Phacelia Flower "phacelia with it's blue or purple flowers, is a plant known for supporting wildlife and enhancing soil quality. As a symbol of natural courage. Phacelia remind us of the resilience found in the natural world." Yanna Pov Nagyakapan kami ni Serenity at nagkumustahan na dalawa. Naupo kami sa malapit sa park para mabantayan ang mga batang naglalaro. "Bati na ba kayo ni Radeon?" usisa ni Serenity. Umiling ako. "Hindi gan'on basta-basta na patatawarin ko siya agad. Kahit pa kita ko naman ang mga effort nito sakin at sa anak ko. Kaso sobrang nainis ako dahil binigyan niya ulit ako ng instant anak. Ayoko sana sa bata dahil Ina siya ng kinaiinisan ko. Kaso kawawa naman ang bata hindi niya deserve ang walang pamilya. At walang kasalanan ito sa pagkainis ko sa ina niya. At n

