"Magnolia—" Bago pa makalapit ng tuluyan si Charlotte sa'ming dalawa ni Hector ay mabilis kong tinuhod ang gitnang parte ni Hector para malayo siya sakin! "Fvck!" He groaned in pain. I felt sorry—pero noong makita ang nagtatakang si Charlotte ay worth it. Kulang na lang ay lumuhod si Hector kakayuko, pero hindi ko siya pinansin at bahagyang lumayo. I fake a cough. "Anong... ginagawa niyo?" Takang tanong ni Charlotte habang pinipigilan ang malisyosang ngisi. Lumapit ang babae sakin para lang sikuhin ang tagiliran ko. "Wala, sunod ng sunod," I said coldly. Nagpanggap ako na walang pakialam. "Lapit kasi ng lapit. Mukha bang gusto ko na lumalapit ka sa'kin, Santiesteban?" I hissed in annoyance. Hindi makapaniwala na nag-angat ng tingin si Hector habang namimilipit. Umiwas ako ng titig

