Chapter 7: Shadows of a Promise

674 Words
Two days. Dalawang araw na lang. Dalawang araw bago ang araw na tinatawag ng lahat na “pinakamasayang sandali ng isang babae.” Pero bakit parang ako lang ang hindi naniniwala ro’n? Sa office, pilit kong inaalis sa isip ang lahat ng wedding-related stress. Tumututok ako sa numbers, sa spreadsheets, sa reports. Pero kahit gaano ko pa gustong itapon ang sarili ko sa trabaho, hindi nawawala sa likod ng isip ko ‘yung tanong: Kaya ko pa ba ‘to? “Miss De Leon,” tawag ng boss ko. “Pwede ka ba sa quick review ng report?” “Of course, sir,” sagot ko agad. Kahit hindi pa tapos, kahit kulang pa sa tulog. Kahit wala ako sa kondisyon. Pagkatapos ng meeting, hindi na ako bumalik sa desk ko. Lumabas ako. Naglakad. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Hanggang sa nasa harap na ako ng simbahan. Tahimik. Walang tao. Banal ang hangin. Yung klaseng katahimikan na hindi nakakatakot — kundi parang inaanyayahan kang magpakatotoo. Dahan-dahan akong pumasok. Lumakad sa aisle. Suot ko lang ang pang-office kong blouse at slacks, pero sa loob ng utak ko, parang may iba. Bigla, para akong nasa panaginip. The doors of the church slowly close behind me. The air shifts. I take a step. Then another. The soft echo of my heels on the marble floor sounds different — parang may musika kahit wala naman. Sa harap ng altar, may nakatayo. Liam. Naka-black suit siya. Walang ngiti. Pero hindi rin malamig. Parang laging nagmamasid. Parang hinihintay ako. Hindi ko mapigilan ang sarili ko. Tuloy-tuloy lang ako sa paglakad. Dahan-dahan. Hindi ko alam kung paano, pero gusto kong makarating sa kanya. Gusto kong makita kung anong meron sa mata niya. Kung siya ba ‘yung sagot sa tanong na hindi ko mabitawan. Liam... Hanggang sa— “Jennifer?” Bigla akong napatigil. Nanlaki ang mata ko. At doon ko narealize… hindi ito panaginip. Nakatayo talaga si Liam sa harap. Pero hindi siya nakasuot ng suit. Polo shirt lang at dark jeans. Nakasandal sa gilid ng altar, hawak ang phone. Nakatingin sa’kin. “Oh my God,” napabulong ako. “Hindi ako nananaginip.” “Are you okay?” tanong niya, mababa ang boses, kagat ang concern. “Uh… yeah. I— I just needed to clear my head.” Tumango siya. “This place helps.” Naglakad siya palapit, pero hindi masyadong lapit. Enough lang para marinig ko siya ng malinaw. “Bakit ka andito?” tanong ko. “Si Mama. Pinapabalik ‘yung supplier ng flower arrangement. May gusto siyang ipabago. Ako na lang ang pinapunta.” Of course. Of all places, of all times, dito pa kami magkakasabay. Tahimik kami saglit. “I saw you walking down the aisle,” dagdag niya. “Parang hindi ka humihinga.” “Feeling ko nga hindi ako humihinga.” Hindi siya ngumiti, pero ‘yung mga mata niya, malumanay. Hindi mapilit. Hindi mapanghusga. “Kailangan mo bang magpakasal kung hindi ka makahinga sa ideya nito?” tanong niya, diretso, walang halong drama. Napatingin ako sa mga stained glass windows ng simbahan. ‘Yung liwanag sa labas, parang masyado nang maliwanag para sa gulo ng puso ko. “Alam mo, ilang beses ko nang tinanong ‘yan sa sarili ko. Pero sa tuwing naiisip kong umatras… naiisip ko si Mama. Si Papa. Yung bisita. Yung chismosa kong Tita na feeling entitled sa front row.” “Pero hindi mo naiisip ang sarili mo.” Napatawa ako, kahit parang gusto ko na ring maiyak. “Alam mo bang pareho kayo ni Mira magsalita?” “Then maybe she’s right.” Tumahimik na naman kami. Gusto kong sabihin na hindi ko na kaya. Gusto kong aminin na hindi ko na mahal si Vincent. Pero parang lahat ng salitang ‘yon, nakakulong sa dibdib ko. “Liam…” Tumingin siya sa akin. ‘Yung tingin na parang naghihintay siya, pero hindi niya ako pipilitin. Bumuntong-hininga ako. “I don’t think I want to marry him.” At sa wakas… Nabitawan ko rin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD