagbihis na. Para siyang maluwag na t-shirt pero mahaba hanggang tuhod. May short na may kataasang hanggang tuhod. Meron pang tali para itali sa bewang mo parang dress ang kabuuan.
Lumabas na ako at tinali ang buhok ko. Pinuntahan ko naman si Amanda sa labas ng kwarto at sinenyasan niya lang ako na sumunod sa kanya.
So, ito na ang unang araw ko para sa trabaho. Ang sabi daw dito, pag gabi lang sila nagtatrabaho at sa umaga naman natutulog sila. Wow, hindi lang sila mga iba't ibang nilalang, mga bampira din sila, kahit hindi naman totoo. Hindi naman sila kumakain o sumisipsip ng dugo.
"Nandito na tayo, kumuha ka ng basahan at sabayan mo ako magpunas ng sahig." sabi ni Amanda.
"Sige po." sagot ko at hinanap agad ang mga basahan at balde.
Pinuntahan ko si Amanda na nagtatali ng buhok niya. Kinuha niya ang basahan at nilublob sa tubig at mula dito papunta sa pinakadulo ng sahig ay pinunasan niya. Halos mawalan ako ng hininga ng makita ko kung gaano ka kahaba at malawak ang sahig.
Isang mansion na ito para sakin. Ganito pala kalaki ang bahay ni Boss?
Lumuhod ako at kumuha na din ng basahan at nilublob sa tubig. Kaya ko ito. Mula dito ay tinakbo ko ang pinakadulo ng kwarto habang pinupunsan ang sahig. Isang punas agad. Iyan kasi ginagawa nila, parang nag ready-set-go sila sa pagpunas.
Minsan nadudulas pa ako at nadadapa sa pagpunas. Hirap pag payat ka. Mga sampu din kaming mga babae dito sa pagpunas. Si Amanda, grabe ang bilis at ang galing niya. Tinignan naman niya ako at ngumiti kaya nginitian ko din siya.
-
"Ah..napagod ako doon." sabi ko sabay stretch ng buo kong katawan. Kakatapos lang namin punasan ang sahig. Makintab at parang salamin na ang sahig dahil sa paglilinis namin.
"Sulit din iyan, Aclesia. Mamaya masarap ang pagkain natin. Iyan lagi ang reward ni Boss samin." sabi ni Amanda habang inaayos ang dami niya.
"Ganun ba? Mabait naman pala si Boss." sabi ko na ikinatawa niya.
"Hahahahaha....Oo, mabait si Boss pero huwag mo lang hayaan na mawalan siya ng customer, paniguradong sobra pa sa bulkan pa pagnagalit iyon." sagot naman niya.
"Oh? Matatakot na ba ako sa kanya?" tanong ko.
"Huwag ka matakot sa kanya. Mabait si Boss." pagsisigurado ni Amanda sa akin at lumabas na kaming dalawa sa kwartong iyon.
Habang naglalakad hindi ko maiwasan tumingin sa labas ng bintana na nadadaanan namin. Ang ganda pala sa labas. Makikita mo dito ang malawak na karagatan.
Karagatan? Teka...
Dali dali ako pumunta sa isang bintana at tumingin ulit sa labas. Mag uumaga na pala. Nasa ibang mundo na ba ako? Iba kasi ang bahay nung pumunta kami dito ni Papa.
Oo nga pala, hindi ko pwede kalimutan na dapat ko pang hanapin si papa. Tumingin ako sa itaas at nakita ko ang pamilyar na lalaki saakin. Si Hoshi, kausap niya si Boss at bigla na lang naging ibon si Boss at lumipad na sa kalangitan. Wow.
Napadako naman ang tingin ko kay Hoshi na ngayon ay nakatingin din sa kalangitan na unti unti ng sumisinag. Ang gwapo niya. Mga pilik mata niya ang haba, matangos ang ilong. Mga mata niya na tulad din ng karagatan. Malalim at magandang pagmasdan. Ang mga labi niya na sobrang lambot at medyo pinkish ito.
Binalik ko ulit sa mga mata niya na ikinagulat ko. Nakatingin siya sakin. Umiwas ako ng tingin at pumasok na lang sa loob sabay sara ng bintana. Hinawakan ko ang dibdib ko sa sobrang kaba. Baka pagalitan naman ako nun.
"Aclesia! Kumain na tayo!" sigaw ni Amanda sakin.
"Sandali lang! Papunta na po!" sigaw ko pabalik. Nasa ibaba na kasi si Amanda.
Tinignan ko ang bintana na sirado na ngayon.
Papa, sana makita ko na kayo.
Bumaba na ako at hinanap agad si Amanda na ngayon ay nakaupo na sa hapag-kainan. Ang haba ng mesa. Tatlo ang mesa, at lahat kami na nagtatrabaho ay kasya. Madami din pagkain. Meron din pagkain ng pangtao, meron din mga butiki na fried at iba pa.
Umupo ako sa tabi ni Amanda at kumuha na ng plato at kutsara. Pumili ako ng makakain ko. Hindi ko bet ang ibang pagkain. Exotic foods kumbaga.
"Damihan mo Aclesia, para tumaba ka at hindi ka mahirapan sa gawain at iba pang trabaho." biglang sabi ni Amanda sakin.
"Ay, okay na po ako sa ganito kaliit na pagkain atyaka po kakayanin ko ang mga trabaho dito." sabay ngiti sa kanya.
"Aclesia, hindi ka ba natatakot samin?"
Napatingin naman ako sa harap ko. Isa siyang payat din na babae pero maikli ang buhok. Hindi ko pa siya kilala.
"Teka, pakilala ko muna sarili ko. Ako si Selene. Ito naman sa tabi ko..." sabay turo sa matabang babae na nakapigtails ang buhok.
"...Siya si Shine. Ito naman, si Luna at ang katabi ni Luna ay si Astrid." sabi niya pa. Si Luna ay matangkad at mayibubuga, malaki ang dibdib hindi flat. Sana all noh?
Si Astrid naman ay may maliit na pisngi at malalaking mata, ang cute. Unti unti ko na sila nakikilala.
"Ngayon Aclesia, natatakot ka ba samin?" tanong ni Selene. Ngumiti naman ako.
"Noong una, natakot ako kasi kakainin niyo ako diba?" sabi ko kaya napatango na lang sila.
"Pero ngayon hindi na, kahit hindi man ako bigyan ng trabaho hindi ako matatakot sa inyo..." sabi ko at inaalala ang mga kasama ko na tumulong sakin.
"...kasi hindi naman kayo masasama sa umpisa pa lang." dugtong ko sabay ngiti sa kanilang lahat ng totoo.
"Prinsesa Aclesia..."
Natigilan ako sa sinabi nila at tumingin sa kanila ng may pagtataka. Sino ba si Prinsesa Aclesia? Magkahawig sila ng pangalan ng Mama ko.
"Pasensya na Aclesia, napagkamalan namin ikaw na si Prinsesa Aclesia kasi hindi lang pangalan niyo ang magkahawig kundi pati din ang mga ngiti niyo." sabi ni Luna. So it means, maganda ako. Charot.
"Ah, hehe...wala iyon. Pwede niyo ba ako kwentuhan tungkol sa Prinsesa?" tanong ko. Tumango naman sila.
"Si Prinsesa Aclesia ang namumuno sa buong lupain at karagatan na ito. Siya din ang anak ng yumaong Reyna na si Akisha. Si Prinsesa Aclesia ay susunod na maging Reyna...sana." pagkukwento ni Shine.
"Sana? Bakit ano nangyari?" tanong ko.
"Dahil nilabag niya ang isang forbidden rule. Iyon ang magmahal. Magmahal ng isang....tao." dugtong ni Luna.
"Kilala niyo ba kung sino itong tao na ito na minahal niya?" tanong ko pa ulit. Parang iba pakiramdam ko kasi.
"Iyon ang hindi namin alam, pero rinig namin na nabuntis si Prinsesa Aclesia at sobrang nagalit si Tiyahin niya. Dahil noong namatay ang Reyna at ang Hari, ay si Tiyahin na ni Prinsesa Aclesia ang namamahala sa buong lupain at karagatan. Nagalit ito at pinalayas si Prinsesa Aclesia." mahabang sabi ni Selene.
Naiwan naman akong tulala sa mga nalaman ko. Masama ba ang magmahal dito? Masama ba ang mahalin ang tao? o Masama ba na mahalin ng tao ang mga nilalang na ito?
"Ang mga ganyang bagay ay hindi mo na dapat iniisip." putol ni Amanda sa pagiisip ko.
"Pero bakit bawal ang pagmamahal dito?" tanong ko habang naglalakad kami patungo sa kwarto namin. Tapos na kami kumain at malapit na mag umaga kaya matutulog na sila.
"Dahil, sumpa ito saamin."
Tumigil ako sa paglalakad at tinignan si Amanda na naglalakad. Sumpa?
Bigla ko hinawakan ang kwintas ko. Iyong bracelet na binigay ni papa sakin na ginawa kong kwintas. Totoo ba ang mga sumpa? Totoo ba na poprotektahan ako ng Aclesia bracelet?
"Ayaw mo pa ba matulog, Aclesia?" sabi ni Amanda.
Umiling iling ako. Hindi pa ako sanay na matulog ng umaga tapos gabi ang gising.
"Dito ka, kwentuhan kita sa mga gusto mo malaman." sabi niya at umupo sa may terrace. Umupo ako sa tabi niya.
"Bakit ba sumpa ang magmahal sa inyo?" tanong ko.
"Dahil ito ang sumpa ng isang The Fallen Astral."
"Astral? Ano iyon?" tanong ko ulit.
"Astral ang tawag samin. Ang mga pinalayas na Astral ay tawag sa kanila ay Fallen Astral. At ang nagsumpa sa mga Astral ay ang Hari mismo. Dahil sa kanyang ginawa na tulungan ang mga tao ay sanhi ng sumpa na ito. Minsan na kami pinagtaksilan ng mga tao. Ginamit kami para sa kanilang pansariling gusto. Dahil diyan, ang iba't ibang nilalang dito sa mundo namin ay galit sa mga tao, sobrang galit. Sa mga pangyayaring ito, si Haring Clyian na ang mismo nagsabi na siya ang nay kasalanan ng lahat. Hindi siya pinalayas, pero pinatay niya ang sarili niya at sinumpa na ang pagmahal ng mga Astrals sa mga tao ay hindi maaaring mangyari kahit kailanman. "
Unti unti na naging malinaw sakin ang lahat. Grabe pala ang sinapit nila. Pinagtaksilan sila ng mga tao kaya sobra ang galit ng mga Astrals sa tao. Kaya pala noong naamoy nila ako gusto nila ako kainin.
Kaya pinalayas si Prinsesa Aclesia dahil siya ay nagmahal ng tao. Grabe talaga ang tadhana. Kamusta na kaya ang lalaking mahal ni Prinsesa Aclesia? Buhay pa din ba kaya si Prinsesa Aclesia?
"Ikaw pa lang ang tao na pinagkatiwalaan ni Boss. Magkaiba ang mundo natin pero nasa Earth pa rin tayo." out of the blue niyang sabi.
"Anong ibig mong sabihin?" taka kong tanong sa kanya na nakatingin sa kalangitan.
"Ang mundo kasi na ito ay magkaiba pero naiisang mundo lang tayo, bumabalik ito sa normal na mundo pag maaga na, pero pag gabi naman, ito ay nagiging mundo namin. Tungkol naman sa kay Boss, noong dumating dito ang mga tao, kahit niisang tao ay hindi niya pinagkatiwalaan. Pero meron siya talagang kinamumuhian na tao, iyon ang sinisinta ni Prinsesa Aclesia. Nabuntis ng isang tao si Prinsesa Aclesia, bunga ng pagmamahalan nila, kaya galit na galit si Boss. At ngayon, ikaw pa lang ang pinagkatiwalaan niya bukod kay Master Hoshi."
"Ibig sabihin may anak si Prinsesa Aclesia?" tanong ko.
"Oo, pero hindi ko alam kung buhay ba o patay." sagot naman niya. Malubha pala ang sinapit ni Prinsesa Aclesia.
"Tungkol pala kay Ho—Master Hoshi, ano ba alam mo tungkol sa kanya?" pagiiba ko ng usapan.
"Masungit. Grabe magbigay ng parusa. Pagsinabing magtrabaho dapat magtrabaho. Matigas ang kanyang puso. Kinatatakutan siya ng lahat dito. Lahat napapasunod niya. Pero isa siyang magaling na Master, dahil sa mga pagdisiplina niya samin, dumami at naging kilala sa buong Astral World ang lugar na ito."
"Kaya pala, so gawa niya lang iyong halik ha..." sabi ko sa sarili ko.
"Halik?" tanong ni Amanda sakin.
"Ah...A-ano, hahaha iniisip ko kung meron na ba siyang nahalikan?" sabay iwas ng tingin.
"Sa pagkakaalam ko meron."
Natigilan ako sa sinabi niya.
"May minahal din ba si Master Hoshi?" nacucurious na ako kay Hoshi.
"Oo, isang tao din. Minsan na siyang bumisita sa mundo ng mga tao noong bata pa lamang siya." sagot niya.
Bata pa si Hoshi ng may minahal na siya? Grabe, may nahalikan na nga siya.
"Ikaw? May nakahalik na ba sayo?" tanong ni Amanda sakin.
Pinamulahan ako ng pisngi. Biglang nag flash sa utak ko iyong halik namin ni Hoshi.
"O-oo, noong bata pa ako, pero sa pisngi nga lang. Hindi sa lips. Saan mo pala nalaman na may mahal si Master Hoshi?" takang tanong ko.
"Kay Lolo Ginga, siya lagi ang kinakausap ni Master Hoshi bukod kay Boss." sagot niya.
Hindi na keri ni brain iabsorb ang nalalaman ngayon Hahaha.
"Matutulog na ako. Dito ka lang ba?" tanong niya sakin sabay tayo.
"Oo, dito na muna ako. Salamat pala ngayon." sabay ngiti ng matamis sa kanya. Noong una nagulat siya pero ngumiti din siya pabalik.
Pumasok na si Amanda sa loob. Tinignan ko naman ang kalangitan na sumisilaw na sa aking mga mata. Ang ganda. Hindi talaga nakakasawa tignan ang kalangitan.
Alam kong magiging okay din ang lahat. Mahahanap ko din si Papa balang araw.
Naalala ko dati kung gaano ako kasaya pag dating ng umaga dahil mawawala naman ang kadiliman pero mali ako, tulad ng sabi ni papa dati, hindi magiging maganda ang liwanag kung walang kadiliman. Kaya merong gabi at umaga.
Alam kong madami pa ako makikilala. Madami pa akong dapat tuklasin. Madami pa akong dapat malaman. At madami pa ang darating na hindi ko aakalain.