Stacey`s POV “Wow! How did you know this place? Ilang araw na ako rito sa isla pero hindi ko alam na may ganito pala,” manghang saad ko habang patingin-tingin sa paligid. “I just discovered it while I was strolling around to clear my head. Dito ako pumupunta kapag magulo ang isip ko at kapag kailangan ko munang magtago sa mga kaibigan ko,” sagot naman ni Jake. “Ohh,” maikling tugon ko. Maganda ang lugar na pinuntahan namin ni Jake dahil katulad din lang ito ng lugar kung saan kami kumain ni Zach noon. Ang pagkakaiba lang, mas refereshing dito kasi malayo sa kalsada kung saan dumadaan ang mga tao. I think this will be one of my favorite spots here. “Thank you for bringing me here, Jake. I`m feeling better now,” nakangiting sambit ko bago lumapit sa kanya. “That`s good dahil naiinis ta

