WARNING: CHAPTER CONTAINS TRIGGERING SCENE. READERS' DISCRETION IS STRONGLY ADVISED.
Chandria
I kept the pregnancy tests in my bag after breaking down a bit. Hindi ako magiging impokrita. We're too young to have a child, pero wala rin akong ibang pwedeng sisihin kun'di ang naging actions namin.
We had an unprotected s*x! Of course there's a probability that I'll get pregnant. May karapatan ba akong magsisi? Wala. Natatakot ba ako? Yes. Yes, I'm scared. I am so scared because I have no idea how to be a mom.
Wala akong role model maliban sa nanay, lola at mga tiyahin ni Khol. But the time I spent with them isn't enough yet for me to know how to play the momma role before my baby will be born.
Ihinilamos ko ang aking mga palad sa mukha. I know this might make or break my relationship with Khol. Pwedeng pumalpak din ako bilang ina dahil masyado pa akong bata. But there is no way I would rather abort the baby.
We may be young but we still had it out of love. Kailangan ko lang sigurong harapin ang consequences ng desisyon kong nagdala sa akin sa sitwasyong ito. After all, it wasn't my baby's fault. Ako ang may kasalanan. Ako ang dapat umisip ng paraan kung paano haharapin ito. Ganoon din si Khol. Kaming dalawa ang dapat mag-usap.
Hindi ko pa alam kung paano ko sasabihin kay Khol ang tungkol sa results pero hindi ko rin naman pwedeng patagalin kung sakali. We have to talk about it so we'd know which step to take next. Ayaw ko lamang na sa chat niya malaman kaya minabuti kong hintayin na lamang ang pagkikita namin bukas.
Nagbihis ako at umalis na ng hotel para pumunta kay Rona. Siguro maganda ring sabihin ko sa kanya para makahingi rin ako ng payo kung sakali. We're best friends. She should know, too right?
Lutang ang isip ko habang nasa byahe. Para bang nagsasabay-sabay ang takot at pag-aalala ko. Iniisip ko rin ang sasabihin ng mga magulang niya. What if Khol wouldn't be able to reach his dreams because of the baby?
Humugot ako ng hininga. No. Kung kailangang ako ang magsakripisyo, I will support him the way he supported and believed in me. Kailangan ko lang magtiwala na kahit ano pa man ang dumating, kakayanin namin basta magkasama kami.
Dinukot ko ang pera sa wallet at binayaran ang taxi driver matapos akong maibaba sa harap ng tahanan nina Rona. Ngunit pagkasara ko pa lamang ng pinto ng taxi ay humabol na si Rona at pinasasakay akong muli.
"Saan tayo pupunta?" nakakunot ang noo kong tanong.
Umiwas siya ng tingin. "S-Sa resthouse. D-Doon sa isang subdivision. N-Nag-aaway kasi sina Mommy at Daddy."
Tumango na lamang ako at sumama na. Her eyes were bloodshot anyway so I didn't suspect her to be lying. Kahit na parang iba ang naging pakiramdam ko noong halos ayaw niya akong tingnan. Napansin ko rin na para bang nanginginig ang mga palad niya kaya niya pinagsasalikop. Inisip ko na lamang na baka hindi pa siya sanay na nagtatalo ang mga magulang niya.
"Ano ang pinag-awayan nila?" tanong ko habang nasa byahe kami.
Lumunok siya. "M-May . . . babae raw si Daddy." She sniffed. "Nakikipaghiwalay na siya kay Mommy."
"Diyos ko. Eh, paano ka kapag naghiwalay sila? Saan ka raw titira?"
Basag siyang ngumiti. "B-Baka mag-solo na kung sakali. A-Ayaw ko kasi sa p-poder ni Lolo."
Nagsalubong ang mga kilay ko. "Akala ko . . . close kayo?"
Umiwas siya ng tingin at dali-daling nagpunas ng pisngi nang may lumandas na luha.
"S-Siguro hindi na lang ako sanay na m-makasama si Lolo sa iisang bubong k-kasi dalaga na ako."
Bigla akong kinabahan. "Rona? May . . . hindi ka ba masabi sa mga magulang mo? May . . . nangyari ba?"
Mabilis siyang umiling. "Wala. A-Ayos lang ako. N-Nasasaktan lang ako sa d-desisyon ng parents ko."
Parang hindi ako kumbinsido. May kung ano sa paraan kung paano niya ikinuyom ang mga kamao niya. It was like she's so furious deep down inside but her outer shell isn't allowed to express whatever she truly feels. Nagbago tuloy ang isip ko. Hindi ko na muna ipaaalam sa kanya ang tungkol sa pagbubuntis ko.
Narating namin ang sinasabi niyang resthouse. Nagbayad siya ng taxi at tila natutuliro akong tinawag para pumunta na sa main door. Hindi ko tuloy maiwasang pagmasdan siya habang nanginginig ang mga kamay niyang sinusian ang knob. Ilang beses pa niyang muntik mahulog ang susi dahil para bang kinakabahan.
"Ako na, Rona—"
"O-Okay lang, kaya ko." She cut me off then inserted the key and unlocked the door. Peke pa siyang ngumiti habang may takot sa mga mata. "P-Pasok ka."
Tumango ako't pumasok na sa loob. Sumunod naman siya at isinara ang pinto.
"U-Upo ka muna. M-Maghahanda lang ako ng m-miryenda."
Salubong ang mga kilay ko siyang sinundan ng tingin matapos marinig ang kanyang sinabi. Paano ay hindi man lang niya hinintay ang sagot ko. Basta na lamang siyang dumiretso sa kusina na para bang kinakabahan siya nang sobra. Napapaano ba iyon? Dapat na rin ba akong kabahan?
Biglang pumasok sa isip ko ang lolo niya ngunit nilabanan ko ang ideya. No. Rona will never trick me. Hindi naman niya ako ipapahamak, hindi ba? We're best friends.
Bumuntonghininga ako. Paranoid lang siguro ako dahil hanggang ngayon ay takot pa rin ako sa lolo niya. Baka iyong pagkakatulala niya nitong mga nakaraan, epekto lang ng paghihiwalay ng parents niya. She's used to a peaceful home. Kahit siguro ako ang nasa kalagayan niya ay magkakaganoon din ako kung biglang magbabago ang lahat. Isa pa, may point din siya kung bakit ayaw niyang tumira sa poder ng lolo niya. Malaki na siya at kaya na niyang manirahan mag-isa kung sakali. Hindi na magandang tingnang pipisan pa rin siya sa kamag-anak oras na tuluyang maghiwalay ang mga magulang niya.
I kept on gaslighting myself just because I had so much faith in Rona and in our friendship. Kampante ko ring ininom ang juice na bigay niya noong nakabalik kahit halos hindi na maipinta ang kanyang mukha. Namumula rin ang mga mata na para bang kagagaling lamang niya sa pag-iyak bago bumalik sa sala.
"Rona, kung gusto mong pag-usapan muna ang tungkol sa sitwasyon ng pamilya mo, ayos lang. Pwede namang gawin natin sa ibang araw 'yong project—"
Naputol ang aking sinasabi nang tila umikot ang paningin ko. Nabitiwan ko pa ang basong hawak ko dahil para bang hindi na normal ang pagkahilong naramdaman ko.
"R-Rona?" I called, nearly a whisper when I felt my dizziness getting worse. "R-Rona, n-nahihilo ako . . ."
I heard her sob. "I-I'm sorry . . ."
Bigla akong ginapangan ng matinding takot lalo na nang makarinig ng yapak papalapit sa aming pwesto. Kahit hirap na hirap akong makakita nang maayos dahil sa pagkahilo, pinilit kong tingnan ang direksyong pinanggagalingan ng mga yapak, ngunit nang makita ko kung sino ang lalakeng papalapit at may hawak na lubid, pakiramdam ko ay tuluyan akong tinakasan ng lakas.
No . . .
Ngumiti ang lolo ni Rona matapos akong hawakan sa aking panga. Gusto kong manlaban at sumigaw ngunit tila namanhid nang husto ang aking katawan. Ni ang ibuka ang bibig ko ay hindi ko na kaya. Tanging tahimik na pagluha na lamang ang nagagawa ko habang ang takot na mga mata ay nakatitig sa kanya.
"Hindi ba nasabi sa iyo ng iyong ina kung sino ako, Ria?" Ngumisi siya sa akin. "Ako ang taong tinarantado ng tatay mo at ang siyang pinagkakautangan ninyo ng malaking halaga."
Lalo akong nanlumo. Siya ang . . . nais pumatay sa nanay ko dahil hindi pa kayang bayaran ang kabuuang utang ni Papa?
My heart stopped beating. Did my mom sell me out because this man in front of me is going to kill her if she wouldn't use me as a payment? T-Totoo bang . . . may sakit ang nanay ko o . . . ayaw lang niyang mamatay dahil sa utang ni Papa?
"L-Lolo?" umiiyak na tawag ni Rona sa kanya.
Nilingon niya si Rona. "Pumasok ka sa dulong silid sa itaas at huwag lalabas hangga't hindi ko sinasabi."
Rona sobbed. Halatang nais niya akong tulungan ngunit mas pinangunahan siya ng takot kaya humakbang palapit sa hagdan habang luhaang nakatitig sa akin. Nang papanhik na siya ay muling nagsalita ang matandang lalake.
"Tandaan mo, Rona. Oras na may makaalam, sinisiguro kong matitikman mo ang galit ko, apo. Nagkakaintindihan ba tayo?"
Rona sobbed. "O-Opo."
I forced myself to speak. Kahit halos bulong na lamang ang kaya kong gawin.
"W-Wala po . . . akong k-kasalanan sa inyo . . ."
"Shhh . . ." He wiped my tears then smiled. "Wala kang kasalanan . . . pero ikaw ang ibinayad para sa napakalaki ninyong pagkakautang sa akin."
Muli akong humikbi. "P-Parang awa n'yo na po. Bunt—"
Hindi ko na natuloy ang aking sasabihin nang takpan niya ng palad ang aking bibig. My tears fell down my cheeks heavily as I tried to fight him when he started undoing the buttons of my blouse. Ngunit kahit anong gawin ko, masyado akong nanghihina dahil sa nainom kanina.
All I could do is cry and beg God to save me and my baby, but no matter how hard I tried to pray while I was getting abused by my best friend's grandfather, no help had ever come.
Sa pangalawang pagkakataon, binigo na naman ako ng Diyos.
Ng Diyos na akala ko ay hindi na ako muli pang pababayaan . . .