Himinga akong malalim at nilagay ang pagkain ni Auntie sa lamesa.Hindi siguro alam ni Auntie ang nangyayari sa amin ni sanjhu dahil wala naman itong tinanong sa akin.Sabagay ay hindi niya naman siguro alam na nagbalikan kami ni sanjhu kaya wala itong nalalaman sa lahat. "Jisoo,mag almusal kana rin doon. Sambit niya sa akin tinawag pa niya si Aling Linda sa labas para sabihing sabayan akong mag almusal sa loob. Naglakad ako papasok kasama si Aling Linda at siningit pa ni Auntieng sabihin habang papasok kami. "Linda tawagin mo narin si Sanjhu para may kasabay siyang mag almusal. Napahinto ako sandali sa sinabi ni Auntie,Ano hindi ko kayang kumain na kaharap siya, kahit gutom ako ay titiisin ko to kaysa mag harapan kami sa lamesa. Baka bigla nalang akong maiyak doon sa harap nila nakakah

