"Oh Zander, tinanghali ka yata ngayon.."
"Tinanghali po ng gising Kuya, saka Xander po hindi Zander!"
Napakamot naman sa malapad niyang noo si Kuya Bert, ang guard na naka-assign sa main gate ng XYZ University.
"Pareho lang naman 'yun.." hirit pa nito. "Bilisan mo na baka malate ka pa sa klase mo."
Tinanguan ko lang naman siya at binagtas ko na ang daan patungong parking lot.
Simula ng makausap ko si Blake, I started to make my move. Every morning, pumupunta ako sa XYZ University at nag-iiwan ng note, Chuckie at isang pack ng Mini Boy, pambatang tinapay na bagong kinahihiligan ni Rish, sa locker niya. Pero dahil tinanghali ako ngayon, sa kotse ko na lang iiwan o kay Kuya Larry.
"K-Kuya Larry." hinihingal ko pang bati nang makita ko siyang nakikipag-usap sa kapwa niya driver.
"Boss Xander.." balik-bati nito na bahagya pang yumuko. "Okay lang kayo? Medyo namumutla ka."
Itinaas ko naman ang isa kong kamay saka nag-okay sign sa kanya.
"Nasa klase na po si Rish?"
May itinuro naman ito kaya't sinundan ko ng tingin.I saw Rish with a guy, they're probably talking about serious matter dahil pareho silang nakakunot habang tila nagsasagutan.
"Si Vincent from Education Department." Kuya Larry inquired.
Tinanguan ko lang naman siya at saka inabot ang mga dala ko.
"Pakibigay na lang Kuya.."
"Hindi mo na ba siya kakausapin, pwede ko naman siyang tawagin."
Umiling ako at ngumiti.
"Male-late na po kasi ako. And she's kinda busy. " I answered at muling sinulyapan ang kinaroroonan ni Rish.
After that night, I promised to myself na hindi na 'yun mauulit. Hindi ko na ulit pagseselosan ang kahit na sinong lalaki.
I will trust Rish.
When she told me those words at ng ipinagkatiwala niya sa'kin ang last dance niya, feeling ko that's her way of giving me that assurance. Assurance na ako lang.
"Valdez, ten more rounds!" malakas na sigaw ni captain habang umiinom ng malamig na softdrinks. "What happened to you, akala ko si Guzman lang ang pasaway sa team, tsk!"
Hinihingal man, muli kong ipinagpatuloy ang pagtakbo sa malawak na soccer field.
It's my punishment for being late again, captain's right, mukhang nagiging pasaway na rin ako.
I'm sleeping late. I was determined to win Rish's heart that's why I asked my father for assistance. I want to have an idea about our business, kaya naman through e-mail binibigyan niya ako ng overview, pointers and inputs.
Rish was involved in business world at para sa kanya, I'm willing to be part of that world too.
"I'm so disappointed, isa ka pa naman sa pinakamagaling na player na nakilala ko pero sinasayang mo ang talento mo." panimula ni coach habang inaabutan ako ng tubig. "Ilang beses ka ng nale-late, sa practice naman hindi ka rin masyadong mapakinabangan, what's going on Valdez?"
Nilagok ko muna ang tubig na binigay niya saka muling hinabol ang hininga. My body's aching, lalo na ang mga binti ko dahil sa ginawa kong pagtakbo.
"I'm sorry coach, bata pa lang po ako minahal ko na talaga ang basketball. May pinagkakaabalahan lang po ako this past few days kaya medyo nawawala ako sa focus."
Iiling-iling naman si coach na napatapik sa likod ko.
"Basta talaga babae.." bulong pa nito. "Hindi mo kailangang mamili Valdez, dahil sa puso mo hindi mo rin kayang bitiwan ang larong una mong minahal. I'm still counting on you.."
"Don’t tell me nag-skype din kayo ni Airish until dawn that's why tinanghali ka ng gising at nalate ka sa practice." napapitlag ako sa tinuran ni Blake habang naglalakad kami patungo sa susunod naming klase. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang sinabi ni coach. "Wala kang originality niyan pareng Xander!"
I glared at him.
"Walang Skype account si Rish.."
Tumango-tango naman ito.
"What’s the reason bakit parang sumusunod ka na sa yapak ng gwapong si ako?" muling hirit nito. "You really love basketball, kaya kahit kailan hindi ko naimagine na mangyayari 'to. Nawawala ka na sa tuwid na daan pareng Xander.."
I just shrugged.
"Busy lang talaga.."
I yawned. Kulang talaga ako sa tulog.
"Nahawa ka na rin sa pagiging busy ng girlfriend mong hilaw?!" Blake blurted.
"Hindi, basta. I'll be fine. Kaya ko 'to. I'm doing this for Rish."
Napakunot-noo na lang si Blake.
"Di ko gets."
"Efforts.." I simply answered at inunahan na siyang pumasok sa assigned room for our next class.