Tulala ako sa bahay namin. Ilang beses kong kinatok ito—pero walang sumasagot! Isa pa, ang bigat ng bag ko sa likod! Bakit walang nagbubukas? Sinipa ko ang gate na gawa sa yero, pero naka-kadena ito. My forehead knotted in confusion. "Pa?!" I hissed. Pinagtitinginan na ako ng ilang kapitbahay. Nasaan ang tatay ko?! Medyo kinabahan ako ng wala talagang sumasagot ma-realize ko na wala talagang tao! "Hoy gaga!" Naluluha akong humarap sa tumawag sa'kin. Oo, matik 'yon ako na ang gaga. Pero kasi—hindi ko maiwasang mag-isip ng masama! Paano pag... ang dahilan ni Hector kaya hindi niya ako pinapauwi sa bahay ay dahil... wala na ang papa ko? Naiyak na ako sa tatlong powerpuff girls na kaibigan ko. Si Rose, Pinty, at Ginger. "Hala gago, bakit umiyak 'to!?" "Te nananaba ka ah—" "Eh kun

