Chapter 3

1132 Words
Mag-isang umuwi si Cathlyn ng araw na iyon at biglan sinundo si Maxine ni Jefferson. Ang pinsan ni Ezekiel at ng dalawa pa nitong mga kapatid. "Ikaw naman ang naiwan Cathlyn, ang suwerte mo talaga." Kausap nito sa sarili ng biglang tumunog ang cellphone nito at biglang rehistro ang number ng boss nitong si Ezekiel. Bago buksan ni Cathlyn ang laman ng text na galing kay Ezekiel ay hinawakan muna nito ang kaliwang parte ng dibdib nito at dinama ang lakas ng kabang nararamdaman nito pagkakita pa lang sa pangalan ng amo nito na bigla-biglang nagtetext. Ibinigay nito ang personal number kay Cathlyn ng minsan nitong kinausap ng personal ang dalaga. Nang buksan ni Cathlyn ang text ay nagulat pa ito sa nabasang laman nito. Boss Ezekeil Hintayin mo ako, sabay tayong umuwi. Bakit bigla na ganoon ang text nito sa kanya? Parang may mali. At hinintay nga ni Cathlyn ang boss nito na lumabas mula sa office. Madadaanan naman ang cubicle niya kapag lumabas ang amo ito ng oposina nito kaya hindi niya ito maaring hindi makita kapag papalabas na ito. Nang makita niyang papalabas na ang kanyang boss ay bigla naman ang pagsipa ng kaba sa dibdib niya. Kakaiba talaga ang nararamdaman niya makita pa lang niya ang anino nito. Nakakaba! Ilang segundo pa ay nasa harapan na niya ito. With his fitted khaki pants and partner with light blue long sleeve...mapapatingin ka talaga dito plus the hunk appeal na taglay nito. Hawak nito sa isang kamay ang susi ng kotse nito habang ang isa namang kamay nito ay nakapamulsa sa pantalon nito. Para lang itong modelo na naglalakad papalapit sa kanya. "Hey..," untag sa kanya ni Ezekiel. "S-sir..." "Pasensiya ka na if you waited a little longer, tinapos ko lang ang mga kailangan kong pirmahan." "Ah, okay lang po Sir." Agap niyang sagot dito at saka niya kinapa ang bag niya na nasa ibabaw ng kanyang table. "May kailangan po ba kayo sa akin Sir?" "Yes, can we talk in some other place?" saglit na nag-isip si Cathlyn kung 'oo' ba siya o hindi sa paanyaya ng kanyang boss. Pero isa lang ang siguro, hindi siya puwedeng tumanggi dito lalo na at may pabor siyang hiningi dito. "O-opo Sir. Saan po na tayo mag-uusap? Susunod na lang po ako Sir, may dala naman po akong kotse." "Sa akin ka na sumabay, ipapahatid ko na lang ang kotse mo sa bahay nyo." Muli siyang nagulat sa sinabi ni Ezekiel at napatitig dito. "S-sige po." Bantulot niyang sagot dito. "Where's your key?" Hiningi nito ang susi ng kotse niya para maipauwi daw sa bahay nila. Ni hindi na nga nito hiningi pa ang address niya na ipinagtaka naman niya ng lubos. "Let's go?" tanong nito sa kanya ng sa wakas ay maibilin na nito sa guwarya ng building na kapag dumating ang personal driver nito ay ihatid na lang kotse niya sa kanilang bahay. Ipinag bukas pa siya ni Ezekiel ng pinto ng kotse nito at wala na siyang nagawa kung hindi ang tuluyang sumunod sa utos nito. Tahimik lang sila habang nasa biyahe at hindi pa naman sila lumalayo sa ka Maynilaan base sa daang kanilang tinatahak. Minsan-minsan ay nililingon niya ito habang nagmamaneho pero tutok lang mga mata nito sa daan. Ni wala itong pinahiwatig sa kung saan ang kanilang pag-uusapan until... "Cath---" tawag sana nito sa pangalan ko kasabay ng pag ring ng cellphone ko. Napatingin muna ako sa gawi niya saka ko tiningnan kung sino ang tumatawag sa cellphone ko.Si Anthony! Nag-alangan siya kung sasagutin ba niya ang tawag nito samantalang may sasabihin ata ang amo niya sa kanya. Kaya muli siyang napatingin dito. "Go ahead. Sagutin mo muna ang tumatawag sayo," bigay permiso nito sa kanya. Nahihiya niyang pinindot ang accept button ng cp niya at ilang segundo nga ay narinig na niyang nagsasalita si Anthony. "Baby, where are you?" tanong nito sa kanya agad. "A-h, pauwi na." Pagsisinungaling niya dito. Sa totoo lang ay palagi niyang iniiwasan kung maari si Anthony dahil alam niyang hindi ito naiiba sa kariniwang lalake na gusto ay may kasamang s*x sa isang relasyon, na hindi naman niya ginawa kahit kailan. Madalas pa siyang pinagbibintangan ng mga magulang niya na baka wala na raw ang puri niyang iniingatan dahil sa pakiki boyfriend niya na wala namang katotohanan. Kung alam lang ng mga ito na kaya niya nagagawa ang bagay na iyon ay dahil gusto niyang galitin lang ang mga ito dahil sa mga pangingielam na ginagawa ng mga ito sa kanyang buhay. Saglit kong nilingon si Sir Ezekeil sa driver's seat. Doon ko nakita ang pagkunot ng noo nito hababg nakahawak sa manubela ang isa nitong kamay at ang isa ay nakatungkod sa edge ng binata. Parang galit at naiinis ito. Napatingin si Ezekiel sa gawing bintana ng kanyang kotse to avoid the unwanted feelings na bigla niyang naramdaman ng makita niya si Cathlyn na kausap sa cellphone nito ang boyfriend nito. That jerk! Napaismid siya pagkatapos at wala siyang pakielam kung makita siya ni Cathlyn sa ganung reaksyon niya. "Tawagan na lang kita baby kung saan tayo mag celebrate." Narinig niyang sagot ni Cathlyn sa boyfriend nito na lalong nagpainis sa kanya. "Okay bye." Huli nitong sabi sa kausap. Napindot pa niya ng malakas ang busina ng kanyang kotse sa nakatabi namang motorista dahil sa inis na biglang sumibol sa puso niya. Halos mapapitlag siya ng biglang bumusina ng pagka lakas si Ezekeil na kung tutuusin ay hindi naman dapat nito ginawa. Nakatabi naman ang motoristang kasabayan nilang dumadaan sa kahabaan ng Edsa. Ano ba ang problema ng lalakeng ito at bigla ay nag-iba ang mood? Hindi na niya nakausap ng maayos si Anthony at sinabi na lang niyang nagmamaneho siya kaya tatawagan na lang niya ito kung saan sila magcecelebrate ng birthday niya. "Is that your boyfriend?" walang ano-ano ay tanong niya kay Cathlyn. Para siyang nakalubog sa mainit na tubig ng mga oras na iyon na hindi niya akalaing mararamdaman niya dahil lang sa simple niyang pagkarinig ng pag-uusap ni Cathlyn at ng boyfriend nito. Nakita kong tumango si Cathlyn at nahigpit ang hawak ko sa manubela na parang gusto ko itong palipitin sa galit. Nakakaba naman ang nangyayari sa kanila ni Ezekiel sa loob ng kotse nito. Parang gusto na ata nitong manuntok ng mga oras na iyon base sa hitsura nito. Wala siyang idea kung bakit ganun bigla ang naging mood nito samantalang kinausap lang naman niya si Anthony sa cellphone. Hindi na lang niya ito tiningnan o sinulyapan man lang at baka sa kanya pa nito maibuhos ang galit nito. At muli ay muntik na siyang mapatili ng minsan pa ay bigla itong bumusina ng wala sa oras at halos maangat siya sa kinauupuan niya sa lakas ng ginawa nitong pag busina. Hay susme!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD