Kinabukasan, alas-sais pa lang ng umaga, gising na gising na ako.
Hindi dahil kailangan, kundi dahil sobrang hindi ako makatulog.
Imagine?! Si Cloe Reyes, fangirl since high school, ngayon ay ipapakilala na kay Choi Dong Gu — hindi bilang fan, kundi bilang...
...fake wife?!
Grabe. Kahit ilang ulit ko siyang sabihin sa sarili ko, parang hindi pa rin totoo.
Pero habang sinusuklay ko ang buhok ko sa harap ng salamin, at tinitingnan ang mukha kong sinusubukang itago ang kilig, unti-unting lumalalim ang iniisip ko.
Ano bang klaseng tao si Dong Gu sa personal?
Bakit parang may hindi sinasabi si Auntie kahapon? Bakit ganun ang tingin nila sa akin na parang... "good luck, girl"?
May mga sinabi pa si Mimi bago kami naghiwalay kagabi:
“Hindi raw madaling makuha ang tiwala nun.”
“Maging matatag ka, Cloe.”
“Minsan, tahimik siya. Pero minsan... mabagsik.”
Hindi ko alam kung ini-intimidate nila ako o sadyang totoo lang ang lahat. Pero isa lang ang sigurado:
Kahit mahirap pa siyang paibigin... susubukan ko.
Kahit pa hindi totoo ang kasal na ‘to... totoo ang nararamdaman ko.
---
Dumating ang gabi at dumagsa ang tao sa bar. Hindi ito katulad ng usual na gig nights namin. Mas tahimik, mas exclusive. Ang daming pamilyar na mukha sa showbiz, pero may ibang vibe. Parang lahat sila, may alam na hindi ko alam.
Sabi ni Mimi, darating daw siya with Auntie.
Siya. Si Dong Gu.
---
“Ayan na sila!”
Paglingon ko, nakita ko agad si Auntie. Classy as ever. Kasama ang isang lalaking naka-black hoodie at face mask.
Kahit nakatakip ang mukha, alam ko agad.
Siya ‘yon.
Lumapit sila, tahimik lang si Dong Gu, pero bakas sa lakad niya ang inis o pagod — hindi ko sigurado.
Naupo siya agad sa isang table at parang ayaw makihalubilo. Tiningnan niya ang paligid, tapos hinila ang upuan na para bang gusto niyang matapos agad ang gabing ‘to.
“Nasaan na ba si Cloe?” bulong ng isang babae sa likod ni Auntie.
“Nako, baka umatras na.”
May ibang tumawa, may iba naman na halatang kinakabahan.
Narinig ko ‘yon habang papalapit ako sa stage. Dahan-dahan akong bumaba sa hagdan sa gilid, pero...
Pak!
Literal akong nadapa.
As in, bumagsak ako sa harap ng lahat.
Lumingon ako sa paligid at lahat sila, napatigil. As in, lahat.
Saan ba may pwedeng paglubugan?
Tumayo agad ako, pinilit ngumiti, sabay kamot sa ulo.
“Okay lang ako! Tanga lang talaga ako minsan!”
May sumigaw ng “Are you okay?” at may tumulong sa akin. Pero hindi ko na narinig masyado, dahil...
...NAGKATINGINAN KAMI.
Ako. At siya.
Si Dong Gu.
Ser-yoso. Nakatingin siya sa’kin. At hindi lang basta tingin. Parang... masama ang loob niya?
“Tsk. Tama, tanga ka nga,” rinig kong bulong niya, sabay ngisi.
Napalingon ang lahat. May ilan na natawa, may ilan na napailing. Ako? Na-freeze.
Pero kahit tinawag niya akong “tanga”...
Kinikilig pa rin ako.
Ang boses niya. Ang mata niya. Yung paraan ng pagsabi niya. Kahit sarcastic, kahit suplado...
At least alam niyang nandito ako.
Alam niya nang may Cloe Reyes na nag-e-exist sa mundo niya.
---
Umakyat ako sa stage, pero bago pa ako makasali sa mga kasama ko, tinawag ako ni Auntie. Lumapit ako, at pinakilala niya ako.
“Anak, siya si Cloe,” sabi ni Auntie kay Dong Gu.
Tinignan niya ako saglit at doon ko napansin. Parang ang lungkot lungkot ng mahal ko.
Hindi ko alam ang dahilan pero parang kalalim ng dahilan.
Parang hindi lang dahil ayaw niya sa akin. Parang may iba pa.
“Hi, Cloe,” sabi ko, sabay lahad ng kamay.
“Di ko tinatanong,” sagot niya. Hindi man lang tumingin.
Pero kahit ganun, nginitian ko pa rin siya.
Hindi ko alam kung anong klaseng trip ‘to, pero ang weird, gusto kong malaman kung bakit ganun siya.
Nagpakilala ako. Sinabi kong fan niya ako. Tiningnan niya ako — blanko ang mukha.
“Fan? O stalker?”
Nagulat ako, pero tumawa pa rin. “Fan. Na may konting pagka-dedicated.”
Pinakita ko ang phone ko. Mga litrato niya, videos, articles, years' worth of collection.
Lahat sila tawa ng tawa. Siya? Mas lalong tahimik.
---
“Pwede bang magpapicture tayo?” tanong ko, pilit pa rin ang ngiti.
“Bigay mo phone mo,” sagot niya, tuyo ang boses.
Akala ko selfie... pero pinicturan niya lang ako. Mag-isa.
“Oh, ayan na.”
“Dong Gu,” sigaw ni Auntie, halatang may warning na ang tono.
Napabuntong hininga siya. Tinanggap ang cellphone at pinayagan akong umupo sa tabi niya. Si Yoona pa ang kumuha ng picture namin.
Habang ngumingiti ako sa camera, naramdaman ko na lumayo ng konti si Dong Gu.
Pero okay lang.
Kahit gano’n siya ka-suplado…
Masaya ako.
At habang tinitingnan ko ang picture naming dalawa, na halos hindi siya ngumiti at ako lang ang tuwang-tuwa...
Na-realize ko.
Kahit mukhang malayo pa rin kami sa isa't isa. Atleast may progress na ang pangarap ko.