Hi! I’m Cloe Reyes, 24 years old, and still proudly a certified fangirl ni Choi Dong Gu.
Yes, you read that right. Ilang taon na akong naninirahan dito sa South Korea. Natupad ko na ang isa sa pinakamalaking pangarap ko—makarating dito sa lupang sinilangan ni Idol! Pero kahit ilang taon na ‘kong nandito… wala pa rin. Hindi ko pa rin siya nakikita, ni anino niya, wala!
No concerts.
No TV guestings.
No magazine covers.
Walang-wala simula nung lumabas ‘yung balita—three years ago.
Pero ako? Hindi ako naniniwala. Hindi ko kayang paniwalaan na basta na lang siyang nawala. May tiwala ako sa kanya. Mawala na ang lahat ng fans niya, huwag lang ako.
At kahit buong Korea pa ang ikutin ko, hahanapin ko siya. Determinado ako. Wala na akong magagawa… mahal ko eh.
At habang hinahanap ko si Dong Gu, buhay pa rin ako rito—at surprisingly, naging leader pa ako ng banda na ang pangalan ay… wait for it…
"The Stupid."
Yep. You heard it right. The Stupid.
Yan kasi ‘yung pinangalan ng ex-boyfriend ko na ngayon ay kuya na lang ang tawag ko. Cringe? Slight.
Siya dati ang leader ng banda. Pero nung nag-asawa na siya, ako ang ipinalit.
FLASHBACK
“Cloe…” Binasag ni Vernon ang katahimikan habang pareho kaming nakaupo sa rooftop.
“Ano ka ba, huwag kang malungkot.” Pilit kong ngiti habang tinatakpan ang bigat sa dibdib.
“Pero alam mo,” bulong niya, “pwede namang hayaan ko na lang sila… Umalis na lang tayo sa magulong mundong ‘to.”
Nakita ko ang mga luha sa mata niya. Ramdam ko ang sakit.
“Vernon… gusto rin kitang sarilihin. Gusto kitang ipaglaban. Pero…” Napahinto ako. Pinilit kong pigilan ang luha ko. “…pamilya mo ‘yon. Kailangan ka nila. Hindi ko kayang hayaan mong talikuran sila para lang sa’kin.”
“Pero mahal na mahal kita.” Hinawakan niya ang kamay ko. “Kung ang kapalit ng hinihingi nila ay ikaw… hindi ko yata kaya. Cloe, hindi kita kayang iwan at magpakasal sa iba.”
“Alam ko. Ramdam ko. Pero Vernon… hindi ko rin kayang masira ang kumpanya n’yo dahil lang ako ang pinili mo. Sila Lolo… lahat ng ninuno n’yo na nagpakahirap para sa negosyo n’yo—ayokong maging dahilan ng pagbagsak niyon. Pasensya na.”
Dahan-dahan kong binitiwan ang kamay niya.
END OF FLASHBACK
Masakit man, alam kong tama ang naging desisyon ko. Pero hindi naman natapos doon ang kwento namin. Naging maayos kami. Actually, sobrang ayos.
Naging close ako sa pamilya ni Vernon. Parang tunay na anak ang turing sa akin ng mga magulang niya. At dahil sa kanila, naging bilyonarya ako. No kidding.
Bakit? Dahil sa simpleng hilig kong mag-drawing ng jewelry designs.
One time, nahuli ako ni Lolo (lolo ni Vernon) na nagdo-drawing sa notebook ko. Tiningnan niya lahat ng sketches ko—at sa halip na pagalitan ako, tinanong niya kung gusto kong magtrabaho sa jewelry business nila.
Fast forward… ginawa niya akong head designer. Tapos, dahil nakitaan daw niya ako ng leadership skills, in-assign din niya akong maging CEO ng isang naluluging hotel business nila—Super Hotel. And guess what? Napalago ko ‘yon.
Ngayon, malaki na ang kinikita ng kumpanya. May respeto sila sa’kin. Lahat ng sikreto ng pamilya nila… alam ko.
May mga sikreto pa nga silang tinuro sa akin—secrets na hindi ko pa rin kayang ipaliwanag hanggang ngayon.
---
“Uy, Cloe!”
Nabitin ang pag-iisip ko. Lumingon ako. Si Mimi, kasama ko sa banda, papalapit habang bitbit si Nicole na hingal na hingal.
“Bakit?” tanong ko habang inaayos ang strap ng gitara ko.
“Cloe, matutuwa ka!” Puno ng excitement si Nicole, halos hindi mapakali.
“Ha? Ano na naman ‘yan? Binibitin n’yo pa ako!” Napakunot noo ako. Pero ramdam ko na may malaking chika ‘to.
“Si Choi Dong Gu!”
“WHAT?!” Bigla akong napatayo. Nanlaki ang mga mata ko. Muntik ko na mabitawan ang gitara.
“Bakit, anong tungkol sa kanya?!” Tumibok nang sobrang bilis ang puso ko. Literal. Akala ko hihimatayin ako.
“Pumupunta daw siya dito. Sa bar. Minsan lang. Kapag walang tao.”
“Kasama raw ng pamangkin ni Uncle!” dagdag ni Mimi habang pumapalakpak sa tuwa.
Napatalon ako sa sobrang kilig. Siya? Dito?! As in dito sa mismong bar na tinutugtugan namin?
Diyos ko, eto na ba ‘yon? Eto na ba ang fulfillment of my fangirl dreams?!
By the way, si Uncle ang may-ari ng bar na ‘to—hindi siya ‘yung tipikal na magulong bar. May stage, may live band (kami ‘yon), at halos mga estudyante lang ang customers. Minsan nga feeling namin concert na kasi ang daming fans ni Vernon noon. Kaya nakilala rin ang banda namin sa iba’t ibang lugar.
At ‘yung sinasabing pamangkin ni Uncle? Isa rin siyang artista. Madalas niyang dalhin ang mga celebrity friends niya rito kapag sarado na ang bar—para safe from fans and paparazzi.
Pero kung madalas palang nandito si Dong Gu… BAKIT HINDI KO ALAM?!
Bakit hindi sinabi ni Uncle?!
Bakit wala man lang clue?!
Ngayon pa ba ako susuko? No way.
Ngayon ko mas lalong kailangang handa ako. Kasi kung totoo man ‘to…
Baka sa susunod na gig… siya na ang nakatayo sa harap ko.