Chapter Nine: Celestine

2957 Words

PAGKABABA KO ng sasakyan ni Mr. Zachary ay namataan ko na agad ang team ko na bihis na bihis na akala mo ay hindi trabaho ang ipupunta namin sa Ilocos. Nakita nila ako.at kinawayan kaya gano'n din ang ginawa ko bago ako muling bumaling kay Mr. Zachary na nilabas na ang maleta namin pareho at binigay naman niya ang susi ng kotse sa isang lalaki na naka-suit na hindi ko alam na nakatayo pala sa tabi ko. "Thanks.." kinuha ko ang maleta at back pack ko sa kanya. "Nakaka-excite!" bungad ni Raquel ng makalapit ako. "Trabaho ipupunta natin doon, Quel." paalala ko. Nginiwian niya ako, "Basag trip ka talaga, Tin-Tin!" "Oy, Boss!" bati nila kay Mr. Zachary na nasa likod ko. "Hey, Guys!" bati niya pabalik, "Let's go inside.." aya niya. Naglakad na kami papuntang entrance ng NAIA Terminal 3.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD