"Alissa!" Narinig kong sigaw niya sa kabila ng malakas na musika. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad. Kaso masiyado siyang mabilis kaya naabutan niya agad ako. Hinawakan niya ang kamay ko na agad ko namang iwinaksi. "Alissa, wait." Hinawakan niya ang braso ko at puwersahan akong pinaharap sa kaniya. Sinamaan ko siya ng tingin bago iwinaksi ang kamay niya sa braso ko. "Don't touch me!" Nagmamakaawang tumingin siya sa akin. "Let me explain first please." Hindi ako nagsalita at hinintay lamang ang sasabihin niya. "I was drunk-" "I am done." I turned my back. "Wait. Listen to me and let me finish it first. Don't leave me," nanghihina ang boses na pakiusap niya. "I will not leave you, I am just disgusted. At bakit ba takot na takot ka na iwanan kita? Kung kanina lan

