TRIGGER WARNING: May contain inappropriate scenes which may cause distress and discomfort. You can skip this part if you're feeling uncomfortable because this may trigger your mental health. Malalim ang isip ko habang umiinom nang biglang may tumabi sa akin. Tiningnan ko ang katabi at nakitang lalaki ito. Nakangisi ito habang nakapalumbabang nakatingin sa akin. "I'm Bryan," pakilala nito bago naglahad ng kamay na hindi ko tinanggap. Hindi ko siya pinansin. Nagpatuloy ako sa pag-inom. "Ang sungit naman." Umirap lang ako. "What do you need?" nakataas ang kilay na tanong ko. "Wala, I just need your accompany. Ang lungkot kasing uminom nang mag-isa," aniya. "Okay." Tahimik kaming umiinom. Panay ang abot nito ng alak sa akin na tinanggap ko naman. Libre eh, tatanggi ba naman ako gayo'

