Nakatulala ako sa wedding dress na nasa harapan ko. Nakikipagusap si Meast sa may ari ng boutique na pinuntahan namin, na siya rin mismong designer. Hanggang ngayon hindi nag s-sink in sa akin na hindi lang pala ako magpapanggap na simbahan, magiging substitute rin pala ako sa ganito. "Halika susukatan na kita," alangan akong sumama at nilingon si Meast. Tiningnan ko siya ng nagtatanong ngunit tumango lang siya sa akin. "You have a nice body, huh?" nailang ako ng sabihin niya 'yon habang sinusukatan ako, maya't-maya rin ang lingon ko kay Meast at seryoso lamang itong nakatingin sa akin. Pagkatapos ay agad din kaming umalis. "Kailan ang kasal niyo?" pansamantala siyang natahimik na bago niya ako sinagot. "As soon as possible, maybe right after Christmas," Ilang Linggo na lang pasko na,

