Umagang-umaga at kagigising ko lang pero pinagpapawisan ako. Sino ba kasing may sabi na maghubad ng mga t-shirt ang dalawang ugok na nasa labas ng bahay na tinutuluyan ko?! Halos lumuwa ang mata ko at malaglag ang panga habang naglalaban silang dalawa. I think may kinalaman ang ginagawa nila sa trabaho nila kay Meast. They're having a combat fight. Hindi na mga nahiya! Bakit sa harap pa ng bahay kung pwede naman sa likuran?! Bida-bida talaga ang mga ugok. Mabilis akong lumabas ng kwarto at para puntahan silang dalawa. "Hoy dalawang pornstar, pwede ba? Ang aga-aga!" "Good morning, happy meal!" pambabalewala ni Clover sa pagsusungit ko. "Good morning baby girl," segunda naman ni August na mas lalong kinakunsumi ko. Shuta, madali yata akong tatanda sa dalawang ito. "Magsibihis nga, kayo

