NAKATAYO ako malapit sa counter, habang tinititigan si Luke. Ang lalaking matagal ko nang gusto. Nakasuot ito ng itim na leather jacket, at may piercing ito sa tenga na talagang nakadagdag sa kagwapuhan nito. Habang ang buhok naman niya ay nakaayos ng one sided, na medyo may mga tumatayong part. Ang gwapo niya talaga. I giggled. “Hoy, Ryleige! Tigil-tigilan mo nga yang paninitig mo. Mukha kang stalker e!” napatigil ako sa pagtitig kay Luke dahil sa pagdating ni Daisy. Sinimangutan ko naman ito. “Hay naku Daisy! Lagi ka na lang talagang istorbo sa buhay ko, kapag nagkakaroon ako ng time para matitigan si Luke tsaka ka naman dadating at ume-epal!” sabi ko naman. “Wow ah. Edi sana di mo na lang ako sinama!” sarcastic na ani naman nito. Nginisihan ko naman si Daisy. “Kung pwede nga

