"Sino ba kasi yang ka-text mo?" Tanong ko kay Pammy kasi kahapon pa siya busy sa phone niya, hindi ko na nga siya nakaka-usap nang maayos e. Hindi naman siya ganito dati, ang weird lang.
Tumingin siya sakin at tumawa, "Grabe naman, alam mo naman ako." sabi niya sakin.
"Alam mo, di ko talaga alam sino boyfriend mo." Natatawa kong sabi. Araw-araw kaya may pinapakilala siyang lalaki sakin.
"Uy, isa lang naman ang boyfie ko. O.A. na, girl." She playfully rolled her eyes.
"Oo nga, si George."
"What the f**k, break na kami." Masungit niyang sabi.
What?! Agad-agad? Less than 1 month palang sila ni George e. I thought magtatagal sila lalo na kay George? I can see na mahal na mahal talaga niya si Pammela.
"What?! Kailan pa?" Naguguluhan kong sinabi.
"Last week pa, girl." Chill nyang sinabi.
"Sino nakipag-break? Bat di ko alam? Sino bago mo?" Medyo napalakas ang mga dere-deretso kong tanong.
Siya naman tumawa lang, "Chill, girl. Ako nakipag-break okay? Nakakainis na kasi siya, patay na patay siya sakin."
"I know! That's my point, mahal ka ng lalaking yun—gosh, I have to chill." Huminga ako ng malalim. "Okay, sino bago mo?" Chill kong tanong.
Medyo kinilig pa siya, "Kyaaaah!"
"Shh!" sabi ko sakanya sabay quiet sign.
"Si Ivan!!" Napayakap naman siya sa libro na hawak niya pagkatapos sabihin 'yon.
"What?!"
Bakit si Ivan? No! No! No. Si Ivan lang naman ang Dark Master, pangalawa sa pinakamataas sa Golden 10 (g**g nila Jem). Kung baga sa mga groupings, siya yung assistant leader.
"Yeah. Si Dark Master." Kinikilig niyang sabi.
"No way." Matipid kong sabi. Hindi parin kasi ako makapaniwala as in.
Ngumiti siya, "At dahil bestfriend kita, sasamahan mo ko sa hide out nila mamaya kasi magkikita kami ni Ivan." Kinikilig nyang sabi.
What?! Parang g**o papasukan ni Pammy. Delikado. g**g yung mga yun, and hindi lang 'yon. Isa sila sa mga notorius gangs sa buong easthood. Madalas silang may kaaway at parang normal nalang ang g**g fights sakanila.
"No."
Nag-pout siya, "Kung ayaw mo, ako alang." She rolled her eyes.
"No! I'll come with you sa hide out nila." s**t, bakit ko nasabi yun? Gosh. Ayoko kasi na pumunta siyang mag-isa dun. Kung may ginawa man silang masama samin, ika-karate ko sila.
"Well, then tara na!" Sabi nya at hinila ang kamay ko.
Ang hide out ng mga Golden 10 ay malapit lang dito kaya lalakarin lang namin, mga 5 minutes walk lang. Keri pa naman.
Pagkarating namin dun, bigla akong kinabahan. Mukhang haunted na 'to oh. Pagpasok namin agad bumungad samin si Arthur, isa sa mga myembro nila. Nginitian ko siya.
"Andito na pala kayo, kanina pa naghihintay si Dark Master." Sabi ni Arthur.
Naglakad na kami at narinig ko na ni-lock ni Arthur ang malaking gate.
"Hey Ladies." bati ni Simon samin.
Eto lahat ng Members nila at positions para di kayo malito.
Gerald Emerson "Jem" Enriquez - Dark King.
Ivan Luke Suva - Dark Master
Gregorie "Greg" Tobias - Head Master
And the bad boys...
Arthur John Bondoc- siya yung isa sa mga close ni Jem kaya sinusunod nya lahat ng gusto ni Jem.
Jake Paul Garcia- lagi ding kasama ni Arthur, para nga silang kambal e.
Simon Jon Andres- mayabang din to e, basta pogi siya.
Alexis Daniel Salac- bae ko to hihi ♥ magaling yan sumuntok kaya mapagkakatiwalaan siya sa mga away.
James Drei Fernando- Tahimik lang siya e, pero magaling din sya sa bakbakan.
Robin Manuel Santos- feel ko siya pinaka-mabait sa lahat. Naging classmate ko kasi siya nung grade school.
Miguel Ken Valdez- si Mr. Hotie, yun lang.
Sila ang Golden 10. Yung mga binigay kong ugali nila sainyo, sa akin lang yun. Yung mga nakikita ko sakanila hehe.
"Sitdown, girls." Utos ni Jem samin na parang pagmamay-ari niya kami. Duh? As if.
Agad namang kumuha ng upuan si Arthur at inilagay sa sa tabi ng table.
"Jem, si Ivan?" Agad na tanong ni Pammy.
"Bumili siya ng foods para sa atin." Sagot ni Jake.
"Ano sinakyan niyo papunta dito?" Tanong ni you-know-who. Ugh, pati pangalan nya di ko na kayang bigkasin.
"Naglakad lang kami." Sagot ni Pammy.
Bahala siyang makipag-usap kay you- -know-who. 'Yang si you-know-who kasi parang reporter. Kung makatanong wagas.
"What?!" Sumimangot siya. "Next time sabihin nyo, di ko kasi alam na naglakad lang kayo. Masyadong mapahamak." Sabi nya.
Eh? As if he cares. We can handle ourselves. 18 na kami ni Pammy, hindi na kami bata para magpa-hatid sundo. Gigil na ako, kumukulo dugo ko sakanya.
"Osige, next time." Sagot ni Pammy.
"The food is here!!" Napatingin namin kami sa gawi palabas, nakita ko sila Ivan na papalapit samin.
5 boxes of pizza, burgers, softdrinks, fries. Nananadya ba sila? Favorite ko itong mga to. But no, wag mong ilabas ang katakawan mo, Ally. Wag dito.
"Hi babe!" Bati ni Pammy kay Ivan sabay kiss sa cheeks. Eww, cringey.
"Beshie, tabi lang ako kay Ivan ah." Bulong sakin ni Pammy.
Isa pa ata tong nanandya? Ibig sabihin makakatabi ko si you-know- who. Pero syempre, chill lang ako. Di ako pwedeng magpa-halata na umuusok na ilong ko dahil sakanya.
"Hey, Miss Morales. Sana naman kumain kana ngayon, pinabili ko yan." Bulong niya sakin. I don't even know why he calls me by my surname. So weird, ginawa niya akong Principal.
Shit, lahat ng fav ko nandyan. T.T
"Let's Eat!" Sabi ni Miguel na may dala-dalang plato.
Kumuha na sila ng pizza while ako naka-upo lang. Pabebe noh? Pero ayoko talagang kumain kasama sila.
Nilagay naman ni you-know-who sa tapat ko ang isang slice ng cheese pizza, burger, fries at coke. "Kainin mo yan kung hindi, hindi ka makakauwi."
"Thanks." Mahina kong sagot dahil wala na akong choice. He insisted and he even threatened me! Totoo ba yung nangyare? Natakot ako sakanya? Hinde hinde! Gutom lang ako kaya ganyan.
After naming kumain, as usual tahimik lang ako. Wala naman akong ibang makaka-usap kung hindi si Pammy kaso busy siya sa boyfriend niya.
"Buti naman kumain kana, Miss Morales." Nakangiting sabi ni you-know-who.
Why does he keep talking to me?!
"Napakapormal naman ng tawag mo sakin. Nakakailang." Reklamo ko sakanya.
"Bakit? May iba bang tumatawag sayo nun?" Sabi niya.
Yung feeling na, nakatingin siya sakin habang kinakausap ako pero ako iwas tingin.
"Wala." Matipid kong sagot, "Pam, I'm not feeling well. Gusto ko na umuwi."
"Really? Sige, tara na." Parang labag pa sa loob ni Pam pero dahil mahal niya ako, hindi niya ako natiis.
Nagpaalam na siya sa buong myembro habang ako nag-wave lang. Pero parang masakit talaga katawan ko, di ko alam bakit. Kanino nagsinungaling lang ako pero ngayon parang nagiging totoo na.
"Ako na maghahatid sainyo." Alok niya.
"Sure ka, boss? Ako nalang sana magd-drive." Suhestyon ni Arthur, tinignan ko naman siya at binigyan ng 'please, ikaw nalang maghatid' look.
"I insist, let's go." sabi niya.
Buong byahe di ako nagsasalita, di ko na din napansin na nandito na kami sa tapat ng bahay ni Pammy.
Shit, this is so awkward. Kami lang nyan dalawa sa byahe, para talagang nananadya eh.
"Bye, besh! Pagpaalam sakin ni Pammy at hinalikan niya ako sa pisngi. "Thanks, Jem!"
"Thank you din!" Ngumiti si Jem.
Bago pumasok sa pintuan si Pammy, nag-wave muna siya. Nag-smirk naman etong si you-know-who. Feel ko talaga sinasadya nila 'to!!
"Miss Morales, lipat ka dito sa harap. 'Wag mo kong gawing driver mo." Utos niya sakin.
At tingin nya utusan nya ako para sumunod sakanya? No.
"I'm okay here, di na ko lilipat."
"Just sit here, kung hindi, di ka na makakauwi." Masungit niyang sabi.
"'Yan nalang lagi 'yung panakot mo." Sabi ko at lumipat na sa harap.
Pagkarating namin sa bahay, bababa na sana ako. Pero syempre, magpapasalamat ako. Kahit papaano, he did a nice gesture.
"Thank you. Bye." Sabi ko at binuksan na ang pinto ng sasakyan.
"I'll hope na pupunta ka bukas, Aliyah." Sabi nya sakin. Tumango nalang ako at bumaba.
Did he really call me Aliyah? Wow! First time.