Allium Flower "The Allium, with its globe-like clusters of tiny flowers, allium flower represents Unity and Strength. Allium thrives in diverse environment, from gardens to wild meadows. Their sturdy stems symbolizes resilience and determination. Gift allium to celebrate collective strength, teamwork or overcoming challenges together." Yanna/Rad Pov Paggising ko sa umaga ay diretso na ako sa baba. Halos hindi ako nakatulog kagabi kakaisip sa gagong lalaki kung kumusta ito sa labas. Umalis kasi ng hapon na iyon pagkatapos namin kumain ng hapunan. Umuulan parin kasi at nakatanggap siya ng tawag mula sa tauhan dito. Napaisip ako na baka isa Ito sa may-ari ng Sevenity Club. Dahil dito niya kami dinala sa Rainbow house. Ang pagkakaalam ko itong mga bahay na Ito ay ang may-ari ng Sevenity

