Sumunod naman ang mga Guard kay Angel.Nilapitan nila si Maryam upang palabasin sa bahay nila ngunit kusa na ito lumabas at nagbanta pa 'to.
"Hindi niyo na ako kailangan pang hilahin palabas dahil alam ko ang pinto at hindi pa ako bulag para akayin niyo!"galit na galit 'to at pinagsisigawan ang mga Guard,nang magkatapat na sila ni Angel lumapit pa si Maryam at nagbabala.
"Humanda ka sa gagawin ko dahil pagsisihan mo pang bumalik ka dito imposture,"tumalikod na ito ngunit mga ilang hakbang pa lang lumingon ito at sumenyas ng thumbs down.."pakisabi na rin sa nagbayad sa'yo na bumili na nang kabaong dahil ililibing ko siya kagaya ng ginagaya mo."Pagkatapos sabihin 'yon tumalikod na 'to at pinaharorot ang sasakyan.
"Manong kung hahanapin kami ni Manang pakisabi dala ko silang dalawa ni Joe sa bahay muna sila matutulog."
"Sige po Ma'am,kami na bahala magsabi!"sagot naman ni Manong Guard.
"Halika na Joe!"
Agad naman sumunod si Joe sa kay Angel.Kinuha lang nito ang mga importanteng gamit ni Kale upang sa tatlong araw na matutulog 'to sa bahay nang Ina!
"Ano ang plano mo?bakit parang pabigla-bigla ka yata Ate?"
"Sorry Aliya,hindi ko napigilan ang naramdaman ko nang makita ko siyang malapit sa anak ko,supossed to be ako ang nasa position niya, but she stole it.Kaya ganoon nalang ang naging reaction ko dahil kung hindi sa kanya sana hindi magkahiwalay ang mga anak ko,"habang sinasabi ni Angel ang mga salitang binatawan niya ramdam ang pighati at paghihinayang sa boses nito.
"Sige! pumasok na kayo sa kotse,baka may makakita pa sa atin dito,alam mo naman maraming galamay si Maryam kaya kailangan natin mag-double ingat.
"Tama si Ate Aliya,Ate Angel saksi ako sa mga kalokohan ni Ate Maryam,wala siyang kinakatakotan,"segunda naman ni Joe
Pagpasok sa loob nang sasakyan ngumawa si Kale dahil sa nakita niya dalawang magkaparehas na mukha.
"Daddy!Daddy!!Daddy! Mommy!! 'yan ang mga sinambit ni Kale habang todo iyak 'to."
"Baby,huwag kang matakot! ako ang totoong Mommy mo,huwag kana umiyak dahil may supresa ako sa'yo"masayang wika ni Angel sa Anak
Tinitigan lang ang Ina nito na parang kinikilatis.."No,si Mommy Yam ang Mommy ko."mariin na wika ni Kale
Lalong nalungkot si Angel dahil sa sinabi nang anak masyadong nauto na 'to ni Maryam,pero hindi niya naman masisi si Kale dahil maganda ang pag-alaga naman ni Maryam sa bata kahit hindi maganda ang trato sa kanya nang nakakarami lalo na si Rashed.Kaya hinayaan niya nalang 'tong tahimik hanggang sa makarating sila sa bahay..
"Ate,Bakit nakabukas pa ang mga ilaw?may bisita ba si Mommy?"
"Impossible naman,It's already 10 pm at isa pa walang nakakaalam na buhay pa si Mommy kung hindi tayo-tayo lang."
"Mas maigi pa umakyat na tayo kay sa maghulaan tayo dito" saad ni Aliya
"Mas mabuti pa nga! Akin na si Kale,Jo.!Let's go inside Kale,"malambing na wika ni Angel sa anak
Pagbukas nang pinto narinig niya na halos ng tao sa loob mga gising pa 'to!
"Mom! ano ang nangyayari bakit mga gising pa kayo!"
"Mommy,I miss you! ngunit nang mapuna na may kalong-kalong 'tong bata natulala 'to baghagya.
"Come here Akela! tawag nito sa anak na babae.Remember sabi ko sa'yo na may isa kapang kapatid na lalaki!?"
Tumango si Akela at lumapit sa Ina!
"Yes Mom,I remember when you told me that he's with Daddy.Andito rin po ba si Daddy?
Ngunit hindi pinansin ni Angel ang tungkol kay Rashed. "Kale this is Akela ang kakambal mo.Look baby magkamukha kayong dalawa!" hindi napigilan ang luha ni Angel dahil sa sobrang saya.Pati ang mga taong saksi nang pagkikita nang mag-i-ina naiyak narin sa tuwa dahil alam nila kung gaano na gusto makita ni Angel ang mga anak.
Miss,totoo pong ikaw ang Mommy ko?nagtatakang tanong ni Kale
Natawa naman ng sobra si Angel sa tawag ni Kale sa kanya na Miss.
"Siya po Mommy ko din po ba kasi magkamukha kayo," inosenteng tanong ni Kale
"No,she's not our Mommy,but she's our Tita Mommy dahil sister siya ni Mommy Angel,"diritsong wika ni Akela sa kapatid.
Ngumuso naman si Kale at ngumiti sa kapatid.Kung sister kita?"Daddy mo rin si Daddy Rashed?"tapos papalit-palit ito ng tingin kay Aliya at Angel.
Lumapit si Angel sa dalawa at lumuhod para magpantay silang tatlo."Mga babies sa ngayon sobrang gulo pa at saka baby pa kayo hindi niyo pa maiintindihan."
"Mommy i-uwi niyo ba si A-akela sa bahay,doon na ba siya titira kasama natin?"
"Kale,anak! pwedi pa ba secret muna natin 'to na may Tita Mommy ka,at baby sister kasi pagnalaman ng mga bad guy's kukunin sila sa atin at saktan.."
"Yes,po M-m-mommy! keep quiet lang po si Kale," nakangiti 'to at yumakap kay Angel
"Mga Anak nakalimutan niyo yata ako ipakilala sa mga apo ko," nagtatampong wika ng Ina
"Haha!! Sorry Mom sobrang saya ko lang ngayon kaya hindi kita agad na pakilala sa kay Kale."
"Mommy kapatid niyo rin po ba siya turo nito kay Donya Angela.."
"Donya Angela grabe naman ang bata niyo naman maging kapatid sila Ma'am Angel" sabat naman ni Botyok
"Bakit Botyok hindi ba pwedi?may Asim pa naman ako," pagbibiro ni naman nito
Napakamot sa ulo si Botyok kaya nagtawanan silang lahat sa sagutan nang dalawa..
"Hindi nila ako kapatid,Apo! ako ang Mommy nila at Lola Mie niyo," hinalikan 'to sa noo ng Matanda at yumakap naman pabalik si Kale.
Kahit hating gabe na,nagluto at nasikainan parin sila dahil para sa kanila buo na ang pamilya nila.
"Caloy! tama na ang pagpupuyat dahil maaga pa tayo pupunta bukas sa palengke upang mamimili dahil ubos na ang stock natin na karne"
"Sige po Ate.Tatapusin lang namin 'to at matutulog nadin."
Kinaumagahan maaga gumayak sila Mang Caloy at Donya Angela papunta nang Palengke.
"Botyok,kunin muna ang mga basket na gagamitin natin para sa pamamalengke."
Habang nagmamaneho si Caloy panay paalala naman si Donya Angela dahil minsan na nakalimutan ang pinapabili ni Aliya halos hindi 'to kumain dahil nagtampo.
"Caloy,huwag mo kalimutan ang pinapabili ni Aliya dahil alam mo naman 'yon sobra pa sa buntis kung may gusto kainin."
"Ate,Doon tayo banda bumili nang Kamoteng Kahoy dahil bago at mura doon."
Pagdating sa tinuturo ni Mang Caloy na tindahan laking gulat niya sa mag-asawa namimili din ng kamoteng kahoy ngunit kahit nakatakilid ang mga 'to kilalang-kilala niya .kaya naka-isip siya ng kapilyahan para sa dalawa.