Khol
Totoo nga siguro na kapag masyado kang nagmahal, pwedeng masira ang buhay mo. Hindi ko naiintindihan ang lahat ng paalala ng matatanda noon tungkol sa mga bagay na sobra, hanggang sa pinatikim mismo sa akin ng tadhana kung gaano kasakit makitang mawala na lamang bigla ang bagay na labis-labis mong gustong manatili sa buhay mo.
"Khol, tama na 'yan. Nakarami ka na," sita ni Kali nang magbukas ako ng panibagong bote ng alak.
Nasa bahay kami nina tito Klinn dahil birthday ni Khane, ngunit imbes na sumali sa kasiyahan, mas pinili akong samahan ni Kali sa pool area para roon mag-inom.
I rubbed my palm on my face before I sighed. "Pampaantok lang para kung umuwi na mamaya, diretso tulog," dahilan ko.
Totoo naman. Gusto kong pagdating ng bahay mamaya ay wala na akong lakas pa para lumabas na naman at maghanap kay Ria. It's been several months since she left without a trace. Pero dahil hindi namin siya kamag-anak at sa nanay na niya mismo nanggaling na hindi siya nawawala, hindi kami makapag-file ng report kahit pa gusto akong tulungan nina Daddy.
Hati na rin ang opinyon ng pamilya. Some believe that Ria left me against her will. Habang ang iba, sinasabing bata pa kami masyado at baka nabigla ko siya sa mga bagay na gusto ko. Masyado raw kasi akong nagmamadali. Ang dami ko na kaagad gustong gawin para sa future naming dalawa kaya lang masisisi ba nila ako? Mahal ko si Ria. I just want a good future with her. Mali bang magplano? Mangarap? Hindi ko maintindihan. Kailan ba talaga nagiging mali ang pagmamahal?
Ayaw kong maniwala na basta na lang niya akong iniwan para sumama sa lalakeng nagngangalang Rendon. We've been together for several months. Ni minsan wala naman akong na-sense na may mahal siyang iba. Kaya lang sabi ng ibang kaibigan ko, baka raw nabulag lang ako masyado ng nararamdaman ko para sa kanya kaya hindi ko nahalata, pero hindi.
She gave herself to me, right? That speaks a lot for me. Lalake ako. Her innocence was like a guarantee that no man had ever conquered her heart before. Pero paano ko nga ipaglalaban iyon kung wala siya? Kung ilang buwan na siyang hindi nagpapakita?
"Baka naman kahit lasing ka na naman ay lumabas ka pa rin para maghanap? Bro, muntik ka na noong huling alis mo na lasing na lasing ka," paalala ni Kali.
I jugged my beer. Yeah, I remember that. Nabangga ko ang sasakyan ko a month ago dahil kahit lasing na lasing ako, pinili ko pa ring hanapin si Ria. I had some minor injuries that made my mom cry when they saw me at the hospital. Sinisira ko na raw ang buhay ko. Hindi na raw healthy para sa akin ang pagmamahal ko para sa girlfriend ko.
I almost laughed at myself. Girlfriend ko? Sa isip at puso ko girlfriend ko pa. Sa kanya ba? Ano pa ba talaga kami? Bakit isang reply man lang sa sandamakmak kong chat wala? Puro seen lang. Active naman sa f*******:. Nagpo-post pa nga minsan ng picture ng mga lugar na pinupuntahan nila no'ng Rendon. Bakit hindi man lang ako sagutin?
Gusto ko lang naman siyang makita kahit isang beses na lang. Baka kung personal kasi niyang sabihing tapos na, doon ako matauhan. Kasi kung ganito na parang bigla na lang akong iniwanan sa ere, pakiramdam ko hindi ko alam kung saang direksyon ba ang susunod kong tatahakin. Nakakatawa tuloy. I had our whole future planned out, pero itong pag-iwan niya, puta hindi ko 'to napaghandaan.
"Kinakausap kita, Khol," ani Kali nang walang sagot na nakuha mula sa akin.
Basag akong ngumiti saka ko ibinigay ang susi ng sasakyan ko sa kanya. "Here. You can hold it to make sure I won't leave home later."
He sighed. "May ipapakilala raw sa'yo si Alvern. Baka matipuhan mo—"
"Hindi ako interesado."
Napakamot siya ng ulo sa riin ng pagtutol ko. "Ilang buwan na, Khol. Kita naman natin kung gaano ka-active sa social media. Kung may balak talagang magpakita sa'yo, kahit man lang siguro kay Rona nagsabi, 'di ba? Kaso pati si Rona hindi na rin sinasagot. Best friend niya na 'yon, insan."
Humigpit ang hawak ko sa bote nang kumirot ang dibdib ko. Please, stop. I am trying to go on each day by holding onto the last strand of hope that maybe, Ria will soon come home to me. Ang hirap-hirap bumangon kung hindi siya ang dahilan kaya sana huwag na nilang isampal sa akin ang posibilidad na totoong sumama na sa iba ang babaeng mahal ko.
I just want her back. I just want her to look me in the eyes and tell me that she's still in love with me. Kasi kahit totoo mang may nobyo siyang iba, handa ko siyang tanggapin ulit kung ako ang pipiliin niya.
Itatapon ko ang pride ko at magiging bingi ako sa sasabihin ng ibang tao basta kami. Basta kami pa rin. Iyon lang naman ang gusto ko. Kaya kong maging pinakamartir na tao ibalik lang sa akin ang babaeng mahal ko.
"Khol," dinig kong tawag ni kuya Kaius. Ang mga kilay ay salubong at mukhang seryoso ang pakay sa paglapit.
Umayos ako ng upo at nagpanggap na hindi lasing. "Oh?"
"Someone called from the guard house. May . . . nag-iwan daw ng bata."
Nagsalubong ang mga kilay ko. "Bata? Pakialam ko sa bata?"
Nagkatinginan sina kuya Kaius at Kali bago bumuntonghininga si kuya.
"Pinabibigay raw ni Ria ang bata. Anak raw ninyo at . . . kailangan daw ikaw na ang magpalaki dahil hindi raw tanggap ng boyfriend niya ang sanggol."
Nabitiwan ko ang bote sa narinig. Hindi rin kaagad ako nakakibo. It was like my mind stopped from working the moment I heard what my brother said.
Ano raw? May . . . anak kami ni Ria?
Nalunok ko ang namuong bara sa lalamunan ko. "N-Nasaan?"
"Come with me. Hinimatay si Mommy sa balita. Tayo na lang ang kukuha."
Muntik akong mabuwal nang sinubukan kong tumayo. The news was overwhelming but I had the urge to come and see my baby. Sadyang hindi ko lang maproseso pa ang katotohanang may anak pala kami ni Ria tapos basta na lang iniwanan. Hindi ko alam kung maiinis ba ako o maaawa sa anak ko.
Tang ina, bakit hindi man lang iniwanan sa akin nang personal? Gano'n ba talaga kahirap ang harapin ako kahit sa huling pagkakataon man lang? Oo, luluhod ako at magmamakaawa pero hindi ko naman siya ikukulong kung ayaw niya talaga sa'kin!
Kuya and I went to the guard house where the baby was left. Naabutan pa naming may isinisiksik na sobre sa bulsa ang bagong gwardya ngunit hindi ko na magawang intindihin pa iyon nang marinig ko ang nakakabasag ng dibdib na iyak ng baby.
"Sir, ito ho iyong iniwang bata," the guard said while holding the baby girl. Natutok sa mukha ng bata ang mga mata ko habang si kuya naman ang kumausap dahil nahalata niyang naubusan ako ng lakas para magtanong.
"Anong itsura ng nagdala?" si kuya.
"Hindi ko ho gaanong namukhaan kasi naka-jacket ho na hooded. May face mask ding suot. Mabilisan lang din ho dahil hinihintay ng lalakeng kasama sa kotse. Basta binilin na ibigay raw kay Sir Khol ang baby. Anak daw ho nila 'tong bata pero nagiging sanhi raw ho ng away nila. Baka hindi raw matuloy ang kasal kung malalaman ng mga magulang ng lalake na naanakan siya ng iba—"
Naputol ang sinasabi ng guard nang tuluyan na akong lumapit para kunin ang baby. I had no idea how to hold her but I wrapped her in my arms as if she's the most precious thing in the world.
Ni hindi ko napansing namuo na ang luha sa mga mata ko habang titig na titig sa baby, at nang hindi na kinaya pa ng dibdib ko, nayakap ko na lamang ang sanggol saka ako humagulgol.
"Khol . . ." tawag ni Kuya saka ako niyakap. "Kaya mo 'to, bro. Nandito kami para sa'yo. We'll do a DNA test to confirm if it's really yours. Kung oo, then we'll raise her."
I sniffed and watched my little one try to suck her thumb to probably ease her hunger, and as I had a glimpse of her obsidian eyes when her eyes slightly opened, a broken smile made its way to my lips.
"She's mine." My voice cracked. "This baby is mine, kuya . . ."
Isinara ko ang mga mata ko saka ko pinatakan ng halik ang noo ng sanggol. I could feel it. The warm feeling they said you'd feel when you're near someone you are related to? I . . . could feel it, and it's easing the loneliness and void I have in my heart caused by Ria.
Humugot ako ng hininga't muling pinatakan ng halik ang noo ng sanggol habang sinasabi ni kuya na magpapa-test pa rin para kung magbago ang isip nina Ria, hindi mabawi kung mapamahal na sa amin.
Hindi ko na siya sinagot. I just let my little one hold my index finger with her tiny hand, and as I kissed her knuckles while my tears keep on trailing down my cheeks, I made a promise to myself and to her.
'I'll fix myself. I will be a good dad, and I will shower you with all the love you deserve even if home means just the two of us . . . Kendra.'