Third Person's Pov
"Alagaan mo ang ating anak Rafaelo." sabi ng isang babaeng may hawak na sanggol."
"Pangako mo saakin na ika'y babalik Aclesia." pagaalalang sambit ng isang lalaking kausap ng babaeng nag ngangalang aclesia.
Tumango naman ang babae kasabay ng pagbigay ng sanggol sa lalaki. Ngumiti ng malungkot ang babae at hinalikan sa noo ang sanggol at tinignan ang lalaki.
"Rafaelo, mahal na mahal kita, kahit anong mangyari ikaw lang ang mamahalin ko hanggang sa bituin na nagniningning sa kalangitan." sabi ng babae sabay hinalikan ang lalaki sa labi.
Tumugon naman ng halik ang lalaki at tumingin sa babae.
"Aclesia, ikaw lang din ang babaeng mamahalin ko at ang anak natin. Makakaasa ka na aalagan ko ng mabuti ang anak natin, papalakihin ko siya ng mabuti at dumating man ang araw na kailangan niya malaman ang totoo ay ikwekwento ko alang alang sayo Aclesia."
Napangiti naman ang babae ang nilagay ang noo sa noo ng lalaki at pumikit.
"Mapapanatag na ako sa aking paglisan. Mag iingat kayo, Mahal kong asawa at anak." kasabay ng pagbikas ng babae ay siyang paglutang niya paitaas papunta sa kalangitan na puno ng mga bituin.
Siya ay pinagmasdan ng lalaki habang siya ay papunta na sa kalawakan kung saan siya nakatira.
Ngumiti ang lalaki bago tumalikod at nagsimulang maglakad patungong sa kanyang tahanan sa mundo ng mga tao.
Bitbit niya ang sanggol-bunga ng kanilang pagmamahalan ng isang Astral.
Ngumiti siya at kasabay nito ang pagyakap sa isang munting sanggol na kamukha ng kanyang Ina na si Aclesia.
———
The Astral's Tale begins