Chandria
Umawang ang mga labi ko nang makita ang halaga ng mga damit sa shop kung saan ako isinama ni Khol. Sabi niya ay bibili kami ng isusuot para sa dinner kasama ang pamilya Ducani. Hindi ko alam kung bakit ako isasama gayong hindi naman ako bahagi ng pamilya, kaya lang ay ayaw ko rin namang tumanggi.
"May napili ka na?" Khol asked.
My eyes were glued on the price tag. Dumampot ako ng mas maliit na damit, umaasang kung mas maliit ay mas mura ngunit halos lumuwa ang mga mata ko nang makitang triple pa ang presyo no'n kaysa sa una kong hinawakan.
I swallowed hard before I turned to Khol. Nakatutok na ang mga mata niya sa phone. I think he's chatting his cousins in their group chat. Kinuha ko ang atensyon niya sa pamamagitan ng marahang paghatak sa laylayan ng kanyang polo shirt.
"Khol?"
"Hmm?" He turned his full attention to me. "Do you like that?"
I pursed my lips and shook my head. "Pwede bang sa Divisoria na lang tayo bumili? Marami kasing mura ro'n."
He smirked. "I got money. Don't worry about the price."
I sighed. "You mean you have your parents' money?"
"Nope," he replied. Popping the p. "It's my own money."
Nalukot ang aking noo. "Paano? You're eighteen."
"Well, money is a usual topic at home. My grandpa made sure we know how to make money work for us even at a young age." Dumampot siya ng isang peach dress na may manggas at disenteng design. "I started my first investment at age nine, under my father's name. I made my first million at ten."
Napakurap ako habang ang mga labi ay bahagyang nakaawang. "You're not using your parents' money anymore?"
"I still do, because they insist to provide our needs. Katwiran nila ay magulang namin sila, but we use our own money whenever we want something that doesn't really fall under the necessity category." He smirked. "Why? Do you think we're just a bunch of spoiled brats living off with our family's money?"
Umiling-iling ako. "Hindi ko naman iniisip na gano'n. Nagulat lang ako na bata ka pa lang ay may sarili ka nang pera."
"Nagulat ka lang dahil sanay ka sa environment na sensitibong topic ang pera, and that's reasonable. Sad, but reasonable." He pinched my cheek. "Huwag kang mahiyang pumili ng damit na gusto mo. The prices here won't hurt my bank account."
Napabuntonghininga ako. "Alam mo? Sa lugar namin, kapag usaping pera, parang ang kasunod palagi ay problema."
"That's the thing, baby. Majority of the people just want to have money, not learn how to make it work for them. Did you know that my grandpa worked multiple jobs before just to provide for my uncle Konnar and my lola? He'd seen the world from both angles that's why he made sure we, his grandkids, would understand how important it is to have enough money to support our family. Dahil nagkahiwalay sila noon ni Lola dahil lang wala silang sapat na pera para sa medical needs noon. Kumapit si lolo sa patalim para may maibayad sa ospital noong nagkasakit si tito Konnar. His decision led him to a dangerous situation that almost killed him so my grandma had no choice but to let him go just so he would survive. Sabi nga ng tita Sadie ko, paborito niya 'yong quote na money may not be the most important thing in the world, but it affects everything that is important. Everyone in the family makes money so none of us would have to suffer the way our grandparents did. Para walang maghihiwalay na nagmamahalan dahil lang kapos sa pera."
Tumikhim ako. "May nabasa akong article. I think that's an interview sa grandparents mo. Totoo bang hindi ninyo kadugo si Mrs. Khallisa?"
"You can call her lola, too. She's everyone's grandma and mom." He smiled with the thought of his grandma. Halatang mahal na mahal niya. "Yeah. Hindi siya ang tunay na mama nina Daddy, tito Keeno, tito Klinn, at tito Keios. But we love her so much that despite us not entirely being blood-related, we will all go to war for her."
Napangiti ako. "Ang swerte niya sa inyo."
"It's actually the other way around. Kami ang swerte sa kanya. She could've just loved tito Konnar and tita Khalila, at iyong mga totoo lang niyang apo, but she didn't. She opened her arms for all of us and loved us all the same. Katwiran niya ay hindi nasusukat ang pagiging magkapamilya sa dugong nananalaytay sa katawan ng bawat isa. Ikaw? Trust me, if my grandma will meet you, she's gonna shower you with the same love, too." He placed his palm on my lower back as he reached for another dress. "This will surely look good on you."
Ngumiti ako't tiningala siya. "Babayaran kita someday."
He smirked. "Maniningil naman talaga ako." He licked his lower lip before he murmured. "Anak nga lang bayad mo."
Kumunot ang aking noo. "Hmm? Hindi ko narinig."
"Wala. Sabi ko ang hirap pumili ng damit mo dahil lahat parang babagay sa'yo."
Uminit ang aking pisngi. "Nambola ka na naman. Parang hindi mo naman ako pinagtatabuyan dati," biro ko.
"Yeah, we all go through our stupid phase. I failed to see your real beauty back then because you were so annoying, but not anymore. I want all your attention for myself."
Lalo akong namula, at nang makita ang aking reaksyon ay ngumisi siya na animo'y tumama sa lotto.
Inirapan ko na lamang at bahagyang kinurot sa tagiliran. Humalakhak naman ang loko bago ako hinalikan sa tuktok ng aking ulo.
"Try the dress, baby," aniya.
Ngumuso ako. "Baby ka nang baby, ha. Hindi ka naman nanligaw."
Umismid siya. "Akala ko tayo na? Ayaw mo ba? Pwede naman manligaw kahit magkarelasyon na."
Umikot kunwari ang mga mata ko. "Oo na lang, Khol."
His eyes glistened with joy. Tinalikuran ko na lamang bago pa matuwa nang husto kapag nakitang kinikilig ako.
I went to the fitting room and tried the peach dress he chose. Sakto ang sukat at haba sa akin kaya iyon na lamang ang pinili ko. We then went to my hotel room at Hotel Khallisa so I can get ready. Nang makapaghanda ay dumiretso na kami sa tahanan ng tito Klinn niya.
Of course, his uncle's house is huge as well. It has a large garage that looks like a car dealer's show room. Halatang mahilig sa sasakyan ang mag-asawang Klinn at Cassandra. Nakahilera rin sa living room ang iba't ibang tropeyo ng tito ni Khol na napanalunan sa pangangarera.
"Uy, may isinama!" asar ng isa sa mga pinsan ni Khol.
Kung hindi ako nagkakamali ay si Krishnan Ducani iyon. He was famous even SJ. Tipong kahit graduate na ay matunog pa rin ang pangalan sa eskwelahan. They said he won a national award for photojournalism and his winning piece is one of SJ's most valuable display in the wall of fame.
Umalingawngaw ang kantyawan. Maya-maya ay nagbiro ang lolo ni Khol matapos kaming magmano.
"Halatang apo ko ito. Pareho ng tipong babae."
"So si kuya Krishnan at kuya Khalid, Lolo hindi mo apo? Tigre mga gusto, eh," biro ni Serene Ducani.
Nagtawanan ang magpipinsan kaya parehong uminit ang mga pisngi namin ni Khol. He even scratched his temple before he smiled.
"Si Ria pala. Girlfriend ko ho," pakilala niya sa akin kaya lalong namula ang aking mukha.
Ngumisi si Khalid Ducani. "Anong klaseng kutsilyo tinutok sa'yo ng kapatid ko para sagutin mo?"
"Ay grabe. Parang hindi mo naman ginayuma si ate Francia nang ikaw ang piliin sa rami ng manliligaw niya?" balik ni Khol kaya lumutong ang tawanan at asaran.
"Ria, you can sit here," yaya sa akin ng ina ni Khol. Naupo naman ako sa silyang sinasabi ni Mrs. Ducani habang inokupa ni Khol ang katabi kaya lalong inasar ng mga pinsan at kapatid.
"Bantay-sarado naman!" Keison Ducani teased.
I couldn't help but smile as I watch them tease each other. Akala ko noon imposibleng maging ganito kasaya ang malaking pamilya. Kasi sa mga palabas sa telebisyon, iyong mga magkakamag-anak ay madalas nagtatalo. Hindi naman pala. Mukhang posible naman palang maging close ang lahat gaya nila. Iyong walang agawan ng lupa at payabangan kung kaninong anak ang mas angat.
"Ria, anong kurso ang kukunin mo sa kolehiyo?" tanong ni Harmony Ducani sa akin.
Napatingin ako kay Khol. Payak naman siyang ngumiti bago ako bahagyang tinanguan na tila sinasabing ayos lang na sumagot ako. Na hindi ako huhusgahan kung ano man ang sasabihin ko.
I cleared my throat for a moment. "Ano po sana. Gusto kong . . . maging chemist."
"Wow! Bakit chemist?" Krishnan asked without any hint of judgement. Tila interesado lamang malaman kung bakit iyon ang napili ko.
I inhaled a sharp breath then smiled while everyone is focused on me as if they're all interested to know my answer.
"Iyong . . . Papa ko kasi, he's um, he's a genius. Kaso . . . namatay siya nang maaga due to uhm . . . suicide." Lumunok ako, pilit kinokontrol ang sariling emosyon. "Gusto ko sanang makapag-formulate ng gamot na makakatulong sa mga taong may suicidal tendencies. I know there's only a handful of psychiatric medications in the market and most of them are not entirely helping cure patients who wanted to take their own lives. Kaya gusto ko sanang . . . makagawa ng gamot na pwedeng makatulong sa mga gustong magpatiwakal. I mean, maybe if the happy hormones in the body will increase, maybe the patient will see the world from a different angle. Maybe they would stop thinking about taking their life and pause to appreciate what they have."
Ngumiti si Krishnan Ducani. Maya-maya ay humugot siya ng malalim na hininga bago nagsalita.
"We're very sorry about what happened to your Dad, Ria. No one deserves to lose someone they love through suicide." His eyes flickered with pain. "I hope you'll pursue your dream. At kapag naabot mo ang mga pangarap mo, I hope you will also formulate cures for rare diseases so people who are considered hopeless cases will stand a chance."
Napatingin sa kanya ang lahat. Ngumisi naman siya at nagtaas ng baso.
"Hey, Klaze is coming home. Don't give me that look, guys. We're supposed to be the happiest family right now," aniya. Halatang pinipeke lamang ang saya.
I sighed when I saw the glint of worry in Khol's eyes. Marahan kong sinalat ang kanyang palad saka iyon piniga. Bumaling naman siya sa akin saka niya pinagsalikop ang aming mga palad na tila nais sabihing huwag akong mag-alala sa kanya.
Payak na lamang akong ngumiti. If I have to put my brain into work so Khol wouldn't lose someone he loves then I will.
Tiningnan ko si Krishnan na ngayon ay hinahalikan ang likod ng palad ng girlfriend niya. Maya-maya ay humugot ako ng malalim na hininga.
Help me, Papa. Help me find a cure . . .