Chapter One
“Ms. Joellie Quiroz, Right?”
I smiled and nodded.
“Joey nalang po, doktora.”
Kasalukuyan akong nasa Makati Medical Center, dahil ilang araw na simula nung nakaraang linggo na panay ang hilo ko. Ginamit ko ang leave credit ko para pa-check up ang sarili ko.
“Congratulations Iha, you are 7 weeks pregnant.” Alam kong dapat iexpect ko na ang balitang iyon dahil hindi ako dinatnan noong nakaraan na buwan pero halos hindi parin ako makapaniwala sa narinig ko.
Tears escaped to my eyes, I’m not sure kung tears of joy dahil ba may munting buhay na sa sinapupunan ko? Or is it tears of sadness dahil alam kong kailangan tigilan ko na ang sarili kong mahalin ang boss ko?
Naramdaman kong bigla ang panlalamig sa katawan ko.
Naipagkamali pa ni Doctora ang pamumutla ko.
“Mukhang napakasaya mo Iha, is this your first pregnancy?” Tumango ako.
“Oh iha, mas maging maingat ka lalo na at nasa first trimester palang ang pagbubuntis mo, Nagreseta ako ng mga pre-natal vitamins mo, you need to take it everyday at iwasan mo munang mapagod at mastress.” She smiled.
Mabilis akong nagpaalam sa Doktora dahil halos mabuwal ako sa nalaman ko ngayong araw na ito.
Walang buhay akong naglakad sa lobby ng Hospital.
“Sh*t! Why do you have to be so careless, Joey!” Habang parang baliw na sinasabunutan ang buhok ko.
Nakita ko ang bakanteng long couch sa may lobby malapit sa OB-Gyne ko.
Umupo muna ako doon upang mag-isip kung ano ang gagawin ko. Malalim ang iniisip ko ng maramdamang kong may umupo sa tabi ko. Sinundan ko ito ng tingin at agad kong nakilala ang babaeng tumabi sa kinauupuan ko, she looks exhausted habang kasalukuyang minamasahe ang mga paa nito.
It was Ella Yuzon-Anderson – ang mala diyosang babaeng pinag-aagawan ng grupo ni Francis. She was so beautiful kaya halos magpatayan na ang mga Board of Directors’ para lang sa kanya. Mukhang hindi niya ako napansin kaya ako ang unang tumawag sa kanya.
“Ms. Ella? Okay ka lang po?” Agad niya akong tinignan, she smiled. Napakaganda niya talaga – kung sanang ganito siguro ang naging itsura ko ay mamahalin na ako ni Francis. Pero yung totoo? Im just a plain, basic and average girl na sekretarya ng boss ko – Nothing more, Nothing Less.
“Oh, hi Joey, yes I am okay. Normal lang daw ito cramps since I’m expecting.” Nagulat ako sa sagot niya. Wala kasing binangit si Sir Ezekiel noong nakaraang meeting kung bakit siya nagresigned. Masaya ako para sa kanya, I’m sure matutuwa si Sir Ezekiel at magkaka-anak na talaga sila. Lately kasi I found out na hindi pala talaga anak ni Ma’am Ella si Baby Jacob.
“Kaya ka ba nagresigned Ma’am dahil magkakababy na po kayo ulit ni Sir Ezekiel?” Masayang tanong ko sa kanya. Nakita kong nagseryoso ang mukha niya.
“No – not that reason, hindi rin ito kay Ezekiel. It was Matt.” Medyo nabigla ako sa nalaman ko, I thought she already moved on from Sir Matthew because I saw her and Sir Ezekiel kissing at the stage noong kasal ni Sir Greg and Ma’am Stephanie.
“You know that he is my ex-husband, right?” yumuko pa ito at hinaplos ang maimpis na tiyan niya.
“Yes Ma’am, nasabi na rin sa akin ni Sir Franz.” Sagot ko.
Ang dami kong gustong itanong sa kanya pero I realized, sino ba naman ako para tanungin siya? Ako nga eto at hindi alam ang gagawin ko.
“Ikaw? Kumusta kayo ni Franz?” Nabigla ako sa tanong niya, Paano niya nalaman? Did Franz tell her? OMG nakakahiya.
“Yu-ng al-in po?” pagmama-angan ko.
“You are in relationship, right?” seryosong tanong niya.
Wala na akong nagawa kundi tumango na lamang.
“You are also scared right? Boys, Halos pare-pareho lang sila. Ewan pero pag nagmahal ka, ang hirap ng kumawala. I was deeply fallen in love with my ex-husband, I thought I will be okay dahil matagal na rin nang naghiwalay na kami. But look at me now I’m still under his spell and the funniest part is, here i am pregnant with his child.”
Bawat katagang sinabi ni Ma’am Ella ay may kurot sa puso ko. Wala akong karapatang husgahan siya dahil eto ako, buntis din sa taong alam kong hindi ako kayang mahalin simula palang.