"What do you want to watch?" tanong niya sa akin habang abala sa pag-set up ng TV. Nang maayos ay kinuha niya ang remote at naghanap ng mga movies na magandang panoorin. "Kahit ano," sabi ko. Tumango naman siya at pinili ang isang hindi pamilyar na movie. Hollywood movie ito at mga amerikano ang mga bida. Noong una ay akala ko boring kaya medyo wala akong gana na manood pero hindi katagalan ay nakuha nito ang atensyon ko. Tungkol ito sa bidang babae na pumunta sa bar upang maglasing dahil iniwan siya ng kaniyang dapat sana na mapapangasawa. Nagkakilala sila ng lalaki at may nangyari sa kanila. Kinaumagahan ay iniwan siya ng babae at umalis. Limang taon ang lumipas ay nagkita ulit sila, this time may anak na ang babae. Ang hindi alam ng lalaki ay may anak siya sa bidang babae. Naging kat

