CATHLYN Lumipas ang mga araw at hindi nga ganoon kadalas kaming magkita ni Sir Ezekiel sa shop. Tumatawag o nag te-text na lang siya kapag may importante itong dapat na sabihin sa akin. Hindi ko alam kung dapat ko ba itong ikatuwa dahil kahit papaano ay hindi nahihirapan ang puso ko sa tuwing nakikita ko siya ng madalas. Hinahayaan niya rin akong magdecide sa ilang bagay tungkol sa shop na hindi niya ako personal na kinakausap, may tiwala daw siya sa akin na kaya kong imanage ang business na tinayo naming dalawa. Sa kabilang banda, dapat din akong malungkot dahil parang iniiwasan niya akong makasama at makita na para bang kasalanan ang kausapin niya ako ng harapan. Unti-unti ay natutunan ko na an buhay sa shop na hindi ko kailangan tanungin ang sarili ko kung ano talaga ang magpapasay

