LORIE LOVE “Lorie Love, I love you.” At talagang inulit niya at tama ang narinig ko. Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko. Para kasing nahulog ang puso ko na para bang pati ang panty ko mahuhulog ng wala sa oras sa narinig ko mula sa kanya. Sa sobrang kaba ko ay mabilis akong tumakbo papasok sa loob ng unit niya. At mabilis na dumiretso sa room ko. Ni lock ko rin ito dahil ayaw ko na pumasok siya. “Lord, bakit naman ang lakas niyang magpakilig? Bakit po? Bakit may pa I love you na agad? Ano ang gagawin ko?” para na akong baliw na kinakausap ang sarili ko. “Ano ba ito? Mahal ba talaga niya ako? Talaga ba? For real?” tanong ko sa sarili ko. “Baka naman mali lang ako? Baka nga? Hindi ito totoo, hindi. Bakit naman niya ako mahal? Ang bilis naman, ang bilis talaga,” saad ko sa sarili ko

