Chandria
Hindi ako mapakali dahil sa nalaman. I know how much Rona loves her grandfather. Her Dad isn't always present in her life but her grandpa is. Kaya nga alam kong lolo's girl siya. Ngayon ay bothered tuloy ako. Paano kung malaman ni Rona na isa ang lolo niya sa mga lalakeng nahumaling sa nanay ko? God, that will surely break her heart.
"Kanina ka pa tahimik. Ayos ka lang ba talaga?" tanong ni Rona nang matapos ang huli naming klase.
I sighed. "Ayos lang. Iniisip ko lang ang kalagayan ng mama ko."
Although totoo naman, it wasn't entirely true. Mas lumalamang ang pag-aalala ko kay Rona dahil sa nalaman ko.
"Pupuntahan mo ba mamaya ang Mama mo?" tanong ni Rona habang inaayos namin ang mga gamit naming dalawa.
"Oo pero baka mamayang alas syete na. Magko-commute na lang ako papunta ro'n."
Rona wore the strap of her bag. "Grabe naman, patapos na lang ang klase sandamakmak pa rin ang kailangan nating bitbitin dahil sa final requirements. Hindi ko pa rin natapos 'yong isang project kaya pasensya ka na. Sa Sabado na lang kita sasamahang magbantay sa ospital," reklamo niya.
I smiled. "Ayos lang." Natatakot din akong mabanggit ni Mama ang tungkol sa lolo niya kung kailan naroon si Rona. Kahit kay Khol ay ayaw ko ring magpasama sa ospital kung sakali kaya kailangan kong hintaying makauwi siya bago ako pupunta sa ospital.
I lifted my bag. Katatapos lamang din ng klase nina Khol kaya bago pa kami nakalabas ni Rona ng silid ay pumasok na si Khol para buhatin ang bag ko. Pati ang kay Rona ay binitbit niya nang napansing mabigat din. I noticed that Rona lowered her head after Khol insisted to carry her bag. Ayaw ko namang mag-isip ng negatibo tungkol sa best friend ko kahit na . . . namula ang pisngi niya dahil sa ginawa ng boyfriend ko.
"Tara na ba?" Khol asked.
Humugot ako ng hininga't payak na ngumiti, pilit isinasantabi ang napansing pamumula ni Rona. "Tara."
Khol entwined our fingers and led me out of the room. Bumuntot naman sa amin si Rona hanggang sa nakarating kami sa parking lot. Maya-maya ay natanaw namin ang sundo ni Rona, ngunit nang mapagtantong ang lolo niya ang nanundo sa kanya ay halos magwala sa kaba ang aking dibdib.
"Lo!" Rona hugged her grandfather. "Bakit kayo po ang sumundo sa akin?"
Ngumiti ang matandang lalake, ngunit napansin ko ang pagtapon niya ng makahulugang tingin sa akin bago niya sinagot si Rona.
"Napadaan ako, apo at mayroon akong binisitang kaibigan sa ospital. Balita ko ay rito rin nag-aaral ang anak niya. Kawawa naman at mayroong sakit ang nanay ngayon."
Nanlamig ang aking katawan. Nanggaling siya sa ospital? Si Mama ba ang binisita niya? Did my Mom mention about me that's why he's looking at me that way? We've met twice. Noong kaarawan ni Rona at noong minsan akong inimbita ni Rona sa bahay nila para gumawa ng project namin. Kilala na ba niya ako bilang anak ni Mama?
Tumingin sa akin si Rona habang salubong ang mga kilay. "Ang mama ni Ria, lolo nasa ospital ngayon. May cancer."
"Talaga, Rona? Naku mukhang tama nga ako. Ito nga ang anak ng kaibigan ko."
Makahulugan ang naging ngiti sa akin ng matandang lalake habang pinapasadahan ako ng tingin. Wala tuloy sa sariling napahigpit ang hawak ko sa kamay ni Khol habang namumutla akong nakatitig sa lolo ni Rona.
"Ikaw ba si Chandria Slyvano?" tanong niyang lalong nakapagpakaba sa akin. Dama ko na rin ang pagsulyap ni Khol, mukhang napaisip nang mapiga ko ang kanyang kamay.
I swallowed the lump forming in my throat while I'm keeping my gaze on the old man's creepy smile. "O-Opo."
"Sinasabi ko na nga ba." Lumawak ang kanyang ngiti. "Kahawig mo ang iyong ina, hija. Magandang bata ka rin. Bakit hindi ka sumama kay Rona sa darating na Linggo? Dadalawin niya ako sa bahay. Baka maaari nating pag-usapan ang tulong na balak kong ibigay sa iyong ina," makahulugan niyang sabi na lalong nagdala ng takot sa akin.
Rona smiled at me as if she didn't sense the predatory look in her grandfather's eyes. "Oo nga, Ria! Sama ka sa'kin. Magkakilala naman pala ang lolo ko at ang mama mo. Hindi mo na kailangang mamroblema pagdating sa kailangan sa ospital."
Tumikhim si Khol, ang mga kilay ay bahagyang magkasalubong na tila hindi niya gusto ang lolo ni Rona. "May lakad kami ni Ria sa Linggo, Rona. Besides, my family and I can help them, too." Ngumisi si Khol nang mapawi ang kurba sa mga labi ng lolo ni Rona. "Salamat po sa alok pero ako na po ang bahala sa girlfriend ko at sa mama niya," dugtong ni Khol. He even put emphasis on the word 'girlfriend'.
Napalunok ako nang makita ang paghugot ng lolo ni Rona ng malalim na hininga. Maya-maya ay payak niyang nginitian si Khol. "Ikaw pala ang nobyo ni Ria? Mukhang hindi yata alam ng nanay niya ang tungkol sa relasyon ninyo."
Lumagabog ang aking dibdib. "H-Huwag po sana ninyong sabihin. A-Ako na po ang . . . bahalang magkwento sa mama ko."
Makahulugan siyang ngumisi na tila nakahanap siya ng alas. Hindi ko alam pero parang lalo akong natakot sa kanya. It was as if he's up to something and he's not going to stop until I do what my mother wants.
Umiwas na ako ng tingin. "U-Una na po kami, ah? I-Ingat po kayo."
Rona waved at me. "Ingat kayo! Kita na lang tayo bukas."
I forced a smile. Sumama na ako kay Khol pagkatapos, ngunit pagkapasok namin ng sasakyan ay muli akong napatingin sa direksyon nina Rona. Parang bigla akong natakot nang makita ko kung papaanong hinalikan ng kanyang lolo ang kanyang ulo habang yakap siya. His eyes were . . . glued on my direction as if he was imagining Rona as me.
"That old man is creeping me out."
Napatingin ako kay Khol nang marinig ko ang kanyang sinabi. "Huh?"
"I said Rona's grandpa is creeping me out." He pulled my seatbelt and buckled it. Nang maikabit ang seatbelt ko ay nag-aalala niya akong tinitigan sa mga mata. "Huwag kang sasama kay Rona kahit anong mangyari, ah? Iba ang pakiramdam ko sa matandang 'yon. I don't like the way he stared at you. Parang manyak."
Napalunok na lamang ako saka tumango. Baka kung malaman ni Khol kung ano ang nais ipagawa ni Mama sa akin, makalimutan niyang ilang taon ang tanda sa kanya ng lolo ni Rona. I don't want him to be in trouble because of me. I just hope I'll find a way to help my mom without seeking his nor Rona's grandpa's help.
Pinagsalikop ko ang aking mga palad. Diyos ko. Tulungan ho sana Ninyo ako . . .