Matapos ang pangyayaring 'yon ay hindi ko na siya kailanman kinausap o nilapitan man lang. Alam kong ramdam niya iyon pero pinili niyang hayaan na lang muna ako. Bumalik ako sa kwarto namin ng hindi masyadong nagsasalita. Isipin ko pa lang na magkakatabi kami sa kama ay halos manginig na ako sa sobrang kaba. Matapos mag-shower at magbihis ay mabilis akong nahiga. Tahimik siyang pumasok sa shower room at lumabas ng walang pang-itaas habang abala sa pagpapatuyo ng kaniyang buhok gamit ang towel. Umalingasaw ang shower gel na ginamit niya, ang madalas kong maamoy sa kaniya na nakakaadik. I want to smell it. I want to smell him. Pero mas pinangungunahan ako ng hiya at ng mga nangyari. "A-are you okay if I sleep beside you?" hindi ako sumagot. "If not, sa couch na lang ako." "N-no, Sir, bo

