SPECIAL CHAPTER: LARYZ

850 Words

Masarap sa pakiramdam ‘yong tuluyan ka nang nakalaya sa nakaraan. Masakit mang isipin na matapos ang lahat ng sakripisyo namin noon ay mauuwi lang pala sa wala. Gayunman, hindi ‘yon naging hadlang para hindi ako lumigaya. Masaya ako. Masaya akong nakikita ang babaeng noon ay pinapangarap ko lamang na ngayon ay hawak na ng iba. Maayos na sana ang lahat. Nakahanda na rin ako. Ang kaso lang… nagloko ako. Hindi ko naman sinasadya. Oo, kasalanan ko. Pero kapag nagmamahal tayo, hindi natin maiiwasang magkagusto rin sa iba habang hawak pa ng minamahal natin ang ating mga kamay. Mahigpit. Iyong tipong hindi na tayo makakawala. “Hon, ang sweet nila, ‘no?” bulong sa akin ni Mandy, asawa ko. Nakangiti siya ngayon habang nanonood sa kasal ng best friend—s***h—ex-girlfriend ko. Ang saya nga ni

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD