Stacey's POV “Hindi ba`t sinabi ko sa `yo na huwag kang lumayo. Kailan mo ba ako papakinggan?” Papunta yung atensyon ko kay Zach nang nagsalita siya mula sa tabi ko. Kinukuhanan ko ng picture yung buwan tapos naramdaman ko siyang tumabi sa akin. Medyo lumayo nga ako sa bahay nila Aling Belen dahil aliw na aliw ako sa bilog na buwan. “Sorry, hindi ko napansin. Kinukuhanan ko kasi ng picture yung buwan. Konting pahinga lang dito tapos babalik din naman ako,” ani ko. “And what would you do if something might grope you again?” he asked and put both of his hands in his pocket. “No one would do that to me again, right? Like, I'm literally just meters away from Aling Belen's house. Tsaka, wala naman yatang gago rito,” ani ko. “Walang aaligid sa `yong bastos kapag nandito ako. Hindi naman ki

