Sa ilang araw na pamamaagi nila sa hacienda ay alagang-alaga siya ni Clyde. Masaya ang mga natirang araw nila roon dahil hindi naman na naulit ang nangyari sa kaniya. Marahil ay dahil lang talaga iyon sa pagkain na hindi niya gusto kaya naman iniwasan na lang niya ang mga iyon. Kahit ang asawa ni Rondelle sa si Celestine ay iniwasan na rin ang maghain ng mga pagkain na alam nito na hindi niya magugustohan. Hindi naman naging problema sa kaniya iyon dahil alam naman pala ng mga ito ang tungkol sa kalagayan niya. Hindi na niya kinailangan pa na magpaliwanag. Pinayuhan rin siya nito tungkol sa karanasan nito sa pagdadalang tao kaya naman mas naging palagay ang loob niya sa babae at nangako siya na bibisita ulit. "Are you okay? Napagod ka ba sa byahe?" Clyde asked her. Kadarating at kakapa

