Chapter 12

1047 Words
"Ate,seryoso ka ba na magpapanggap ka bilang si Ate Angel,? p-paano po pag...hinalikan kayo ni Kuya Rashed?"nakanguso na tanong ni Joe. Dahil sa tanong ni Joe,itinabi ni Aliya ang sasakyan sa kalsada dahil hindi n'to napigilan humagalpak sa tawa sa naging reaksyon ni Joe."Ano ka bang bata ka ang daming maiisip na tanong 'yan talaga ang inaalala mo." "Eh kasi Ate concern lang ako kay Ate Angel at Kuya Adrian..seryosong tanong nito." Hinawakan ni Aliya sa balikat si Joe at sinagot ang mga bumabagabag sa dalaga."Don't worry bukas susundu-in na natin ang Ate Angel mo,hahalili lang muna ako sa kanya ngayon habang wala siya at huwag kang mag-alala walang mangyayari kaya tigilan mo na kakaisip nang kung ano-ano."nakangiti na wika nito kay Joe at ginulo ang buhok ng dalaga. Lumiwanag naman ang mukha ni Joe pagkatapos sabihin ni Aliya sa kanya.."Thank you Ate! ayaw ko kasi kayo mag-away ni Ate Angel ngayon na kasama na natin siya.." "Tama ka Joe,at lahat mg ginawa nila sa amin ay sisingilin ko,pagbabayaran nila ang pagkalumpo ni Mommy,"galit na turan nito. Ate! niyakap ni Joe si Aliya upang pakalmahin 'to."Umalis na tayo baka nah-aantay na si Kale sa atin." (30)minuto din ang binyahe nila bago nakarating sa paaralan ng bata.. Ate si Kale ayon...! "Ang gwapo niya kamukha-kamukha niya si Mommy kung naging babae 'to,"ngunit habang pinagmamasdan nila si Kale may biglang 'tong may tinawag 'to na Mommy kaya napalingon sila at si Maryam ang tinutukoy nito.Agad naman tumakbo papalapit si Kale kay Maryam at humalik sa pisngi. "Wait Ate ako ang pupunta sa kanila upang kunin si Kale,"nilapitan ni Joe si Maryam upang kunin ang bata."Excuse me Miss,kukunin ko lang ang bata kasi inaantay na kami ni kuya Rashed" diin na wika nito." Lumingon ng dahan-dahan sa babaeng nagsasalita sa likuran nito.Tinaasan niya 'to nang kilay at tiningnan mula paa hanggang ulo."Sino ka naman para pagsabihan ako ng ganyan sa harapan ng Anak ko." "Miss wala akong dapat ipaliwanag sa 'yo una ako pinagsabihan ni kuya na susunduin si Kale at saka ikaw sino ka ba,? hindi ba't isa kalang naman hamak na kabit," inis na wika ni Joe. Nandilim ang mukha ni Maryam kaya itinaas nito ang kamay upang sampalin si Joe pero bago pa 'to lumapat sa pinsgi ni Joe nasalag na ni Aliya ang kamay nito. "Kung ako noon nagawa mong saktan at pagtaksilan pwes hindi ko na hahayaan pang dumampi sa mga taong mahal ko ni isa sa mga daliri mo, kaya kung ako sa'yo umalis kana sa lugar na 'to." "A-angel? how?" nabitawan nito ang bag niya at patuloy sa pag-atras,makikita sa mukha nito ang gulat. "Mommy! what happen? ang bad niyo bakit niyo sinasaktan si Mommy?" palahaw ni Kale Lumuhod si Aliya upang alu-in ang bata ngunit sadyang matigas 'to at halatang nalason na ang utak ni Kale,"Baby ako ang Mommy mo, kaya tara na nag-aantay na si Daddy sa bahay." "No,hindi kita Mommy! si Mommy Maryam lang ang Mommy ko,a-ayaw ko sa'yo,bad ka! bad ka!" "Baby alam ko nabigla ka lang! kaya halika na sa bahay na lang tayo mag-usap." Ngunit nakasimangot lang si Kale at nakatitig lang kay Aliya,samantala si Maryam naman parang baliw 'tong nagsisigaw habang bitbit ng mga guard palabas ng paaralan. "Ate si Kuya Rashed tumatawag" agad naman inabot ni Aliya ang Cellphone upang sagutin ang tawag. "Hello Love,nag-aalala ako kasi it's already 6pm hindi pa kayo umuuwi." "May kunting problema lang love,pero were fine kaya huwag kana mag-alala"seryosong sagot nito "Paka-usap kay Kale..!" agad naman ibinigay ni Aliya kay Kale ang Cellphone. "Baby sumama kana kay Mommy mo,nagluto ako ng favorite food mo,andito rin sina Mommy at Daddy,kaya kuya Kale sumama kana sa kanila." Ngumuso naman si Kale sa Ama habang kausap ang Ama nito..S-sige sasama na ako sa 'nyo pero sa kanya ako tatabi,ayaw ko tumabi sa'yo baka patayin mo ako muli,turo nito kay Aliya habang binitawan ang mga katagang 'yon. Napa-iling si Aliya sa tinuran ni Kale dahil sa edad na 4 na taon parang matanda na 'to pagnagsalita kaya napayukom ito ng kamay dahil sa galit kay Maryam. "Don't worry, it's okay kung kay Ate Joe ka tatabi,papatunayan ko sa'yo that you're wrong Baby! mabait ako,baby anak kita hindi ko gagawin kung ano man ang sinabi sa inyo ng bruha na 'yon," ngunit nagtaka sila bakit hindi na 'to sumasagot sa mga sinasabi ni Aliya,tulog ma pala 'to at nakanga-nga pa habang naghihilik,napangiti nalang ang dalawa dahil kahit sinasabi nitong galit 'to sa kanya pero makikita sa bata na comfortable 'to. "Si Ate na ang bahala sa kanya,mas malambing 'yon kumpara sa akin." Pagdating sa bahay malayo palang rinig na rinig ang boses ni Maryam nagwawala 'to. "f**k you Rashed,I'm your wife bakit ako ang pinapalayas mo dito sa bahay." "I'm tired Maryam,ngayon nagbalik na asawa ko,umalis kana dito bahay dahil walang bisa ang kasal natin si Angel lang ang asawa ko." "Pagsisihan mo ang ginawa mo sa akin,hindi ko hahayaan na maging masaya kayo akin kalang lalong-lalo na anak ko,"sabay talikod ito. "Oppps! my dear sissy, you forgot something! ang mga gamit mo hindi mo ba dadalhin? sabagay sayang din 'to pang dagdag pangsiga 'to" nakangising wika nito "Agad naman 'to bumalik,akala mo aalis na ako?babalik ako dito dahil may karapatan ako sa bahay na 'to." "Sige! sinabi mo eh..mas enjoy ako pag-andito ka sa bahay para naman may kulay ang araw ko,sad kasi ako pag hindi kita nkikita."pang-aasar nito kay Maryam "Ang landi mo,huwag kang magsaya babalikan kita!" babala nito sa kay Aliya. "Come on,huwag mo akong sabihan na malandi dahil ikaw 'yan at hindi ako." ""Iha,halika kana dito,kakain na tayo kailangan mo magkwento sa akin bakit hindi ka bumalik agad" wika ng Mommy ni Rashed at may halong tampo ito. "Paano 'yan ako lang ang tinawag,kaya bye-bye na" sabay flying kiss ito kay Maryam. Halos masira ang pinto dahil pabalibag nitong isinara. "Ate bakit hahayaan mo siya dito na tumira baka ano ulit ang gagawin niya sa'yo." "Don't worry Joe dahil hindi na muulit 'yon.saka walang thrill kung sa ibang bahay siya titira,ibabalik ko lahat ng ginawa niya sa akin,at sa kay Ate."nakangising wika nito. "Sa bagay Ate may punto ka naman talaga,at saka masarap siya asarin dahil nagiging mukhang multo 'to pag galit." Nagtawanan ang dalawang babae bago bumababa para kumain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD