Tulala ako dahil sa bilis ng pangyayari. “MM…” Tawag ni Hector sa’kin. Parang ginigising. Naluha na ako ng tuluyan lalo na noong nilingon ko siya. Oo naman! Gusto ko si Hector! Sino ba namang hindi!? Pero ang ma-engage sakanya bilang Charlotte!? Gusto ko na lang maging hatdog! Tatlong araw na simula noong ginulo ni Donya ang lahat—pero matigas ang matanda at hindi talaga pinakinggan si Hector. Para ngang nagalit kasi nag-away sila noon! Saktong pag-uwi namin sa manila at pinaka-mansyon ng Santiesteban ay may engagement party na doon! Pero laking pasasalamat ko na si Mr. and Mrs. De Loyola lang ang nandon at ibang kamag-anak ng Santiesteban! Pati na rin ang ibang bride na kasama sa mansyon noon! Nandon din si Lily na pangit! Pero hindi mahalaga kung sino ang bisita! It’s just a m

