JEMA:
jems ang papi nung body guards mo ha...daldal ni jho,,kalalabas namin ng operating room..jho maraguinot best friend ko,,nagtataka nga ako kung bakit gusto ni fhen iwasan ko siya,,pero hindi ko gagawin yun,,labas kame ni jho sa mga away nang mga girlfriend namin, yes may girlfriend din siya at bigatin pa isang congresswoman ba naman eh diba,,ewan ko ba iisang lugar lang si fhen at bie hindi pa sila magkasundo,,mayora si fhen sa lugar kung saan congresswoman naman si bie,,hays minsan nga lagi namin pinagtatalunan ni fhen yan,,at lagi ko din sinasabi wag na wag nyang idamay yung pagkakaibigan namin ni jho kung anuman problema nila ni bie,,dahil si jho wala din siyang pakialam sa away nila ni fhen,,
anong papi dun eh mukhang walang pakialam sa mundo,,ni hindi nga yata marunong ngumiti yung mokong na yun...pagtataray ko pero tumawa lang tong kaibigan kong baliw...
so pag ngumiti ba siya papi na sa paningin mo..nakangising sabi niya kaya tinaasan ko siya nang kilay..
hoy bruha ka tigilan mo ako ha,,taas kilay na sabi ko pero lalo lang siyang tumawa..
hahaha pikon ka talaga,,teka pano mo ba nakilala si deans,,deans tama ba?tanong niya tumango naman ako...
niligtas niya kame ni fhen nung isang araw..kiniwento ko lahat sakanya nung nangyari at kung pano kame tinulungan ni deans,,kaya tong bruha manghang mangha...
wow ha batman ikaw ba yan,,charr pwede akin ka nalang..maarteng sabi niya kaya nailing nalang ako,,at gusto kong humagalpak ng tawa ng biglang may magsalita sa likod namin haha..
sino yung sayo nalang love..seryosong tanong niya kaya biglang namutla tong kaibigan kong lumalandi hahah,,ano ka ngayon...
wala love inaasar ko lang tong bestfriend ko,,alam mo ba ang papi nung body guards niya..ngising sabi ni jho kay bie,,kaya yung isa napanguso nalang,,haha parang hindi congresswoman ah...
so may mas papi na pala sakin sa paningin mo..ngusong sabi niya kaya biglang napahagalpak si jho,,sira ulo talaga to,,pero ito yung gusto ko sa dalawang to nagagawa nilang magbiruan ng mga ganyang bagay,,ang sarap nilang panuoring mag harutan haha,,samen ni fhen hindi pwede yang ganyang,,laging seryosong usapan kaya pati yata ako seryoso na din sa buhay,,gusto kasi niya laging perfect naiintindihan ko naman siya kasi dapat nga naman maging model siya sa lahat bilang mayor diba..
bie,,bruha dun na kayo magharutan sa office mo hahah,,bye na..paalam ko nung makatapat ako sa office ko,,nagugutom na ako lunch na din,,
hoy pakita mo muna kay bie yung batman ng buhay mo..nakangising sabi ni jho,,kaya tumingin ako kay bie..
maybe next time nalang love,,saglit lang ako dito eh gusto lang kitang sabayang maglunch...malambing na sabi ni bie kaya namula yung bestfriend kung maharot...
sana all hahha..sana all nalang talaga haha,,kelan kaya magiging ganito kasweet si fhen,,hahaha asa kapa jemalyn seryosong masyado sa buhay yung jowawis mo,,pero ok lang mahal ko naman...
mas lalo naman ako nagutom nang may maamoy akong pagkain pagpasok ko ng office ko,,omg hindi ako pwedeng magkamali buffalo wings yun...
ma'am sorry po lumabas na ako para bumili nang lunch,,and hindi ko po alam kung kumain kaba nito..nagkakamot na kilay na sabi ni deans pagkatapos ituro yung mga pagkaing binili niya,,teka bakit andame foods is life din yata tong payatot na to...
ma'am ayaw niyo po ba nang pagkain ano pong gusto niyo bibili po ako nang iba..tarantang sabi niya nung kumunot yung nuo ko,,nanibago kasi ako sa kilos ng mokong na to,,hindi na masyadong seryoso sa mundo..
no no its fine,,ok na yan,,saka favorite ko yan..ngiting sabi ko kaya pati siya napangiti din,,s**t ang cute nga niya pag nakangiti,,tama si jho...hays erase erase jemalyn,,kung ano ano iniisip mo..
fuck..sorry for the words ma'am ...luuhh kasalanan ko na nga siya pa nagsorry ayos ah..
its ok kasalanan ko naman,,sorry hindi ko sinadya..saka tumayo para kumuha ng towel at extra tshirt sa drawer ko,,natapunan ko lang naman siya nang drinks,,hays lalamya lamya ka jemalyn,,,pero paglingon ko sakanya nakahubad na siya sports b*a lang yung suot niya dahil yung damit niya yung natapunan,,oh my god ang hot niya,,may abs at muscle,,
ma'am ok ka lang ba bakit ka namumula,,.pag aalalang tanong niya na nagpabalik sa ulirat ko,,syete ano bang nangyayari sakin..
aahhh eehhh oouu ok lang ako,,eto tshirt magbihis kana..bwesit naman talaga bakit kailangang mautal jemalyn,,gggrr nakakahiya ka..
bakit ma'am pangit ba tong katawan ko..taas babang kilay na sabi niya kaya pakiramdam ko sobrang init na nang mukha ko,,letche naman talaga...kalma jemalyn...
ssorrryy ma'am eto na po magbibihis na..tarantang sabi niya nung kumunot ang nuo ko at tinaasan siya nang kilay,,nakahinga naman ako nang maluwag nang isuot na niya yung damit na inabot ko,,buti nalang baka ikaw pa yung makain ko hindi yung bufallo wings charrr hahhaa