RISH'S POV
"Ay kalurkey kang bruha ka! Di kita kinekeri!" maarteng turan ni Vincent, matapos kong ikwento ang nangyari last night. "Okay na oh.. nakakakilig na. May yakapan eklavu na tapos sisirain mo dahil sa kaartehan mo! Ihhhh kainis!"
I glared at him pero inirapan niya lang ako.
"Umagang-umaga sinisira mo 'yung beauty ko!" pinaypayan pa nito ang mukha gamit ang dalawang kamay. "Bakit ba ako nagkaroon ng kaibigang tulad mo?! Gwapong fafa na nagpapakipot ka pa.. Arouch!" asik nito matapos kong sipain. "Tigilan mo nga 'yang kabrutalan mo, kakaturn off yan!"
"Tss.. bawasan mo nga 'yang kabaklaan mo baka may makarinig sa'yo, ikaw rin."
"Keber! It's too early pa kaya kitams solo natin 'tong field.."
Napatingin naman ako sa paligid at tama nga siya. Masyado pang maaga. Iilan pa lang ang mga estudyanteng pakalat-kalat.
Muli kong hinarap si Vincent as I started to check my notes.
"So, natapos mo na 'yung part mo? We need to submit our presentation later." I asked him.
Bigla niya namang inagaw ang notes na hawak ko.
"Hey! What do you think ---"
"Hep! Shattap okay?! I know, isang hamak na bakla lang ako na natagpuan mo isang gabi sa likod ng College of Engineering. Isang magandang bakla na tumatangis dahil iniwan ng syotang dinaig pa ang washing machine sa pagiging two-timer!" hinihingal na bulalas nito. "At alam ko rin na noong gabing 'yun.. ang simula ng pagiging magsisteret natin! I definitely know na wala pa sa .00045 % ng yaman niyo ang yaman ng aking lahi. Pero, datapwa't subalit.. aglfsvmkkfx! Pwe!" he glared at me at pinipigilan ko naman ang matawa. "The heck, why did you do that! Bakit mo 'ko pinapakain ng papel!"
"Ang daldal mo kasi.."
"Grabe! Nilalapastangan mo ang beauty ko! I'm just concern okay, concern ako sa lovelife mo!"
"Wala akong lovelife Vincent."
"It’s Venice!" maarteng sita nito. "Bakit mo nga ba sinabi kay fafa Xander 'yun? Binabasted mo na siya, ganern? Pero bet ko 'yung will you hug me forever na 'yun ha! Pak na pak!" may paghampas pang turan nito.
I sighed.
"I just felt guilty. He's doing his best to find time for me.. na pati pag-aaral niya naaapektuhan na. It was a wrong move, I don't deserve it."
"So, binabasted mo na nga siya?"
"I don't know.."
"Ay gaga.! Di mo rin naman gustong maggive up siya. Yaya Helen told me na you're crying when you came home last night. At akala mo naman papatok sa'kin ang rason mong puyat ka kaya namamaga 'yang mga mata mo!"
"Fine!" I snapped.
"Girl.. ano bang tumatakbo diyan sa utak mo maliban sa general knowledge at different terminologies.."
"Dunno. I just want to warned him na hindi magiging madali 'to. You know, mahirap akong mahalin, I'm kinda busy and it's my first time. I don't have an idea about this courting thingy."
"Hindi ka mahirap mahalin girl at sa tingin ko ikaw lang ang nagpapakumplikado ng lahat.." seryosong saad ni Vincent.
I frowned.
"What do you mean?"
"He’s not afraid to take the risk Kairish." napangiwi ako upon hearing his pet name for me. "Ikaw ang takot magtake ng risk, sinasabi mo na hindi mo deserve lahat ng ginagawa niya, but in fact, natatakot ka lang na hindi mo mapantayan 'yung efforts niya, right? Pero hindi naman 'to contest.. it must be teamwork.." he stared at me. "Natatakot ka bang masaktan?"
I’am not."
Tumango-tango naman siya.
"Punong-puno ka ng takot Kairish. Hindi mo rin maamin sa sarili mo na may nararamdaman ka na for him kaya pilit mo siyang inilalayo."
"A-ano ba 'yang sinasabi mo.."
"Kairish, wag mong pangunahan. Wag mo munang isipin ang possibilities at consequences ng magiging decision mo. Matuto kang sumugal. Happiness mo ang nakataya dito."
"Vincent.. "
"V-E-N-I-C-E.."
I rolled my eyes.
"Vincent, tapusin na natin 'to. May klase pa ko sa Accounting."
Bigla namang tumayo ang bakla at inihampas ang dalawang kamay sa table.
"Diyan ka magaling sisteret! Sa pag-iwas. Tsk tsk. You're acting na parang wala kang pakialam pero kabaliktaran naman. Tao ka Kairish, hindi ka encyclopedia. Hindi masamang mainlove, hindi masamang makaramdam ng kilig. Pero kailangan mong magpakatotoo. Ano yan kailangan pa bang magmissing in action na yang si fafa Xander bago mo marerealize 'yung worth niya? Harapin mo 'yang nararamdaman mo."
"Nararamdaman ko?"
He nodded with sparkling eyes.
"So, anong nararamdaman mo? Tama aketch, you love him na rin?"
"I’m.. The truth is.. I'm in---"
*dkhvsjmvxashjbcj*
"Letseng tiyan mo epal!"
I chuckled as I tapped my stomach.
"I'm hungry Vincent.. that's what I'm feeling right now.."