"Mine." The little man repeat his words with a deep growl na siyang bumura sa masayang emosyon na nasa mga mata ng hari. "Sinusuway mo na ba ako Kaizen?" Puno ng galit na untag ng hari gamit ang malakas nitong boses na siyang naging rason upang yumuko ang lahat ng mga tauhan nito. "Mine!" Ulit muli ng bata imbes na sagutin ang sinabi ng ama. Siguro nga hindi ito makapagsalita ng kahit ano dahil ang lobo nito ang may hawak ng kontrol sa katawan nito. Ngumisi naman ang hari dahil sa narinig at nakita kong akmang tataas ang kamay nito para saktan ang sariling anak. Ngunit agad na pinigilan ito ng aking ama. Gamit ang mga salita nito na siyang nagpaigting sa panga ng hari. "Wala ka na ba talagang puso? Pati ang sarili mong anak ay kaya mong saktan dahil lang sa iyong kasakiman?" Nanlaki an

