"Ano ba Clyde, bitawan mo nga ako!" saway niya sa lalaki habang hila siya nito papunta sa parking area kung saan naroon ang sasakyan nito. "Why? You want to go with Montreal again, huh? At kailan pa kayo naging close ng lalaking 'yon?" galit na saad nito pero mas tunog akusasyon iyon. At mukhang mas galit pa yata ito kaysa sa kaniya gayong siya ang mas may dahilan para magalit dito. "What are you talking about?" "Get in the car!" "No! I won't go with you..." "Sasakay ka, o isasakay kita. You decide!" seryoso nitong banta sa kaniya. At nang hindi siya natinag sa pagkakatayo ay lumapit ito at akmang bubuhatin siya pero mabilis siyang umalis sa harap nito at binuksan ang pinto ng sasakyan. Sa backseat siya umupo at pabagsak niyang isinara ang pinto ng kotse nito. "Sit in front, Re

