Sobrang saya ko nang bumalik kami galing sa honeymoon dahil confirm na buntis ako.Sa bahay nalang ako nag-aral o tinatawag din nila na "Home Study" hanggang sa nakapagtapos ako.Ang asawa ko naman patuloy pumapasok sa paaralan pero simula ng mahuli ko sila ni Maryam sobrang sweet,doon nagsimula ang madalas namin na pag-aaway,lagi na ako nagduda iwan wala akong tiwala sa kapatid ko ngayon pati na rin sa asawa ko pero dahil sa mga babies ko nakalimutan ko ang mga pagduda ko sa Ama nito.Sina Mom at Dad ilang beses na ako nagsabi pero lagi nalang nila pinagtatanggol si Maryam kesyo bumabawi sila dito.Siyam na buwan na akong buntis ngayon kahit hindi ako nakaakyat sa stage na naka-toga,wala nang papantay pa sa award ko,"My coming soon babies."
"Love matulog na tayo! malalim na ang gabi."saad ni Rashed
Pagkatapos ni Angel mag-half bath inalalayan ito ng asawa at tinulungan makasampa sa kama dahil sa sobrang laki na ang tiyan nito na halos hindi na makita ang dinadaanan niya at halos hindi na rin makayuko.
"Goodnight love" at hinalikan ito sa labi.Magkayakap ang mag-asawa habang natutulog ngunit sa kalaliman ng gabi nagising si Rashed ng biglang nag-vibrate ang cp nito.kaya pakurap-kurap itong binasa ang laman ng mensahe."Baby I want you,Puntahan mo ako dito kung hindi sasabihin ko sa kanila na ilang beses na may nangyari sa atin."
Agad bumalikwas si Rashed at dali-dali itong lumabas na kwarto ngunit bago ito lumabas bumulong ito sa asawa."I-m sorry love hindi ko sinasadya na lokohin ka,alam mo naman mahal na mahal kita."
Pagdating sa may pinto ni Maryam aakmang kakatok si Rashed nang pinto nang biglang bumukas ito at tumabad ang hubo't hubad na katawan ni Maryam.
"I miss you Baby,lately alam ko iniiwasan mo ako.Dinantay ni Maryam ang isang daliri sa ilong ni rashed hanggang sa labi."Pero hindi mo ako matatakasan dahil kung gagawin mo ulit na iwasan ako sasabihin ko kina Mommy tingnan natin kung hindi ka iiwanan ni Angel."
Itinulak ito ni Rashed si Maryam kaya napaupo ito sa sahig." Isa kang ahas,paano mo nagawa sa kapatid mo 'to?Nilasing mo ako,hindi totoo ang laman ng cd tape na ipinakita mo sa akin.."
Humalakhak ito.."Alam mo Baby,kung ipapakita ko sa kanila paniniwalaan ka kaya nila?makikita mo doon kung gaano ka sabik na sisirin ako."
Sinampal ni Rashed si Maryam pero baliwala lang 'to sa kanya.ngumisi pa ito."I like it Baby" agad hinalikan ni Maryam si Rashed at isa-isang hinubad ang pantulog na damit nito.Wala nang maguwa 'to kung hindi pinaubaya ang katawan sa babaeng ubod nang walang hiya.Pagkatapos pagsawaan ni Maryam ang katawan ni Rashed bumangon ito at nagsuot ng damit ngunit pinigilan ni Maryam."No,hindi ka lalabas dito ka lang ,tabihan mo ako matulog at hinila ito pabalik sa kama."
"Love nasaan ka!! nagising si Angel sa kahimbingan ng tulog ngunit ng kinapa ang asawa wala ito sa tabi niya,kaya agad siya nagsuot ng Bathrub at hinanap ito.Paika-ika lumakad sa si Angel upang hanapin ang asawa ngunit saan banda ng sulok ng bahay nila wala siyang makita kahit isang anino ng asawa.Naisip niya kung wala sa buong bahay baka nasa kwarto nang kapatid niya at habang iniisip niya ang ganoon na eksina, kinabahan siya ng sobra kaya kahit sobrang sakit at hirap 'to,binilisan niya ang paglakad.Pagdating sa kwarto Dahan-dahan niyang inikot ang doorknob nong malaman niyang nakabukas ang pinto itnulak niyo ito nang baghaya,hindi niya pa nakikita ang katawan ng asawa niya pero confirm niya sa sarili niya na andito sa loob si Rashed dahil sa nakita niya ang damit ng asawa na nakakalat sa sahig,Agad siya pumasok kaya tumampad sa kanya ang dalawang magkayakap at mga hubo't hubad na katawan.
"Mga ahas kayo!"pinaghahampas niya ang dalawa kaya agad bumangon si Rashed at nagsuot ng damit.
"Love I'm sorry hindi ko sinasadya."nakaluhod ito habang nagmamakaawa sa asawa.
"How dare you Rashed? sinampal niya ito Paano mo nagawa sa akin 'to?kailan niyo pa ako niloloko?" sigaw nito na animo'y kinakatay dahil sa iyak nito.
"Please let me explain."natatarang wika ni rashed
"At ikaw,una palang nang dumating ka sa bahay alam ko na ahas ka pero dahil kay Daddy at Mommy hinayaan kita agawin ang pagmamay-ari ko pati nba naman asawa ko kukunin mo."ngunit lihim lang itong nakangiti sa mga nangyayari.
Ano ang nangyayari dito?
"Dad bulag ka ba? ang ahas mo na anak,inakit ang asawa ko."
Ngunit sa pag-aakalang kakampihan siya ng Daddy niya pero nagkamali siya dahil siya ang sinampal hindi si Maryam.
Dad huwag niyo naman saktan ang asawa ko.
"Paano mo nagawa to Dad?"humahagolhol ito sa iyak habang hawak-hawak ang pisingi na sinampal ng Ama.
"I'm sorry anak na bigla lang ako."
Ngunit iniwaksi ni Angel ang kamay ng Ama,at lumabas ng kwarto ni Maryam.
Angel please pakinggan mo ako.Hindi ko kagustuhan ang nangyari tinatakot niya ako sa hawak niyang cd tape.
Lumingon si Angel at sinampal ulit ang asawa."Kung totoo ang sinasabi mo hangal ka!! kasi kung hindi totoo ang sinasabi niya,mas paniniwalaan kita dahil alam mo walang akong tiwala sa babae na 'yan simula't sapol pa lamang pero ano ang ginawa mo nagpa-black mail ka? kasi gusto mo rin?"
"Maniwala ka hindi ko gusto,please paniwalaan mo ako."
"Ohh, ito na ang sing-sing mo,ibigay mo na sa kanya at magsama na kayong dalawa dahil nababagay kayo pareho kayong ahas."
Agad dumiritso si Angel palabas nang bahay at nagpara ng taxi.
Saan tayo Ma'am?tanong ng taxi Driver.
"Manong doon sa kaibigan ko ihatid mo ako," pero nang sa kalagitnaan ng byahe namilipit ito ng sakit."Manong manganganak na yata ako hindi ko na kaya ramdam ko na lalabas na ang anak ko." natatarantang wika ni Angel..
Ma'am saglit lang itabi ko lang sa gilid ang sasakyan..
"Ma'am sorry po pero hindi na tayo aabot sa hospital kaya ako nalang tutulong sa'yo magpaanak..Ma'am isandal mo ang ulo mo sa pintu-an at huwag kana mahiya may asawa narin ako."
Tumango nalamang si Angel dahil sa sobrang sakit na ng tiyan niya..."Kuya tulungan mo na ako, i-ire na ako."
Pagkalipas ng ilang minuto lumabas na ang Ang lalaking anak ni Angel."Ma'am sobrang gwapo po ng anak niyo."wika ni Manong driver
"Boss nakita na namin ang Taxi sinasakyan ng kapatid mo!"
"Mabuti naman at nakita niyo!"
Agad nila pinuntahan ang taxi upang kunin si Angel ngunit nagulat sila nang may umiyak na sanggol kaya agad nila tinawagan ang Boss nila."Boss, ano gagawin namin sa Bata?"